Kimberly's POV
"Ms. Hernandez got the highest score 99 to our long test so let's give her a warm of applause!"
Narinig ko silang nagpalakpakan habang ako ay hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa labas ng bintana na kung saan matatanaw ang isang parke na napakalungkot.
"Ms. Hernadez? Anong masasabi mo?" narinig ko na tanong ni Mrs. Bugarso sa akin kaya napalingon ako sa mga kaklase ko na nakangiti sa akin na walang halong pagpapanggap.
"Salamat sa akin," tanging tugon ko na nagpawala sa mga ngiti ng ilan sa kanila. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas na parang wala lang sa akin ang mga reaksyong nakita ko mula sa kanila.
Ano pa bang gusto nilang sabihin ko? Kailangan ko bang sabihin na "Salamat dahil kung wala kayo ay hindi ko makukuha ang napakataas na markang ito." kung ako lang naman ang gumawa ng sarili kong marka? Hindi ako plastic para sabihin 'yun.
Lumipas ang mga oras at uwian na. Pinanood ko ang mga kaklase ko na lumalabas na ng pintuan habang 'yung iba ay naghihintay sa kaibigan nila na nag-aayos pa ng gamit. Tumayo na rin ako at diretsong lumabas ng pintuan na hindi tumitingin sa kahit sinong taong makakasalubong ko.
Wala akong kaibigan sa paaralang ito dahil hindi ko iyon kailangan. Para sa akin, nandito ako para mag-aral at hindi makihalubilo sa iba. I'm just doing my job as a student. Hindi ako magiging topnatcher sa paaralang ito kung sa ibang bagay ako naka-focus.
Kung para sa iba, boring ang buhay ko dahil tanging libro lang ang lagi kong kasama, pwes nagkakamali sila. Ang pag-aaral ay hindi kailanman naging boring dahil kung may pangarap ka, gagawa ka ng paraan para makamit ito kahit mahirap. Kaya nasaan ang salitang boring doon kung puro challenges naman ang makakaharap mo?
"Ms. Hernandez!" napalingon ako sa taong tumawag sa akin at napakunot ang noo ko nung makita ko si Mrs. Bugarso na ngayon ay papalapit sa direksyon ko.
"Go to my office. We need to talk." saka siya tumalikod sa akin at naglakad palayo.
Kahit naguguluhan ako kung bakit kailangan naming mag-usap ay sumunod pa rin ako sa kanya dahil baka mahalaga ang pag-uusapan namin.
"Ano pong pag-uusapan natin? May mali po ba akong ginawa? Sa pagkaka-alala ko po kasi, e wala naman po," sabi ko habang nakatayo sa harap ng table niya. Nandito ako ngayon sa loob ng office niya. Napansin ko na kami na lang dalawa ang nandito sa loob dahil umuwi na ata ang mga co-teachers niya.
Ngumiti siya sa akin saka siya may binigay na letrato ng isang lalaking pamilyar sa akin.
"Natatandaan mo pa ba siya?" tanong niya na sinagot ko naman ng tango habang nagtataka pa rin ako kung ano namang meron sa lalaking ito at kailangan pa akong ipatawag, "Buti naman but anyway, alam mo naman na malapit na ang 4th Periodical Test natin diba?" tanong niya ulit na tinanguan ko rin, "Tatlong buwan na siyang hindi pumapasok at ilang exam na rin ang nakaligtaan niya. Malapit ng matapos ang year na ito at ayaw ko namang umulit siya. Gusto ko siyang bigyan ng chance dahil--"
"Ma'am just go straight. Ano po bang gusto niyong iparating?"
"Okay fine. Pwedeng favor?" favor?
***
"Ito na ba 'yun?" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ko 'yung nakasulat na address sa hawak kong papel at sa address ng maliit na bahay na nasa harapan ko ngayon, "Bahala na nga."
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."