Samantala, sa paglipas ng mga araw, tila mas lalong namimiss ni Akira si David. Walang araw na inisip niya ang lalaki. Naiiyak pa nga siya kapag naiisip niya na mayroong itong babaeng ibang kasama. Pero wala naman siyang magagawa dahil hindi naman niya pagmamay-ari si David."Hoy Akira! Ano na? Bakit wala pa rin ang partner mo? Hindi ko pa rin siya nakikitang dumadalaw dito?" sabi ng babaeng kapitbahay niya.
Tipid na ngumiti si Akira. "Hindi pa siya makauwi dahil busy pa siya eh. Pero ayos lang dahil naiintindihan ko naman. Para sa amin din naman 'yon," palusot niya sabay iwas ng tingin.
"Sabagay tama ka. At sigurado ako na miss na miss ka na ng partner mo. Kailangan niya lang talagang malayo para sa anak ninyo," sabi ng babae sa kaniya.
Napalunok naman si Akira. Sa isip niya, sumasagi kaya sa isipin ni David silang mag-ina? Namimiss din kaya siya ng lalaki? Oh baka naman mas masaya ito na wala na siya? Tumigil na kasi sa pangungulit si David sa kaniya. Hindi na ito muling nagtadtad pa ng text at tawag. Kaya naman talagang nalungkot si Akira.
"Pero kawawa 'yang petchay mo, lantang-lanta na," natatawang sabi nito sa kaniya.
Natatawa na rin si Akira. "Ayos lang 'yan. Darating din naman ang araw na madidiligan din ang petchay ko. Tamang hintay lang ako."
"Tama! Ayos lang na malanta ang petchay kaysa magpadilig sa iba! Dapat mga asawa lang natin ang didilig sa atin! Sila lang ang susundot sa petchay natin!" Natatawang sabi ng babae.
Humagalpak naman ng tawa si Akira. "Sira ulo ka talaga! Kung ano-ano na naman ang sinasabi mo!"
"Pinapasaya lang kita. Mukha ka kasing malungkot eh. Sabagay, nakakalungkot talaga ang hindi nadidiligan. Iba pa rin kapag may dilig! Nakaka-fresh! At isa pa, nakakapag-exercise ka pa! I love sundutan talaga!"
Mas lalo tuloy natawa si Akira. Mabuti na nga lang at may kapitbahay siyang makulit at maingay kaya hindi siya masyadong nalulungkot. Nalilibang siya kahit papaano.
Sa kabilang banda, walang araw na hindi malungkot si David. Patuloy pa rin siya sa pag-iisip sa kaniyang mag-ina.
"Anong plano mo? Pupuntahan mo na ba ang mag-ina mo?" tanong ni Ken sa kaniya.
Malalim na bumuntong hininga si David. "Hindi muna. Pipilitin kong hindi muna. Magpapalipas pa ako ng ilang araw."
"Sabagay mas okay 'yan. At sa tingin ko, sa mga panahon pinalipas mo ay medyo kumalma na siya."
"Sana nga, Ken. Nang sa ganoon ay magkaayos na kami. Gusto ko ng ayusin ang buhay ko. Handa na akong ayusin ang pamilya ko. At isa pa, sa nakikita ko, siya na ang babaeng makakasama ko habambuhay," seryosong saad ni David sabay hingang malalim.
"Tama 'yan. Magbagong buhay ka. Iba na rin kasi ang mayroong anak. Dapat matured na talaga ang isip mo. Kaya masaya ako para sa iyo. Sana ipagpatuloy mo 'yan at maging mabuting ama ka sa anak mo. At maging mabuting asawa ka na rin."
Lumipas ang ilang araw, napagdesisyonan na ni David na puntahan si Akira sa apartment na inuupahan nito. Kinakabahan si David habang patungo sila sa apartment na tinutuluyan ni Akira.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga magulang niya dahil sa wakas may anak na si David. Naabutan nila si Akira na nakikipag-usap sa isang babae at nagbibilad sa araw habang buhat ang kanilang anak. Nanlaki ang mga mata ni Akira nang makita niya si David. Nagpalipat-lipat ito ng tingin si Akira sa mga magulang ni David.
"David?" takang banggit ni Akira sa pangalan ng lalaki.
Nakangiting lumapit ang Mommy ni David sa kaniya. "Hello, hija. Magandang araw sa iyo. Ako nga pala ang Mommy ni David. Nandito kami para sunduin kayo ng apo ko." Hindi kaagad nakapagsalita si Akira dahil hindi niya alam kung ano ang niya sasabihin.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...