Kimberly's POV
"1500 po lahat, mam."
Kinuha ko 'yung pitaka ko at binayaran ang mga pinamili ko. Sa halip na lumabas ako sa NBS, e naglibot muna ako hanggang sa mapadpad ako sa area kung saan makikita ang iba't ibang klase ng books. Kumuha ako ng isa at binasa ko 'yung synopsis niya na mababasa sa likod. Ang ganda ng cover pero ang cliché ng kwento.
"Nabasa ko na 'yan at hindi ka magsisisi na sinayang mo ang oras mo sa pagbabasa ng librong 'yan."
Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likod ko at nagkasalubong ang kilay ko nang makita ko siya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Katulad mo, naghahanap din ng magandang libro," sagot niya habang nakangiti. Hindi ko maipagkakailang magkapatid nga sila dahil magkamukhang-magkamukha sila pero hindi katulad ni Erick, naiirita ako sa ngiti niya. Parang laging may masamang binabalak.
Nagkunwari akong tumingin sa relos ko at tumingin ulit sa kanya, "Hinahanap na ako ng tatay ko. Kailangan ko ng umuwi."
Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko nang hawakan niya ang braso ko. Tinignan ko siya ng masama pero tumawa lang siya.
"Gusto kong mamasyal kaya lang, wala akong kasama," tumingin siya sa'kin at ngumiti, "Pwede mo ba akong samahan?"
"Wala akong oras para diyan kaya bitawan mo na 'yung kamay ko kung ayaw mong masuntok nang 'di oras," sinubukan kong tanggalin 'yung pagkakahawak niya kaya lang, 'di ko talaga matanggal.
"Kahit anong gawin mo, hindi mo--aray!" sigaw niya nang suntukin ko ang mukha niya. Sinabi ko na nga na susuntukin ko siya kapag hindi niya ako binitawan pero ang tigas ng ulo niyam Ginarab ko na ang chance na makatakas sa kanya kaya tumakbo ako palabas ng bookstore nang marinig ko siyang sumigaw.
"Wait lang, Kim! I need to talk to you! Tungkol ito kay Erick!"
***
"Sabihin mo nga sa'kin, may kasalanan ka ba kay Erick?" tanong ko sa kanya habang kumakain ako ng kwek-kwek. Nandito kami ngayon sa park malapit sa school namin nila Erick at kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa bench.
Nagpakawa na naman siya ng isang buntong-hininga at kung hindi ako nagkakamali, 18 times na niyang ginagawa 'yon.
Kinuha ko 'yung libro na binili ko kanina at kahit ingat na ingat ako sa mga libro ay hindi pa rin ako nagdalawang isip na ipukpok ito sa ulo niya. Tinignan niya ako ng masama habang ako naman ay blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha ko.
"Nagsimula lang naman ang pagiging cold namin sa isa't isa noong sinabi ni daddy na siya raw ang mamamahala sa kumpanya na pinapangarap kong makuha. Nung araw na 'yun, nakaramdam ako ng inggit sa kanya which is wrong kasi ako ang matanda at bilang kuya niya, dapat ako ang nagpaparaya pero siya ang gumawa no'n. Lumayas siya para hindi ko na maramdaman na may kaagaw pa ako at nakaramdam ako ng konsensya at inis sa sarili ko. Lalo 'yun nadagdagan nang malaman ko na nagtatrabaho siya sa isang fastfood."
Nakinig lang ako sa mga paliwanag niya at alam kong totoo ang lahat ng 'yun. Pero bakit parang may bahagi sa'kin na nagsasabing hindi lahat 'yun ay totoo. Kung may ability lang akong magbasa ng isip ng tao ay hindi ko na kailangan pang manghula.
"Kim!" napalingon kaming dalawa sa tumawag sa'kin at nakita ko si Erick na masama ang tingin sa kuya niya. Mabilis siyang lumakad palapit sa'min at bigla niyang hinablot ang kamay ko kaya napatayo ako habang nakatingin pa rin siya rito ng masama, "Stay away from her. Wala kang karapatang lumapit sa kanya!"
"Bakit Erick? Pag-aari mo ba siya?" tanong niya na lalong nagpainis kay Erick. Tumingin siya saglit sa'kin at bumuntong-hininga. Bakit ang hilig nilang bumuntong-hininga?
"Hindi pa ngayon pero doon din naman kami pupunta, 'di ba, Kim?" tanong niya sa'kin. Kinunutan ko lang siya ng noo dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya at nasasabi niya ang mga 'yan.
Nagulat ako nang biglang tumawa ng malakas si Kuya Gerry este Derrick habang nakatingin sa'min. Tinignan ko si Erick at kahit siya ay nagtataka na rin sa kinikilos ng kuya niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na rin siya sa pagtawa nang mapansin niyang nakatingin lang kami sa kanya na parang naweweirduhan. Inayos niya ang tayo niya at ngumiti sa'min.
"Maiwan ko na kayo," paalam niya pero bago siya umalis ay may binulong muna siya kay Erick na rinig na rinig naman, "Binata ka na talaga, Erick."
Lalo akong naguluhan sa kanilang dalawa. Bakit kaya ang kumplikado ng mga lalaki? Minsan, madali silang intindihin pero madalas ay tinalo pa nila ang isang rubrics cube sa sobrang gulo.
***
"Ayos na ba kayo ng kuya mo?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa street namin habang pinag-uusapan namin 'yung mga nangyari kanina. Kahit 'yung sinabi ng kapatid niya sa'kin ay sinabi ko rin. Nalaman ko na mayaman pala siya pero gusto niyang magsarili para balang araw ay hindi siya aasa sa pera ng tatay niya.
Kahit hindi ko alam ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ay hindi ko pa rin maiwasang hindi sila pagbatiin. Magkapatid sila at ang magkapatid ay dapat nagmamahalan at hindi nag-aaway.
"Pwedeng oo, pwedeng hindi. 50/50."
"Magbati na kayo tutal, nagsorry naman na siya sa'yo kahit hindi direktang sinabi sa'yo," nginitian ko siya kaya nginitian niya rin ako. "Nandito na tayo. Mag-iingat ka."
"Oo naman, magiging biyuda ka kapag namatay ako."
Huminga ako ng malalim saka ko siya tinignan sa mata.
'Please lang, Erick. Pwedeng tumigil ka na? Kasi kaunti na lang, maniniwala na ako sa'yo na mahal mo ako.' sabi ko sa kanya gamit ang isip ko.
"Hindi ka naniniwala?" tanong niya at halata ang lungkot sa boses niya. Umiwas ako ng tingin at tinalikuran siya.
Gusto kong maniwala pero natatakot akong umasa.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."