Kimberly's POV
Lumipas ang ilang araw at okay lang naman ang mga nangyayari sa buhay ko. Same routine katulad ng aral dito, aral doon, kain ng konti tapos balik ulit sa pag-aaral. Pumapasok na ulit si Erick sa school kaya naman ang dami ko nanamang naririnig na masasamang bagay tungkol sa kanya pero sabi niya, wala naman daw siyang paki-alam dahil hindi naman sila makakatulong sa pag-aaral niya. Natuwa naman ako nang malaman ko na pareho lang kami ng prinsipyo sa buhay.
"Hello po ate at kuya!"
Napatingin kaming dalawa sa babaeng nakapig-tail habang may hawak na laptop.
"Bakit?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Hindi ko gusto ang presence niya. Naiirita ako at hindi ko alam kung bakit.
"Ate Kim, kilala ka po dito sa school na isa sa pinakamatalinong estudyante," so? "At ikaw naman po kuya Erick, ikaw po ang rank 1 sa test last periodical test at nalaman ko rin po na na-perfect mo po lahat ng special periodical test from first to third grading na binigay po sa inyo ng principal."
Tama siya. Binigyan si Erick ng chance ng principal na magtake ng test para hindi siya umulit at dahil na rin siya ang highest sa 4th periodical test. Buti pa siya, hindi na niya kailangang magsunog ng kilay para makakuha ng perfect score hindi katulad ko. Ngayon alam ko na kung anong pinagkaiba ng matalino sa masipag lang mag-aral.
"Ano bang gusto mong sabihin?"
Nagulat kami ni Erick nang bigla siyang umiyak sa harap namin habang nakaluhod. Problema nito? May diperensya ba 'to sa utak?
"Teka miss, tumayo ka diyan--"
"Pwede niyo po ba ako i-tutor?" tutor?
"B-bakit?"
"Bagsak po lahat ng test ko simula first to fourth grading. Humingi ako ng special test sa principal pero ang sabi niya, kailangan ko raw makakuha ng 90 pataas sa test. Paano po ako makakakuha ng ganoong kataas na score kung walang mag-tututor sa'kin. So please po i-tutor niyo na po ako! Ayokong mag-summer class!" dire-diretso niyang pakiusap sa'min habang tumutulo ang mga luha niya.
"Ayoko," sabi ko saka ako lumabas ng room pero bago ako nakalayo, e narinig ko ang malakas niyang sigaw kaya bumalik ulit ako sa room. Napailing na lang ako nang makita ko siyang nakayakap kay Erick. Pumayag ba siyang i-tutor niya 'yung babaeng 'yan?
***
"Wow! Dito tayo mag-aaral? It looks-- creepy here," maarteng sabi ni Lexy habang nililibot niya ang bahay ni Erick. Natawa na lang ako sa isip ko dahil 'yan din ang una kong reaksyon noong makapasok ako dito.
Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero nakita ko na lang ang sarili ko kanina na pumapasok sa classroom at sinabi ko sa kanila na payag na rin akong maging tutor niya. Katulad ng ginawa niya kay Erick, e tumalon din siya sa'kin at niyakap din niya ako ng mahigpit habang nagsisisigaw. Pagkatapos niya akong yakapin, nagsisi ako na pumayag ako.
"Sa tingin ko, kailangan ng kaunting make-over dito. Sa totoo lang, ang cute ng bahay niyo. Hindi siya ganoon kalaki at hindi rin siya ganoong kaliit. Medyo masikip nga lang kasi ang daming gamit pero masosolusyunan naman 'yun. And I think, bagay din siyang magkaroon ng--"
"Mag-aaral ba tayo o mag-aayos ng bahay, Ms. Evans?" seryoso kong tanong sa kanya na nagpatahimik sa kanya. Ngumiti siya at nag-peace sign sa'kin pero deep inside, alam kong napahiya siya. Hindi ko tuloy alam kung third year na ba talaga siya o grade 6?
Nalaman na rin namin na ang pangalan ay Lexilyn Evans o Lexy for short daw. Okay naman siya pero medyo isip bata nga lang. Nalaman din naman na kaya siya bumagsak ay dahil mas inuuna niyang mag-surf ng net kaysa mag-aral na lalo kong kinainisan sa kanya. Bakit kasi ang daming kabataan ngayon ang nahihilig sa internet kaysa mag-aral? Tapos kapag bumagsak, iiyak-iyak sila.
"Hayaan mo na lang," narinig ko na bulong sa'kin ni Erick kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya saka siya naglakad papunta sa living room.
***
"What is the symbol of Praseodymium in the Modern Periodic Table?"
"Ah.. uhm.. Pd--aray!" sigaw niya nang paluin ko siya ng payong sa ulo.
"Pd is Palladium at ang symbol ng Praseodymium ay Pr. Speaking of Palladium, ano naman ang atomic mass niya?"
"106.42?" sagot niya habang nakangiti na may halong takot. Ganoon ba ako kasakit mamalo ng payong?
Hinawakan ko ang payong ko atsaka ako ngumiti sa kanya, "Good."
Lumaki ang mata niya saka siya sumigaw habang nakayakap sa'kin. Napailing na lang ako sa reaksyon niya. Buti naman at nakatama na rin siya.
"Ako naman ang magtatanong!" sigaw ni Erick sabay singit niya sa pagitan naming dalawa.
Tumigil na siya sa pagsigaw at naupo na lang ulit sa sofa habang nakatingin sa aming dalawa.
Nakatingin lang sa kanya si Erick habang si Lexy naman ay halatang naiilang. Makatingin naman kasi itong lalaking ito, e parang kakain ng tao.
"Aray! Bakit mo ako tinapakan?" reklamo niya habang hawak niya 'yung kaliwang paa niya.
"Tatanungin mo ba siya o tatakutin mo?"
"Tsk. Sige na tatanungin na kita. What is the name of your Math teacher-- Aray! Nakailan ka na Kim?!" reklamo nanaman niya habang hawak naman niya ngayon 'yung ulo niyang pinalo ko ng payong.
"Ayusin mo!"
"Ang ayos naman na ng tanong ko, a!"
"Saan banda? Atsaka paano mo nasabi?"
"Kasama kaya sa test 'yung pangalan ng teacher mo. Nakita ko nga dati 'yun sa last item, e. Nakalagay pa nga doon, 'Bonus Item: Name of your Science teacher' tapos may kasama pang 2 points," paliwanag niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.
Tumahimik kaming tatlo at tanging hangin lang ang maririnig mo. Pero hindi rin nagtagal, e nakarinig kami ng mahinang tawa kaya sabay kaming napatingin kay Lexy.
"Anong nakakatawa?" sabay naming tanong sa kanya kaya nagkatinginan nanaman kami.
"Ang cute niyo po kasing dalawa."
And for the second time, wala nanamang nag-imikan sa'min at tanging hangin lang ang maririnig mo. Spell awkward.
"Anyway, turuan niyo na lang ulit ako. Medyo awkward na kasi," suggestion niya kaya wala na kaming nagawa kung hindi turuan siya.
Naging maayos naman ang pagtuturo namin sa kanya kahit na may topak itong kasama ko. Hindi rin siya ganoon kahirap turuan pero may mga iba lang talaga na hindi niya maintindihan at halatang hirap siya.
***
Nandito ako ngayon sa field ng school na kung saan may mga naglalaro ng kung anu-anong klase ng sports at meron ding mga tumatambay lang. Dito ako minsan tumatambay kapag tapos na ang klase. Hindi ganoon kaingay at makakalanghap ka pa ng malinis na hangin dahil maraming puno ang nakapaligid dito.
Hindi muna ako umuwi dahil walang tao sa bahay at naiwan ko pa ang susi ko kaya tumambay muna ako dito. Kinuha ko 'yung The Maze Runner ni James Dashner saka ako tahimik na nagbasa.
Nung nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay biglang may dumapot shuttle cock sa pagitan ng libro ko.
"Miss, pwede po bang pabato dito 'yung shuttle cock?"
Inangat ko ang ulo ko at ko nakita si Mr. Rivera na gulat na gulat na nakatingin sa akin. Pinagkunutan ko siya ng noo na nagpapula sa mukha niya.
"M-ms. Hernandez?" sabi niya na halata sa boses niya ang panginginig nito. Natatakot ba siya sa'kin?
Napailing na lang ako saka ko binato sa kanya pabalik 'yung shuttle cock.
Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagbabasa pero napatigil ako nang may maisip akong plano.
"Mr. Rivera!"
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."