HULING KABANATA

1.2K 22 2
                                    


Lumipas pa ang mga araw, habang tumatagal ang pagsasama nila David at Akira, mas lalong nararamdaman ni Akira na siya ay mahal na mahal ni David. Naging maasikaso ito sa kaniya at maalaga. Palagi rin itong nag-aalaga ng anak nila. Pakiramdam nga ni Akira, naging buhay reyna siya sa piling ni David.

"Aray ko naman!" daing ni Akira nang hampasin ni David ang puwet niya.

"Sorry po…ang sarap kasing hampasin ng puwet mo eh. Naaakit ang kamay ko na hampasin ang matambok mong puwetan," sabi ni David sabay tawa. Inirapan siya ni Akira.

"Eh kung suntukin ko kaya 'yang betlog mo? Nang malamam mong nasasaktan ako sa ginagawa mong paghampas sa puwetan ko?" Inis na sabi ni Akira.

Ngumuso naman si David at saka niyakap si Akira sa likuran. Idiniin niya ang kaniyang sarili sa asawa niya kaya naman naramdaman ni Akira ang matigas niyang alaga.

"Ano ba naman 'yan! Ang aga-aga naninigas na naman niyang tit* mo. Ikalma mo nga 'yan kung ayaw mong putulin ko 'yan! Pagod na ang kipay jo kakasundot mo!" Mataray na sabi ni Akira.

Malakas na tumawa si David. "Sory na po. Ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na mainis sa akin?"


Tumaas ang kilay ni Akira. "Tanggalan mo ng tae ang anak natin. Ang baho na. Baka magkarahes pa 'yan."

Napangiwi naman si David. Ayaw niya kasing magtanggal ng tae ng anak nila dahil nandidiri siya. Pinanlakihan siya ng mata ni Akira.

"Ano? Hindi ka pa kikilos diyan? Nandidiri ka sa tae ng anak mo?"

Napakamot ng ulo si David. "Eh…ang baho kasi talaga eh. Nakakadiri naman talaga. Iba na kang ang iutos mo sa akin."

Sinipa siya sa binti ni Akira. "Manahimik ka! Ayaw mong sumunod sa akin? Okay sige. Huwag mo akong kakalabitin mamayang gabi ha! Magjak*l ka mag-isa kung gusto mo!" singhal sa kaniya ni Akira.

"Ito naman! Sabi ko nga susunod na ako!" wika ni David sabay lapit sa kanilang anak.


Sa sobrang pagmamahal ni David kay Akira, kinakabahan agad siya kapag nawawala sa paningin niya ang kaniyang asawa. Talagang inaalam niya kung saan nagpupunta ang kaniyang asawa.

"Nasaan ka? Bakit wala ka sa tabi ko nang magising ako?" Naiiyak na sabi ni David mula sa telepono.

Natawa naman si Akira. "Abnormal ka ba? Bakit parang naiiyak ka ha?"

"Eh kasi naman…wala ka sa tabi ko ng magising ako. Inisip ko agad na iniwan mo na ako. Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Nasaan ka ba?" sabi ni David sa kabilang linya.

Malakas na natawa si Akira. "Abnormal la talaga. At bakit naman kita iiwan? Sira! Nandito lang ako sa market. Namimili ako ng mga rekado para sa lulutuin kong ulam natin. Huwag ka ngang ano diyan! Nababaliw ka na naman yata."

"Oo! Talagang nababaliw ako kapag wala ka. Please uwi ka na. Miss na agad kita. Wait kita dito, ha? Sa susunod isasama mo na ako kapag pupunta ka diyan," sabi ni David mula sa kabilang linya.

Napailing na lang si Akira. "Oo na! Ang arte mo. Sige na, bye na," sabi ni Akira bago ibinaba ang tawag.

Natatawa na lang siya sa asta ni David. Para kasi itong timang kapag umaalis si Akira. Iniisip niya lagi na iiwan siya ni Akira. Kaya naman mabilis na hinanap ni Akira ang mga rekado para sa lulutuin niya. Nang sa ganoon ay makauwi na siya kaagad. Baka kasi umiyak na naman si David. At oo, umiiyak talaga si David kapag nawawala si Akira sa kaniyang tabi.

Nang makauwi si Akira, agad siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ni David.

"Hoy ano ba! Papatayin mo yata ako sa higpit ng yakap mo eh!" sabi ni Akira sabay tulak ng bahagya sa kaniyang asawa.

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon