KABANATA 11

777 11 0
                                    

Lumipas pa ang ilang buwan, nagpatuloy pa rin sa ganoong status sa buhay sina David at Akira. Pakiramdam ni Akira ay hindi napapansin ni David ang pagiging mabuti niya para sa lalaki. Ganoon pa kasi ito at walang pinagbago. Patuloy pa rin ito sa pakikipagkita sa mga babae. Madalas niya ngang nakikitang nakikipagtawagan ito sa babae. At marami itong ka-chat.




"Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong ni Akira kay David.


"Diyan lang. Makikipag-inuman lang ako saglit." Mabilis namang tugon ni David.

"Sinong mga kasama mo?" malumanay na tanong ni Akira.

"Mga tropa ko. Bonding lang kami. Sige na. Magpahinga ka na. Babalik din ako. Saglit lang kami," sabi ni David sabay talikod.



Sinundan na lang ng tingin ni Akira ang papalayong sasakyan ni David. Hindi niya napansing umiiyak na pala siya. Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit tila ba nakakaramdam siya ng sakit. Siguro dahil hindi magawang ma-appreciate ni David ang ginagawa niya. Siguro dahil hindi siya katulad ng mga babaeng dumadaan sa buhay ni David.



Dahil nakilala lang naman siya nito bilang janitress.
Inis na pinahid ni Akira ang kan'yang mga luha at saka nagtungo na sa kan'yang kuwarto. Matutulog na lamang siya dahil iyon naman ang kan'yang palaging ginagawa pipilitin niya ang matulog nang mahaba para gabi na siya magising dahil alam naman niyang gagabihin ng uwi si David.


Samantala, habang nagmamaneho si David patungo sa condo unit ng kaibigan niya, hindi niya maiwasang isipin si Akira. Bigla siyang nakaramdam ng awa para dito nang makita niyang nangingilid ang luha ni Akira.

"F*ck!" mura ni David habang nagmamaneho.


Aaminin ni David, napapalagay na ang loob niya kay Akira pero binabaling niya ang atensyon niya sa iba para hindi siya tuluyang mahulog kay Akira. Hindi naman sa ayaw niya sa babae, gusto na nga niya ito dahil masipag ito at maasikaso. Sadyang ayaw niya lang malait siya ng mga taong nakakakilala sa kaniya.

"Oh? Ano bang mukha 'yan? Bakit ganiyan ang itsura mo, David? May problema ka ba?" Bungad sa kaniya ng kaibihan niyang si Ken.

Mabilis na umiling si David. "Wala…may buw*sit lang kanina sa kalsada kaya badtrip ako."


Nakasalubong pa rin ang kilay ni David hanggang sa makaupo siya sa couch. Binalot ng ingay ang condo unit ng kaibigan niya dahil birthday nito ngayong araw. Patay sindi ang ilaw na tila ba sila ay nasa disco. Maraminh alak sa mesa at pagkain. Nagsasayawan din ang mga babaeng nakasuot ng mga revealing na damit. Napatingin doon si David.

"Alam mo kung ako sa iyo, iinom na lang natin 'yan. At isa pa, nagdala ako ng maraming chicks para kung sakaling mawala ka sa mood may magpapaligaya sa iyo," saad ni Ken sabay tawa.



Tumingin naman si David kay Ken sabay tingin sa mga babaeng nagsasayawan. Halos makita na ang buong kaluluwa nito dahil sa kakaunting tela na nakabalot sa katawan. Kung dati ay kaagad na pipili si David sa mga babaeng dala ni Ken, ngayon ay tila nawawalan siya ng gana.

"Oh? Bakit? May problema ba? Lahat ng mga tipo mong babae ay pinipili ko para bakbakin mo agad. Pero bakit ngayon parang wala kang gana?" Nagtatakang tanong ni Ken.

Bumuntong hininga si David. "Wala naman. Siguro dahil badtrip pa rin ako kanina."

Kumuha ng alak si David at saka nagsalin sa kaniyang baso. Agad niyang nilaklak 'yon upang matanggal ang kaniyang inis. Kaya nga siya nagpunta dito para matanggal ang kaniyang pagod at makapaglibang pero ang isip niya, naiwan sa bahay. Iniisip niya si Akira at sumasagi pa rin sa isip niya ang malungkot na itsura nito kanina.


"Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ka naman ganiyan dati, ha? Kapag may problema ka o badtrip ka, nadadaan lang sa babae at alak, ayos ka na. Pero ngayon, parang may iba sa iyo," saad ni Ken sabay tawa.


Napahilamos naman si David. Nalilito na kasi siya sa kaniyang nararamdaman. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Gusto niyang sundin ang puso niya dahil matinong babae naman si Akira. Pero ayaw niyang makarinig ng panlalait. Ayaw niyang mahusgahan ng taong nakapaligid sa kaniya. Pero ginugulo naman siya ng kan'yang konsensya.


"Ken…" tawag niya sa kaibigan.

Tumaas ang kilay ni Ken. "Ano 'yon?"

"May tanong ako sa iyo. Naalala ko lang kasi bigla. 'Yong kaibigan ko kasi ay nanghingi sa akin ng payo pero hindi ko kasi siya mabigyan ng magandang payo kasi nga, ganito ang buhay ko. Pasarap lang," ani David sabay tawa ng peke.

"Oh? Anong payo ba ang hinihingi niya? Tungkol saan?"

Malalim na huminga si David. "Eh kasi 'yong kaibigan kong 'yon ay mayaman at kilalang negosyante. Tapos, hindi inaasahan sa lugar na napuntahan niya, may naka-one night stand siya tapos nabuo. Buntis 'yong babae. Ang ginawa niya, kinuha niya ito at binigyan ng maayos na tirahan at sinustentuhan. Walang nakakaalam ng tungkol doon dahil mahirap lang ang babae. Pero 'di nagtagal, unti-unting nahulog ang kaibigan ko. Ang kaso nga lang, parang ikinahihiya niya ang babaeng nabuntis niya na ngayon ay gusto na niya."


Kumamot ng ulo si Ken. "Alam mo, sabihin mo sa kaibigan mo, alamin niya sa sarili niya kung ano ang mas matimbang. Ang nararamdaman niya ba sa babaeng mahirap na nabuntis niya o ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman ang tungkol doon? Kasi kung mas matimbang ang pagkagusto niya sa babae, wala siyang pakialam sa paligid niya eh. Kahit ano pa man ang sabihin ng mga taong nakakakilala sa kaniya. Pero kung hindi pa siya handang makarinig ng mga negative comments, eh 'di ipagpatuloy na lang niya ang pagsuporta doon sa babae."





Malalim na bumuntong hininga si David. May punto nga naman ang sinabi ni Ken. Pero gusto ni David na hindi niya pagsisisihan ang magiging desisyon niya.

"Alam mo, huwag mo mo munang isipin ang kaibigan mo na 'yon. Mag-relax ka muna dito at magpakasaya. Hayaan mo muna siya. Sasakit lang ang ulo mo," sabi ni Ken sabay abot ng alak sa kaniya.

Kinuha naman 'yon ni David at saka ininom. Nagkuwentuhan silang dalawa ni Ken at niyaya pa siya nitong uminom ng matagal pero tumanggi na siya dahil iniisip niya talaga si Akira.

Pagkauwi ni David naabutan niyang mahimbing na natutulog si Akira. Hinaplos niya ang buhok nito at pinagmasdan ang mukha ni Akira. Sa totoo lang nagagandahan siya kay Akira at natutuwa siya sa ugali nito. Napakamaasikaso sa kaniya at maalaga pa na parang asawa na ang pinapakitang galaw sa kaniya ni Akira. Gusto na talaga niya si Akira ngunit hindi iyon pwedeng mangyari dahil malayo si Akira sa mga babaeng nais niya. At isa pa, alam niya sa kan'yang sarili na lalaitin siya ng mga kaibigan kapag nalamang naghulog siya sa isang hamak na janitress.




"Patawarin mo ako, Akira kung ginulo ko ang buhay mo…I'm so sorry…" bulong ni David sabay yakap mula sa likuran ni Akira.

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon