KABANATA 18

783 12 0
                                    

At dahil may event sa kompanya nila David, ito ang ginamit niyang paraan para maipaalam sa lahat ng taong nakakakilala sa kaniya ang tungkol sa mag-ina niya. Marami ang nagulat sa naging rebelasyon niya. Ngunit tuwang-tuwa naman ang kaniyang mga magulang.




"Oh my gosh I'm so happy, anak! Finally nagkaapo na rin kami sa wakas!" Masayang wika ng kaniyang ina sabay yakap sa kaniya.


"Nasaan na pala sila? Gusto kong makita ang apo ko," wika naman ang ama niya.



"Umalis po sila. Nilayasan po ako ni Akira."
Malalim na huminga si David bago nagsimulang ikuwento sa magulang niya ang nangyari. Hindi niya tuloy napigilang maiyak. Niyakap siya ng kaniyang ina.



"Huwag kang mag-alala, David. Kami na ang bahala para magkaayos kayo. Halika na. Puntahan na natin sila," sabi ng Daddy niya.

Mabilis na umiling si David. "No, Dad…please. Huwag muna sa ngayon. Sa tingin ko kasi…mas lalo lang magagalit sa akin si Akira. Gusto ko munang kumalma siya at magpalamig. Alam kong hindi tama ang sinabi ko sa kaniya."

Malalim na bumuntong hininga ang Mommy niya. "Sabagay, tama ka. May mga times talaga na kaming mga babae ay kailangan ng oras para makapag-isip. Tama lang ang sinabi na bigyan muna natin ng oras ang mag-ina mo. Para kapag nagkaharap kayo, hindi na siya masyadong mainit ang dugo sa iyo. Hindi na siya galit," malumanay na sabi ng kaniyang Mommy.

"Okay sige. Palipasin muna natin ang ilang araw. At pagkatapos, kasama kaming pupunta sa mag-ina mo," wika ng Daddy niya sabay ngiti.


Kinagabihan, malungkot na nakatanaw sa larawan ni Akira si David. Napapikit na lang siya dahil sa sobrang lungkot na kaniyang nararamdaman. Pero kailangan niyang magtiis dahil kasalanan naman niya ito.

"Miss na miss na kita, Akira…" naiiyak niyang sambit bago inilapit sa kaniyang mukha ang hawak niyang cellphone.


Ilang minuto ang lumipas, tumunog ang cellphone ni David. Pagkatingin niya, tumatawag lang pala ang isa niyang kaibigan.

"Bakit Ken?" tanong niya rito.


"Ayos ka lang ba? Gusto mo bang puntahan kita diyan?" tanong ni Ken mula sa kabilang linya.

"Huwag ka ng mag-abala pa. Ayos lang ako. Ipapahinga ko lang ito. Magiging ayos din ang lahat."

Sumang-ayon na lang sa kaniya ang kaibigan niyang si Ken. Saglit lang silang nag-usap bago tuluyang ibinaba ni David ang tawag.

At dahil hindi talaga makatulog si David kaiisip sa kaniyang mag-ina, bumili siya ng alak at saka malungkot na uminom mag-isa.

"Hi David!" Malanding sabi ni Lexi.

Kumunot ang noo ni David. "Anong ginagawa mo rito?"

Nginisihan siya ng babae. "Nandito ako para damayan ka sa lungkot na dinadala mo ngayon. Grabe ha! Nakakagulat ang rebelasyong nalaman ko. May anak ka na pala? Ang galing mo ring magtago. Pero mali kasi ang ginawa mong 'yon kaya nilayasan ka ng mag-ina mo."


Matalim niyang tinitigan ang babae. "Wala kang pakialam. Umalis ka na nga. Wala naman akong sinabing damayan mo ako. Papansin ang p*ta. Umalis ka na!" Galit na sigaw niya sa babae.

Tumawa naman si Lexi. "Grabe? Galit na galit? Inaano ba kita? At wala naman sigurong masama kung dadamayan kita ngayon. Imbes na awayin mo ako, bakit hindi na lang tayo mag-inuman, 'di ba? May probelema rin kasi ako. Family problems," sabi ni Lexi sabay kuha ng alak.

"Eh bakit hindi ka na lang mag-inom mag-isa? Bakit nandito ka pa? Papansin lang?" gigil na sabi ni David sabay lagok ng alak.


Mahinang natawa si Lexi. "Ewan ko sa iyo. Kung ano-ano na naman ang pinag-iisip mo. Uminom na lang tayo ng alak. Nang sa ganoon ay mawala ang problema natin kahit pansamantala."

"Bilisan mong ubusin ang mga alak na dala mo nang makaalis ka na. Hindi kita kailangan dito. Kaya kong mag-inom mag-isa. Huwag ka ng pupuntah pa dito," seryosong sabi ni David sabay inom ng alak.

Ngumiti naman si Lexi. "Kung makapagsalita ka diyan, parang walang naganap sa atin noon ah? Parang ang bilis mo naman akong kalimutan. Hindi ka ba naging masaya sa akin? Hindi mo ba namimiss ang galing ko sa kama?"

"Wala akong pakialam sa iyo," mabilis na sagot ni David.

"Grabe. Ang sakit mo ng magsalita talaga sa akin. Hindi na ikaw ang David na nakilala ko," sabi pa ni Lexi.

Hindi na umimik si David. Nagpatuloy na lang siya sa pag-inom. Sa totoo nga lang, gusto niyang umiyak. Pero pinigilan na lamang niya ang kaniyang sarili. Lumipas pa ang ilang oras, nalasing na si David. Nahihilo na siya. Napangiti si Lexi nang makita siyang nanghihina na. Humiga sa couch si David. Nilapitan siya ni Lexi.

"Oh? Bakit nakahiga ka na diyan? Ano? Mahina ka na pagdating sa inuman?" tanong ni Lexi sabay himas sa hita ni David.

"Ayoko ng uminom. Ikaw na lang. Pagkatapos mo ay umalis ka na," nakapikit na sabi ni David.

Ngumisi naman si Lexi. "Ayoko namang iwan ka na lang dito ng ganiyan. Wala ka bang balak na gawin?"

Hindi umimik si David. Masakit na kasi talaga ang ulo niya. Gusto na niyang matulog.

Pilya namang ngumisi si Lexi. Pinagapang niya ang kamay niya sa hita ni David. Pagkatapos ay mabilis niyang binaba ang suot nitong pants. Halos tumulo ang laway ni Lexi nang makita niya ang malaking kargada ni David. Agad niyang isinubo ang tit* ni David. Nanlaki naman ang mata ni David kaya nasipa niya si Lexi. Tumalsik tuloy ang babae sa lakas ng pagkakasipa niya.

"P*tang ina mo ka! Bakit mo sinusubo ang tit* ko?" Galit na saad ni David sabay ayos ng kaniyang suot.

Marahan namang tumayo si Lexi. "T*ng ina mo! Ang lakas ng sipa mo sa akin!" Galit na sigaw niya.

"Wala akong pakialam! Malandi kang talaga! Alam mo ng may pamilya na ako tapos gagawin mo sa akin 'to? Umalis ka ng malandi ka!" sigaw ni David sabay hatak kay Lexi.

Kinaladkad niya ang babae hanggang sa makalabas sila. Basta na lamang niya itinulak si Lexi at saka isinara ang gate. Nanggigigil naglalakad papasok ng kaniyang bahay. Agad siyang nagtungo sa banyo at saka naligo. Hinugasan niya ng maigi ang tit* niya.

"T*ng ina ng babaeng 'yon! Kupal talaga eh. Walang dapat na sumubo ng tit* ko kun'di si Akira lang," bulong niya sa kaniyang sarili habang hinuhugasan ng maigi ang tit* niya.

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon