KABANATA 3

1.1K 16 0
                                    

Kinabukasan, napasigaw na lamang sa gulat si Akira nang makita niya ang lalaki sa kan'yang tabi.

"Hala sino ka?" tanong niya sa lalaki.


Marahang minulat ng lalaki ang kan'yang mata at napaatras na lamang ito nang makita niya si Akira.

"Sino kang babae ka? Anong ginawa mo sa akin?" Gulat na gulat na tanong ni David sabay tayo.

Nanlaki ang mata ni Akira nang matanggal ang kumot sa katawan ng lalaki. "Hoy siraulo ka! Kita pututoy mo gakpan mo 'yan!"
sigaw ni Akira sabay takip ng kan'yang mata gamit ang kanyang kamay. Ngunit muli niyang tiningnan ang lalaki.


"Bastos ka! Bakit ka ba sumisilip!"
Hinila ng lalaki ang kumot kaya naman natanggal ang takip sa katawan ni Akira.
"Bastos!"

Muling hinila ni Akira ang kumot upang itakim sa kaniyang hubad na katawan. Naghilahan silang dalawa ng kumot hanggang sa matumba si Akira sa katawan ng lalaki. Naramdaman tuloy niya sa kan'yang puson ang natutulog na alaga ng lalaki.
"Bastos ka talaga!" sigaw niya sabay tayo.

Nagmamadali niyang tinakpan ang kanyang sarili na. Pagkatapos ay pumasok sa kan'yang maliit na banyo at doon na nagbihis.


"Hala! Nagising na siya! Paano 'yan? May nangyari sa aming dalawa! Nagbakbakan kami kagabi kahit na hindi kami magkakilala,"i kinakabahang sabi ni Akira sa kanyang sarili.

"Hoy! Biilisan mo diyan dahil nadudumi na ako!"sigaw ng lalaki sa pinto banyo.
"Teka lang buwisit ka!"wika niya at saka lumabas na.


"Bilisan mo! Umalis ka na dito sa kuwarto ko dahil baka makita ka pa ng amo ko. Sabihin nadadala ako ng lalaki dito."

Ngumisi sa kaniya ang lalaki. "Ay, hindi ba? Hindi mo ba talaga ako dinala dito? Anong ginawa mo sa akin habang lasing ako?"


Pinanlakihan siya ni Akira ng mata. "Hindi kita basta dinala sa kuwarto ko. Nakita na lang kita diyan sa labas ng pinto, lasing na lasing. Naawa naman ako sa iyo na iwan ka kaya pinasok na kita dito sa kuwarto ko. Wala akong ginawa sa iyon kun'di ang gisingin ka pero bigla mo akong niyakap tapos hinalikan mo ako. Tapos ito na, may nangyari na sa atin. Nagbakbakan na tayong dalawa."



Napapikit na lang ang lalaki sabay kamot sa ulo. "Ewan ko sa iyo. Umalis ka na nga diyan dahil nadudumi na ako," sabi ng lalaki at saka pumasok sa banyo.


Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ang lalaki sa banyo. Tapos nang magbihis si Akira at handa na siyang magsimulang magtrabaho.
"Janitor ka dito?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Oo bakit? May masama ba sa pagiging janitor ko?"


Umiling ang lalaki. "Wala naman. Nga pala, ako si David. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito. Pasensya ka na sa abala. Hindi ko na kasi talaga kinaya kagabing makauwi sa room ko."

Ngumuso si Akira. "Wala 'yon. Sige na, umalis ka. Baka makita ka pa ng amo ko. Mapapagalitan pa ako."

Isinuot na ni David nagkalat niyang damit sa sahig ay pagkatapos ay umalis na ito. Nang makaalis ito, napatili na lang si Akira.

"Yes! Nadiligan din ako ng isang guwapong nilalang!" wika niya bago lumabas ng kaniyang kuwarto.

Nagsimula ng maglinis si Akira. Nilapitan niya si Pukengkay nang makita niya ito.

"Hoy babae! Kumusta? May nabingwit ka na ba?" Nakangising tanong niya.

Ngumisi naman si Pukengkay sabay hagikhik. "Mayroon na yata? Hindi pa ako sure eh pero kagabi ay nakipagbakbakan ako sa isang foreigner! Napansin ko na kasing natingin siya sa akin. Kaya ayon, pinansin ko na. At sinabi niya na gusto niya ako. Tapos niyaya niya ako sa room niya. Inom daw kami. Syempre alam ko na ang mga ganoong eksena. Nagsuot ako ng sexy na dress. Pero wala akong suot na panty para diresto pasok agad."

Humagalpak ng tawa si Akira. "Sira ulo ka! Ano sunod na nangyari?"

"Ayon, nang malasing kami. Hinalikan niya ako tapos ayon na nagsimula na kaming maglampungan. Grabe ang laki ng kargada niya! Pakiramdam ko nga nawasak ako eh. Ang sakit sa una pero sumarap din naman. Solid sa laki! Tapos ang galing niyang bumayo. Sobrang bilis na parang kabayo! Tirik talaga mata ko!" Tumatawang kuwento ni Pukengkay.

Ngumuso si Akira. "Hay naku! Mabuti ka pa, ako wala pa. Magpapansin muna ako."

"Maghintay ka lang. May makakapansin din sa iyo. At lumumpuhin ka ng bongga," wika ni Pukengkay sabay kindat.

Tumawa naman si Akira. "Sana nga. Sige na. Maglilinis muna ako. Kailangan kong magpakasipag para may makapansin sa akin."

Nagpaalam na sila sa isa't isa. Inabala ni Akira ang kaniyang sarili sa pagpupulot ng basura sa buhangin. Medyo nakaramdam siya ng inggit sa kaibigan niyang si Pukengkay dahil panigurado ay aangat na ang buhay nito.

"Bulaga!"


"Ay punyemas! Ano ba?" gigil na sabi ni Akira. Pagkatingin niya, nakangising nakatitig sa kaniya si David. Inirapan niya ito.

"Grabe, galit na galit?" Nakangising sabi ni David.

Muli niyang inirapan si David. "Ano bang ginagawa mo dito? Bakit mo ba ako pinuputakte? Huwag ka ngang panggulo diyan. Nagtatrabaho ako dito."

Nagpatuloy na si Akira sa pagpupulot ng basura.
Medyo maramo kasing basura ngayong araw. At naiinis nga siya dahil hindi marunong magtapon sa tamang basurahan ang mga tao dito. Marami namang trash can ang nasa paligid pero nagagawa pa rin ng mga taong magkalat sa paligi.

"Isang buwan pa ako dito mananatili. Masaya pala sa resort na ito. Tahimik. Maaliwalas ang palagid. Pakiramdam ko unti-unti kong nakakalimutan ang sakit."

Tiningnan siya ni Akira. "Bakit? Iniwan ka ba no'ng Christine?"

"Ha? Paano mo nalaman ang pangalan niya?" Gulat na tanong ni David kasabay ng panlalaki ng kaniyang mata.

"Binanggit mo kasi habang natutulog ka no'ng nasa kuwarto kita. Sabi mo, huwag ka niyang iwan. Parang nagmamakaawa ka."

"Oo. Iniwan niya kasi ako. Pinagpalit niya ako sa kaibigan ko pa. Ang sabi ko nga, patatawarin ko siya basta bumalik siya sa akin pero mas pinili niya pa rin ang kaibigan ko. Kaya hinayaan ko na sila. At kaya ako nandito para kalimutan siya."

Nagpatuloy na lang sa pagwawalis si Akira. Ayaw niya kasi ng kadramahan sa buhay. Naaalala niya lang kasi kung paano siya nabaliw sa isang manlolokong lalaki. At nakadidiri 'yon para sa kaniya. Nakipagkuwentuhan saglit sa kaniya si David bago ito tuluyang umalis. At nang makaalis ito, nagpapansin naman sa mga foreigner si Akira.

Pero hindi siya napapansin kaya naman inis siyang nagpatuloy sa pagwawalis.

Dilig sa Gabing Malamig (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon