Chapter 17

66 3 0
                                    

Third Person's POV

"Mag-aaral ka ba para sa quiz bee?"

"Bakit naman? Alam ko namang talo na ako. Hindi mo ba nabalitaan na kasama si Erick doon?"

"Hindi ka ba kinakabahan sa laban mo sa chess bukas? Pare, kapag nanalo ka, lalaban ka sa Division. Chance mo na 'yun!"

"Hindi na pare. Alam ko naman na talo na ako kahit hindi pa nag-uumpisa 'yung game. Kasali si Mr. Montereal."

"Bukas na 'yung Setting Poem into Music. Kinakabahan na ako!"

"Hay naku, huwag ka nang kabahan. Hindi ka naman mananalo, eh."

"Paanong hindi, e ang ganda ganda naman ng boses ko?"

"Kasali si Erick."

Nakayukong naglalakad si Erick sa hallway habang naririnig niya ang mga bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan niya. Kanina pa siya bumubuntong hininga na animo'y may malalim ang iniisip.

Tumigil siya sa paglalakad at nilagay niya sa tenga niya ang kanyang headphone na nakasabit sa leeg niya kanina. Ngumiti siya at diretsong lumakad papunta sa principal office. Pinapakuha kasi siya ng teacher niya ng permit sa principal para makapagtest siya sa Westlife High at magandang opportunity ito para makakuha siya ng scholarship kapag nakapag-college na siya.

Nagulat siya nang iabot sa kanya ng principal nila ang napakaraming sobre na naglalaman ng mga offers ng iba't ibang school para sa kanya. Tinignan niya ang bawat sobre at napangiti siya nang makita niya 'yung pangalan ng school na pinapangarap niya.

"Hindi mo na kailangan pang magtake ng entrance exam para makapasok sa mga school na 'yan. All you need to do is to pass all the requirements needed at makakapasok ka na. Congrats, Mr. Montereal. Isang karangalan na naging mag-aaral ka sa eskwelahang ito."

Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. At siyempre nangingibabaw pa rin ang saya at tuwa na halos gusto na niyang tumalon-talon kaya lang nahihiya siya dahil nasa harap niya ang principal nila.

Lumabas siya ng office na hindi pa rin nawawala ang abot-tenga niyang ngiti habang lumalakad palabas ng school. Hindi na niya maiwasang hindi ma-excite na ibalita ito sa kanyang kapatid at sa kanyang ama. Alam niya na matutuwa ito sa kanya.

Pumunta siya sa sala ng bahay nila at nakita naman niya agad ang kanyang kapatid na seryosong nagpapatugtog ng piano at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti nang mapagtanto niya kung ano ang pinapatugtog nito.

Lumapit siya sa kapatid niya at agad na tumabi rito na nagpahinto sa kanya sa pagtugtog.

"Ginulat mo naman ako, Erick! Akala ko kung sino ng bugwit ang tumabi sa'kin," natatawang sabi sa kanya ng kanyang kapatid. Ngumiti lang siya rito at siya na ang nagpatugtog. Nakatitig lang sa kanya ang kanyang kapatid nang marinig nila ang boses ng kanilang ama.

"Tinatawag na ako ni Daddy. Sandali lang ako. Hintayin mo ako," paalam sa kanya nito saka siya umakyat sa hagdan upang makapunta sa third floor ng bahay nila na kung saan makikita ang office ng ama nila.

Nakailang song na siya pero hindi pa rin ito bumabalik. Napagdesisyunan na niyang tumayo at pumunta sa office. Nang makapunta siya doon ay natigilan siya nang marinig niya ang kuya niya na sumisigaw na ngayon lang niya narinig. Kilala ang kapatid niya bilang isang kalmadong tao kaya nagtataka siya ngayon kung bakit ito sumisigaw.

Bubuksan na sana niya ang pintuan ng office nang biglang iluwa nito ang kanyang kapatid na mukhang hindi napansin na nandoon siya.

"Kuya Derrick!" tawag niya rito nang mapansin niya na malayo na ito sa kinatatayuan niya.

Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon