"B-Buntis ako, David. Nabuntis mo ako." Buong tapang na sabi ni Akira sabay buntong hininga.
Nanlaki naman ang mata ni David. "Ha? A-anong sinabi mo? P-paanong nangyari 'yon?" Halos pasigaw niyang sabi dahil sa gulat.
Ilang beses na pinigilan ni Akira na maiyak. Pero sa loob-loob niya, gusto na niyang sumabog. Alam niyang magugulat si David sa sinabi niya. Kahit din naman siya ay hindi inaasahang siya ay mabubuntis ng ganoon kabilis.
"Nabuntis mo ako! Paano na ako nito? Anong gagawin natin sa bata? Hindi naman natin puwedeng ipalaglag ito dahil siguradong mamalasin tayo sa buhay."
Tuluyan ng napaiyak na si Akira sabay upo sa buhangin. Hindi niya alam ang gagawin. Wala pa sa plano niya ang magkaanak. Wala pa sa isip niya na magkaroon ng anak kaya naman para siyang maisisiraan ng bait dahil sa nangyari sa kaniya.
Napailing naman si David. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Naisip niya na nagbibiro lang si Akira noong una pero nang umiyak na ito, alam niyang hindi na ito biro.
"Hindi puwedeng mangyari ito. Hindi nila puwedeng malaman na may anak na ako."
Matalim na tiningnan ni Akira si David. "Eh anong plano mo? Patayin ang sanggol na walang kamuwang-muwang? Bakit? Ginusto niya bang mabuhay sa mundong ito? Kung hindi ka sana nagpakalasing ng sobra, hindi ito mangyayari!" Galit na sigaw ni Akira.
"Hindi ko naman alam na mangyayari ito eh!" sabi naman ni David.
Patuloy pa rin sa pagragasa ang luha ni Akira. "Puwes, gumawa ka ng paraan! Wala akong kakayahang bumuhay ng bata dahil isang hamak na janitress lang ako. Kaya ba ng konsensya mo na mabuhay bilang mahirap ang anak mo? Napakawalang kuwentang magulang mo naman kung ganoon." Mariing sabi ni Akira kasabay ng panginginig ng kaniyang kalamnan.
Nag-iwas ng tingin si David sabay hawak sa kaniyang batok. Naguguluhan na siya. Hindi niya rin alam ang gagawin. Hindi niya kasi inasahaang mangyayari ito kaya gulat na gulat siya. Pero isa lang ang nasa isip niya, kung tunay nga na nabuntis niya si Akira, hindi niya puwedeng pabayaan ang anak niya.
"Ano? Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Anong plano mo? Hindi puwedeng ako lang ang maghirap dito sa bata! Baka nakakalimutan mo, kasama kita sa pagbuo nito kaya dapat kasama din kita sa hirap paglabas nito!"
Agad na tumayo si Akira at nagmamadaling nagtungo pabalik sa room niya. Doon ay mas lalo siyang napaiyak dahil hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaniya. Kakaunting pera pa lang ang naiipon niya at hindi ito sasapat kapag tuluyan ng lumabas ang sanggol sa sinapupunan niya.
"Anong gagawin ko nito…" umiiyak na bulong ni Akira sa kaniyang sarili.
Nakarinig ng ilang katok si Akira. At nang buksan niya ang pinto, bumungad sa kaniya si Pukengkay. Agad itong pumasok sa loob sabay yakap kay Akira.
"Ano? Confirm na nga na buntis ka?" tanong ni Pukengkay sa kaniya.
Marahang tumango si Akira. "Oo. Buntis nga ako…"
Hinaplos ni Pukengkay ang likod ni Akira. "Hindi ka puwedeng umiyak, Akira. Makakasama sa bata 'yan. Alam kong mahirap pero kailangan mong tatagan ang loob mo dahil may buhay na nasa sinapupunan mo. Siya kasi ang pinakamaaapektuhan kapag palagi kang iiyak. Sige ka, kapag lumabas 'yan baka magkaroon siya ng defect o ano." Pananakot sa kaniya ni Pukengkay.
Suminghot-singhot si Akira sabay punas ng kaniyang luha. "Hindi ko lang kasi mapigilang umiyak. Hindi ko kasi akalain na mangyayari ito. Minsan na nga lang magpadilig, na-sure ball pa."
Mahinang tumawa si Pukengkay. "Ikaw naman kasi, bakit ka pa kasi nagpadilig sa hindi mo jowa? Nabuntis ka tuloy. Dapat, hindi mo siya hinayaang iputok sa loob. Sumabog tuloy ang tam*d niya sa kipay mo. Ayon, sure ball ka tuloy. Pakwan is waving," pang-aasar pa ni Pukengkay.
"Kasi naman eh. Ang sarap eh. Ngayon lang kasi ulit nadiligan kaya hindi nakapagpigil. Hindi ko talaga alam na makakabuo pala kahit isang beses lang nagbakbakan," sabi ni Akira sabay tawa ng mahina.
"Iyon na nga eh, pero wala na kayong magagawa kasi nandiyan na 'yan. Ang kailangan niyong gawin ay pag-usapan ang tungkol sa bata. Ay teka, nahanap mo na ba siya? Nasabi mo na ba sa kaniya ang tungkol diyan?" Nanlalaking matang sabi ni Pukengkay.
"Oo. Gulat na gulat nga siya. Hindi ko alam kung ano pang mangyayari. Iniwan ko na siya kanina eh. Nabuwisit kasi ako."
"Hay naku, Akira. Ang hirap niyan. Ikaw naman kasi eh! Nagpasundot ka kasi ng hindi ka handa! 'Di ka man lang bumili ng condom bago magpatusok!" wika ni Pukengkay sabay irap.
"Eh wala na…nag-init na kasi kaya 'yon. Hindi na nakapaghanda pa. Hay ewan hindi ko na talaga alam ang gagawin. Siguradong mahihirapan ako nito," malungkot na sabi ni Akira.
Hinawakan siya sa balikat ni Pukengkay. "Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Baka lalo ka lang mai-stress. Basta ikalma mo lang ang isipan mo kahit na mahirap. Think positive okay? Malay mo, 'di ba? May magandang mangyayari sa inyo. Baka kasi nag-iisip pa lang ang lalaking 'yon dahil nabigla siya. Pero umasa ka na hindi ka niya tatakbuhan."
Bumuntong hininga si Akira. Umaasa talaga siyang hindi siya tatakbuhan ni David dahil hindi niya alam ang gagawin sa bata.
"Basta, ano man ang mangyari, magpakatatag ka. Kasi wala ka namang ibang aasahan kun'di ang sarili. Isipin mo na lang ang buhay na nasa sinapupunan mo," dagdag pa ni Pukengkay.
"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin nito. Panigurado, maraming manghuhusga sa akin lalo na kapag hindi ito tinanggap ng lalaking nakabuntis sa akin. Sasabihin nila na malandi ako dahil nabuntis ako nang walang boyfriend," naiiyak na sabi ni Akira.
Hinawakan siya ni Pukengkay sa magkabilang balikat. "Ano bang pakialam mo sa kanila? Wala silang karapatang pagsalitaan ka ng ganiyan lalo na't wala naman silang ambag sa buhay mo. Hindi mo deserve na masabihan ng ganiyan. Hayaan mo sila. Mga wala lang magawa sa buhay ang kung sino mang magsasabi no'n. Palibhasa, kalimitan sa mga nagsasalita ng ganiyan ay mga kurimaw! Mga walang naglalakas ng loob na sumundot sa kanila!"
Mahina namang natawa si Akira. Mabuti na na nga lang at nandiyan si Pukengkay dahil napapagaan nito ang loob niya.
Pinakalma muna siya ni Pukengkay bago ito tuluyang umalis. At nang wala na si Pukengkay, nakatulala si Akira habang nag-iisip ng puwede niyang gawin. Ngunit hindi niya pa rin mapigilang maiyak.
Pero ilang oras ang lumipas, tatlong beses na katok ang narinig ni Akira sa kan'yang pinto. Pinunasan niya ang kan'yang luha bago ito binuksan. Tumambad sa kan'ya ang seryosong mukha ni David. Agad itong pumasok sa loob at umupo sa gilid ng kan'yang kama. Nagkatinginan silang dalawa. Hinihintay ni Akira na magsalita si David.
"Akira…" banggit ni David sa pangalan niya na naging dahilan para kumabog ang kaniyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)
RomanceWarning: RATED SPG Naglalaman ng maseselang kaganapan Nang dahil sa hirap, naisipan ni Akira Lopez na maghanap ng foreign na kaniyang mapapangasawa at mag-aahon sa kaniya sa hirap. Namasukan siya bilang janitor sa isang kilalang resort kung saan m...