Kimberly's POV
"Paano mo ipaliliwanag sa'kin 'yong mga narinig ko, Aly? Kakalinis ko lang ng tenga ko kaya mas maliwanag pa sa sikat ng araw na sinabihan ka niya ng I love you."
My jaw literally dropped after hearing those words. I stared at him and I proved that he's not joking. Geez! Seryoso nga siya.
"He's just my friend, kuya kaya huwag mo na 'yon lagyan ng iba pang meaning," sabi ko at aakyat na sana nang magsalita na naman siya.
"Friend? Wow Aly! Bago 'yon ah! Kailan ka pa natutong makipag-socialize sa iba? Ang isang babaeng no friends since birth ay--"
"Kahapon lang. Atsaka siya lang naman ang kaibigan ko, wala ng iba. Huwag ka na ulit magsalita dahil kanina ko pa gustong umakyat." Tuluyan na talaga akong umakyat habang naririnig ko ang pagtawa niya sa baba. Hindi ko tuloy alam kung paano ako nagkaroon ng kapatid na baliw.
Binato ko 'yong bag ko sa kama atsaka nahiga.
I think, normal lang naman 'yon sa mga magkakaibigan na magsabihan ng 'I love you'.
I love you as my friend. Ayan naman yata ang gusto niyang iparating kaya dapat hindi na ako ma-bother. Imposible namang mahalin niya agad ako sa ibang aspeto dahil wala pang isang linggo kaming magkakilala.
Tama na nga ang pag-iisip ng mga bagay-bagay, Kim at simulan mo nang gumawa ng mga project mo. Ang dami pa naman.
"Ate, pahiram ng Algebra book mo. May titignan lang ako." Nabalimg ang atensyon ko sa nakababata kong kapatid na hindi man lang marunong kumatok.
"Ayoko. Pag-aralan mo na lang ang 1 plus 1 bago ang Algebra. Grade 5 ka pa lang kaya huwag mo munang pag-aralan ang isang bagay na magpapasakit sa utak mo," sabi ko sa kanya habang nakapikit.
"Ate!"
"Fine! Get it from my bag and make sure that you will return it after. And please, return my chemistry book because I need it right now, Zeke. Don't stock my books in your bookshelf. Ikaw ang magbabayad kapag nawala lahat ng libro ko."
"Okay, ate. I will return all your books later," sabi niya na medyo natatawa-tawa kahit wala namang nakakatawa.
"Good! Pagkatapos mong kuhanin 'yang libro ko sa bag, lumayas ka na dahil magpapahinga pa si ate."
Pagkatapos ng ilang minuto ay wala na akong narinig na pagkaluskos ng paa sa sahig ng kwarto ko kaya naman dinilat ko ang isa kong mata. Nakita ko ang pintuan ng kwarto ko na nakabukas. Hindi talaga siya marunong magsara ng pintuan.
Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko saka ako nagpatugtog para kahit papaano ay mawala ang stress ko.
♪Is her hair and the eyes today
Not just simply take me away
And the feeling that I'm falling further enough
Makes me shiever, but in that good way♪
Hindi lahat ng masipag mag-aral na katulad ko ay hindi mahilig sa music. Kahit papaano naman ay nakaka-appreciate ako ng song basta hindi metal rock o kahit anumang song na masakit sa tenga. Pero mas gusto ko 'yong mga song na instrument lang ang maririnig mo katulad ng For Elise ni Beethoven.
Pero noong marinig ko ang kantang ito, hindi na ito maalis sa pandinig ko. Last song syndrome kung tawagin ng iba. May iba kasi sa kantang ito na kumuha ng atensyon ko at malinaw pa rim sa alaala ko ang boses ng kumanta nito no'ng araw na 'yon. Kahit ngayon ay naaalala ko pa rin kung saan at kailan ko ito narinig.
"Pumila kayo ng maayos, guys!" sigaw sa amin ng class president namin habang pinapapila kami nang maayos.
"First year ba 'to?" tanong ng isang teacher sa kanya habang tinuturo niya 'yong pila namin kaya naman tumango siya rito.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."