Chapter 16

41 3 0
                                    

Kimberly's POV

"Nasaan nanaman si Erick?" tanong ni Tyler habang nagtatanggal siya ng diyaryo sa sahig.

"Nasa school pa. Pinatawag ni Ma'am Ramos," sagot ko.

"Sa pagkakaalam ko, e kasama yata siya sa program bukas," dagdag ni Lexy na nagtatanggal din ng diyaryo.

Tapos na naming pinturahan 'yung walls at  ceiling. Lalagyan na lang namin ng glow in the dark stars 'yung ceiling at tapos na!

One month na ang nakakalipas simula ng magkaayos-ayos kaming lahat. Nagsorry siya sa'min at ang rason daw niya kaya mas pinili niya si Rhina sa amin ay dahil wala itong karamay at siya lang daw ang kaibigan ni Rhina. Sa school pa lang, e ang dami na raw umaaway sa kanya at pati ba naman daw dito ay aawayin din namin siya. Sinabi naman ni Lexy na iba ang pinagsasabihan sa inaaway pero hindi nagtagal ay napatawad naman niya agad si Erick. Si Steve naman, nag-nod lang, bati na sila. Ganoon yata talaga ang mga lalaki, walang drama-drama basta tumango 'yung isa, ayos na. Hindi katulad sa mga babae na may iyakan scene pa bago magkabati.

About naman kay Rhina, magkaka-ayos na rin kami. Pero hanggang maaari daw ay didistansya na siya na ipinagtaka ko naman. Gusto ko sanang tanungin kung bakit pero hinayaan ko na lang siya sa desisyon niya.

***

"Guys! Pumila ng maayos! Find your height!" sigaw ng president namin habang pinapapila kami.

"Panoorin mo ako mamaya, ah," bulong sa'kin ni Erick habang lumalakad na kami papunta sa Theatre room. Nag-make face lang ako sa kanya kaya tinawanan niya ako.

"Mr. Montereal, pumila ka ng maayos!" sigaw ng president namin kaya bumalik na siya sa pila niya. Doon siya pumunta sa likod dahil siya ang pinakamatangkad sa mga kaklase kong lalaki.

Nung makapasok na kami sa loob ay nairita nanaman ako dahil ang dami namin pero buti na lang, e malaki itong Theatre room compare sa AVR kaya nakaupo kaming lahat at ang maganda dito ay tanaw mo ang stage.

Napalingon ako sa likod ko nang may kumalabit sa'kin. Kinunutan ko siya ng noo pero ngumiti lang siya.

"Panoorin mo ako. Dedicated ko sa'yo 'yung song na kakantahin ko," sabi niya.

"Kakanta ka?" talaga lang, ah.

"Oo kaya panoorin mo ako."

"Siguraduhin mo lang na maganda ang boses mo at baka mabasag ang eardrums ko," sabi ko habang natatawa. Ngumiti lang siya saka siya tumakbo papunta sa may backstage.

'Yung program ay tungkol sa buwan ng wika dahil August na. Nagkaroon ng opening prayer na pinangunahan ni Kenneth at pagkatapos no'n ay sandaling nagspeech 'yung principal then doon na nagsimula ang program. May tumula, nagdebate, sumayaw, nagtumbling, nagbartending at marami pang iba. Kanina pa nga ako inaantok dahil ang boring. Kung hindi ko lang alam na matagal pa palang mag-iintermission si Erick ay baka kanina pa ako natulog. Bakit kasi hindi ko tinanong sa kanya?

"And now let's call on the closing number of Mr. Montereal," announce nung emcee kaya lumabas na si Erick galing sa backstage. He's now wearing a formal outfit at aaminin ko na nagmukha siyang tao sa suot niya.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa audience na parang may hinahanap hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa'kin at ngumiti na nagpatili sa mga katabi ko at sa mga ibang nanonood. Nginitian ko rin siya na lalong nagpalapad sa ngiti niya. Lumakad na ulit siya papunta sa grand piano na nasa gitna ng stage.

"Omeged! Ang gwapo niya ngumiti!"

"Ako ba 'yung nginitian niya?"

"Gaga! Ako!"

"Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti at ang gwapo niya!"

"Dapat lagi na lang siyang nakangiti para magmukha siyang prinsipe at hindi halimaw."

Naging maingay ang mga manonood dahil sa halo-halong bulungan at tiliin nila na parang ngayon lang nakakita ng tao. Sa halip na mainis ako ay napangiti ako dahil halos lahat ng naririnig ko ay positive comments at hindi panghuhusga.

Tumigil lang ang ingay nang makarinig kami ng pagtipa ng isang key sa piano kaya napunta ang lahat ng atensyon namin sa harapan. Napansin ko na kinakabahan siya kaya huminga siya ng malalim at nagsimula na siyang magpatugtog at hindi ko napansin na nakapikit na pala ako habang pinapakinggan siya hanggang sa makarinig ako ng isang pamilyar na boses na three years ko ng hinahanap-hanap. Dinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ko na sa kanya galing ang boses na 'yun!

Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok nito na halos lumabas na ito sa dibdib ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta siya. Tahimik ang buong Theatre at ang maririnig mo lang ay ang bawat pagtipa niya sa piano at ang napakalamig at swabe niyang boses. Nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo palabas ng theatre room habang hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.

Noong makalabas ako ay doon lang ako nakahinga habang hinahabol ko ang hininga ko. Napaupo na lamang ako sa sahig sa sobrang gulat at kahit nasa labas na ako ay naririnig ko pa rin ang boses niya.

Unti-unti akong napangiti habang iniisip na ang lalaking dati ko ng hinahanap ay nasa tabi ko lang pala.

"Kim!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa'kin at nakita ko siya na lumalakad palapit sa'kin.

"What are you doing here? Bakit ka lumabas?" naguguluhan niyang tanong pero nginitian ko lang siya.

Tumayo ako pero napakunot ang noo ko nang makita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Tumigil siya sa paglalakad at nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palayo sa'kin.

Anong problema niya?



Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon