Chapter 15

39 3 0
                                    

Kimberly's POV

"Class Dismissed!"

Hindi ko na hinintay na magtayuan ang mga kaklase ko dahil inunahan ko na silang lumabas dahil ayoko siyang makasabay lumabas.

Pumunta muna ako sa field at doon ko ginawa lahat ng assignment ko. Habang sinosolve ko 'yung assignment namin sa math na quadratic function ay may nahagilap ang mga mata ko pero binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko at baka masira pa ang araw ko.

"Ang sipag mo talaga, ate Kim!" rinig ko na sabi ni Lexy na naramdaman kong tumabi sa'kin.

"Huwag kang maingay kung gusto mong turuan kita mamaya pagkatapos ko dito," sabi ko at kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangiti siya ngayon. Kilala ko na siya at alam kong natutulog siya sa classroom nila dahil sa pagpupuyat niya tuwing gabi sa kaka-internet.

"Ay ang panget ng view. Lipat tayo."

"Nag-aaral ako dito kaya kung gusto mo, ikaw na lang ang lumipat."

"Hindi ka ba---"

"Nagseselos ako," diretso kong sagot sa kanya habang nililipat ko ang pagkahaba-habang solution ko sa isang malinis at buong papel.

Tinignan ko siya nang mapansin ko na hindi siya umimik sa sinabi ko. Pinitik ko siya sa noo kaya naman bumalik na siya sa katinuan niya.

"Huwag mong sabihing--"

"Oo gusto ko siya. Nagsearch ako sa google kahapon ng mga sign na nagpapakita na gusto mo ang isang tao at lahat 'yun ay tumugma sa nararamdaman ko kaya bakit ko pa idedeny kung natanggap ko na rin naman sa sarili ko na gusto ko siya. Secret lang natin 'to kaya manahimik ka kung ayaw mong i-friendship over kita," banta ko sa kanya pero parang wala namang epekto. Umiling na lang ako saka ko pinagpatuloy kung anuman ang ginagawa ko kanina.

"Grabe, ate Kim! Ang straight forward mo talaga."

Well, ako 'to. Hindi ako magiging si Kimberly Hernandez kung hindi ako straight forward na tao.

***

Rhina's POV

"Bakit ka nila binotong president sa classroom niyo? Trip lang nila?"

"Hindi. Dahil naka-eyeglass daw kasi ako."

"Ano naman kung naka-eyeglass ka?"

"Nagmumukha akong matalino kahit hindi. Hindi mo na kailangan mag-eye glass kasi matalino ka na, wala lang sa mukha. Pfft~ pero joke lang 'yun. Huwag mong dibdibin," sabi ko nang mapansin ko na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya pero ngumiti naman siya agad kaya napangiti rin ako.

"Simula bukas, magsusuot na ako ng eyeglass!"

"Huwag na. Hindi bagay," natatawa kong komento kaya bumusangot nanaman siya. Hindi ko ine-expect na may ganito siyang side.

"Sinabi mo, e," tumingin siya sa relos niya, "Sige, una na ako. Gagawa pa ako ng assignments," paalam niya at pinanood ko na lang ang likod niya habang naglalakad siya palayo sa'kin.

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa panonood sa mga estudyanteng naglalaro ngayon dito sa field nang maramdaman ko na may tumabi sa'kin. Akala ko bumalik siya pero nagulat ako nang makita ko si Lexy. Hindi siya nakatingin sa'kin at sa field lang nakafocus ang mga mata niya.

"Tatapatin na kita, Ms. Sanders. Kung ayaw mong makasakit ng damdamin ng iba, layuan mo si Erick."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. Napansin naman niya ang biglaan kong pagtayo kaya saglit niya akong tinignan at binalik na lang niya ulit ang tingin niya sa pinapanood niya kanina.

"Kung akala mo ay damsel in distress ka sa kwentong ito at meron kang knight in shining armor, pwes mali ka ng napuntahang kwento dahil ang tinuturing mong knight in shining armor ay matagal ng naging prinsipe ng isang prinsesa na walang iba kung hindi ang kaibigan ko. Ngayon lang kayo nagkakilala pero 'yung prinsesang 'yun ay matagal na niyang kilala. Alam ko na gusto nila ang isa't isa kaya kung ayaw mong masaktan, pwede ka nang lumayo at bigyan sila ng happy ending kaysa maging isang wicked witch ka sa kwento nila."

Nakaramdam ako ng likido na nangingilid sa mga mata ko. Pumikit ako at doon na sila umagos habang nararamdaman ko ang pagkadurog ng puso ko na kanina ay buong-buo pa nung kasama ko siya.

Hindi lang siya ang may alam na gusto nila ang isa't isa, pati ako alam ko 'yun. Kapag magkasama kasi kami ay laging siya ang bukang bibig ni Erick pero nakikinig pa rin ako sa kanya kasi gusto ko siya kahit na alam kong nasasaktan ako. Ang tanga ko kasi magkakagusto na nga lang ako, doon pa sa lalaking may ibang gusto. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng kaibigan at nagkagusto sa isang tao, e failed pa.

Lumakad na ako palabas ng field habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

Siguro tama siya na hindi ko ito kwento kaya dapat hindi ko angkinin ang kwento na hindi ko pag-aari. Hindi ako ang prinsesa sa kwentong ito dahil isa lamang akong hamak na extra.

***

Kimberly's POV

"Hello."

Napatigil ako sa pagsusulat nang marinig ko ang boses niya. Pagkatapos niya kaming iwan, e kakausapin niya ako? Ang kapal talaga ng mukha niya.

"Sorry for being a jerk," bulong niya at nang tignan ko siya ay nakahiga na siya sa damuhan habang nakatakip ang braso niya sa mga mata niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog siya ng mahimbing. Pagkatapos niya humingi ng tawad ay tutulugan lang niya ako. Buti naman at alam niyang jerk siya.

Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagsusulat sa notebook ko nang hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin nanaman ako sa kanya pero ganoon pa rin ang posisyon niya na parang hindi man lang gumalaw.

Kung pumunta lang siya dito para asarin at istorbohin ako sa ginagawa ko, dapat hindi na siya pumunta dahil sinasayang lang niya ang oras niya sa'kin sa halip na samahan niya 'yung bago niyang kaibigan. Grabe! Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng selos nang dahil sa lalaking ito. Bakit kasi inimbento pa 'yang word na 'yan, e? At bakit naman kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ay siya pa? Si Erick na walang malay ay nagugustuhan ng tangang nagngangalang Kimberly.

Ano bang espesyal sa lalaking ito maliban sa pagiging special child niya? Nga-nga! Pero nung tignan ko siya, parang gusto kong kumuha ng panungkit para sungkitin ang mga lumulutang na salita sa ere na nagsasabi kung bakit ko siya gusto.

Hihigitin ko na sana ang kamay ko sa kanya nang marinig ko siyang humilik. Patay! Paano ko kukunin ang kamay ko? Grabe kasi ang trip ng lalaking 'to na tiyak na iinit talaga ang ulo mo.

Tinignan ko siya at napansin ko na tulog talaga siya. Wala na akong nagawa kung hindi hintayin siyang magising pero parang hindi na talaga siya magigising.

Pinagmasdan ko ang mukha niya at napangiti ako nang makita ko kung gaano kaamo ang mukha niya kapag natutulog siya kahit nakatakip ang mata niya. Mukha siyang anghel kapag tulog at sa halip na maasar ka sa hilik niya ay natutuwa pa ako dahil masyadong manly. Kahit pala isip bata ang isang tao ay hindi pa rin mawawala sa kanya ang pagiging binta o dilaga. Matured kung tawagin nila sa Ingles.

Kinuha ko 'yung bag ko gamit ang isang kamay ko. Nilagay ko 'yun sa lap ko at hindi ko na napigilang matulog. Napuyat ako kagabi sa paggawa ng isang katerbang assignments at nireview ko rin 'yung mga past lesson namin kaya kaunti pa lang talaga ang tulog ko.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya sa kamay ko pero hindi ko na lang siya pinansin dahil antok na antok na talaga ako.

"I love you."

Pero guni-guni ko lang ba na sinabi niya 'yun? O inaantok lang talaga ako?

Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon