KABANATA 5

1K 15 0
                                    

Lumipas pa ang isang buwan, tila may kakaibang nararamdaman si Akira sa kaniyang katawan. Madalas siyang nahihilo sa umaga at nasusuka. Ayaw niya rin ng amoy ng pabago. Bigla rin siyang nakaramdam ng mabilis na mapagod. Hindi naman siya ganito dati. Nagtataka na siya sa nangyayari sa kaniya. Marahan siyang bumangon dahil oras na para magtrabaho. Hindi na siya naligo dahil nilalamig siya. Naghilamos na lang siya at nagbihis. At pagkatapos ay lumabas na siya ng kaniyang room para magsimulang magtrabaho.


"Anong itsura 'yan? Bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang hinang-hina. Ayos ka lang ba? May sakit ka ba o ano?" sabi sa kaniya ni Pukengkay nang makita siya nito.

Umupo sa isang tabi si Akira. Kanina pa kasi siya nahihilo simula pagkabangon pa lang niya sa kama. Hindi niya alam ang dahilan.

"Ewan ko ba pero bigla na lang akong nahihilo. Ilang araw na akong ganito. Parang biglang nandidilim ang paningin ko na parang gusto kong matulog," sabi ni Akira sa mahinang boses.

Tumaas ang kilay ni Pukengkay. "Ha? Loka ka! Baka mamaya anemic ka na. Senyales pa naman 'yan ng pagiging anemic. Nagpupuyat ka ba? Iwasan mo 'yan dahil baka mamaya matigok ka na lang bigla diyan. Tandaan mo, may goal ka pa sa buhay."


Tumingin si Akira may Pukengkay. Hindi lang kasi basta pagkahilo nang malala ang nararamdaman niya ngayon. Bigla na rin siyang nasusuka.

"Nasusuka ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasusuka. Naglagay na ako ng pamahid sa katawan. Kaso ilang araw na akong ganito eh. Hindi ko alam kung bakit ako nasusuka, nahihilo at parang hinang-hina," sabi ni Akira sabay hawak sa kaniyang sikmura.

Nanlaki naman ang mga mata ni Pukengkay. "Gaga ka! Umamin ka nga sa akin, nakipagbakbakan ka ba? I mean, nakipagsundutan ka ba? May sumundot ba sa petchay mo?"

Napalunok si Akira. "Ha?" iyon lang ang tanging nasabi niya.

Mahina siyang binatukan ni Pukengkay. "Umayos ka ng sagot! Seryosong usapan na 'to ngayon. May sumundot ba sa petchay mo ha? Nakipagbakbakan ka ba? Umamin ka para malaman ko! Huwag kang mahiyang sabihin sa akin!" Pagpupumilit ni Pukengkay.

Ilang beses kumurap si Akira bago nagsalita. "Ano kasi…may ano…lalaking lasing na napunta sa kuwarto ko. Tapos naawa naman ako kaya pinapasok ko sa kuwarto ko tapos…"

"Tapos sinundot ka niya?"

Mabilis na tumango si Akira. "Oo. Hindi na ako nakapalag pa eh. Bigla akong nanghina. Pero isang beses lang naman 'yon. Hindi na nasundan pa." Paliwanag ni Akira.

"Gaga ka talaga!" Halos pasigaw na sabi ni Pukengkay.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Akira.

Napasabunot si Pukengkay sa kaniyang buhok sabay lapit kay Akira. "Nahihilo, nasusuka, parang pagod na pagod kahit wala ka pang ginagawa, madalas naiihi o 'di kaya may amoy o pagkain na bigla na lang ayaw mo, lahat ba 'yan nararanasan mo ngayon? Ilang araw na kung sakali?"

Tumango si Akira. "Oo nararanasan ko lahat 'yan. Halos dalawang linggo na rin. Bakit?"

"Punyeta ka! Baka buntis ka ng babae ka! Lahat 'yan ay senyales ng pagbubuntis! Kahit mag-search ka pa online!" Bakas sa tono ng pananalita ni Pukengkay ang inis.

Nanlaki naman ang mata ni Akira. "Ha? Anong sinabi mo?"


"Baka buntis ka na! Paano 'yan? Saan mo hahanapin ang tatay ng batang 'yan? Hindi mo naman puwedeng patayin 'yan. Kailangang malaman 'yan ng lalaking nakabuntis sa iyo. Hanapin mo ang lalaking 'yon bago pa makaalis ng resort ang lalaking 'yon!"

Pakiramdam ni Akira, binuhusan siya ng malamig na tubig. Naninikip ang dibdib niya. Buntis siya? Paano nangyari 'yon eh isang gabi lang may nangyari sa kanila? Ano na lang ang gagawin niya dito? Hindi niya ito kayang buhayin mag-isa. Kaya tama si Pukengkay. Kailangan niyang hanapin ang nakabuntis sa kaniya na walang iba kun'di si David.


"Kahit isang beses lang may nangyari sa inyo, kung fertile ka naman ng araw na 'yon at sa loob pinutok, mabubuntis ka talaga. Kaya huwag ka ng magtaka pa diyan, Akira. Kumilos ka na. Ipaalam mo na 'yan sa lalaking 'yon. Hindi niya puwedeng takbuhan 'yan. Magkasama kayong dalawang bumuo diyan. Walang kasalanan ang bata," dagdag pa ni Pukengkay.




Nagmamadali namang nagtungo si Akira sa room niya. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa sinabi ni Pukengkay. Nag-search siya online kung ano nga ba ang nangyayari sa kaniya. At nanlaki ang mata niya nang makita niya ang resulta.




"S-Senyales ng b-buntis?" Nanginginig niyang sabi.



Mabilis ang pintig ng puso niya habang naglalakad. Patungo siya ngayon sa botika upang bumili ng pregnancy test. Tatlo na ang binili niya para makasiguro na. Nanginginig ang buong katawan niya habang naglalakad. Hindi niya alam ang gagawin niya kung sakali man na totoong bunatis siya.


Mabilis siyang naglakad pabalik sa room niya at saka nagtungo sa banyo. Nanginginig ang kamay niya habang naghihintay ng resulta. Ilang saglit pa, nakita sa pregnancy test ang malinaw na kulay pulang guhit at isa pang malabong kulay pulang guhit. Lumipas pa ang ilang minuto, dalawang malinaw na pula na ang nakita sa pregnancy test.
Nanghihinang napahawak sa bowl si Akira.




"B-Buntis ako? P-Paano na ito?"



Napaiyak na lamang siya. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil hinayaan niya ang kaniyang sarili na magpagalaw sa iba. Hindi nanaman kasi niya inasahan na magbubuntis siya dahil isang beses lang may nangyari sa kanila ni David. Gusto niyang saktan ang kaniyang sarili pero hindi maaari dahil may buhay sa loob niya. Marahan siuang bumangon at saka pilit na pinakalma ang kaniyang sarili.

Tama si Pukengkay. Kailangan niyang kumilos lalo na't wala siyang kakayahang bumuhay ng bata.
Dali-dali siyang lumabas ng banyo dala ang pregnancy test at saka hinanap si David. Naabutan niya itong may kausap sa cellphone. Sumenyas siya na lumapit ito sa kaniya. Ilang saglit pa ay naglakad na palapit sa kaniya si David.


Napalunok si Akira habang nakatingin kay David. Tila umurong ang dila niya nang nasa harapan na niya si David. Humigpit ang hawak niya sa pregnancy test. Nagtataka namang nakatitig sa kaniya si David.

"Bakit? May problema ba? Umiyak ka ba? Bakit ganiyan ang itsura mo?" Takang tanong ni David sa kaniya.

Bigla na lamang napaiyak si Akira. Parang hindi niya kayang magsalita. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni David.

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon