Kimberly's POV
Pinasa na namin lahat ng requirements namin para sa clearance at pagkatapos no'n, bakasyon na namin. Napaaga ang bakasyon namin dahil mas pinariority ng mga teacher ang mga fourth year students para sa gaganapin na prom at graduation nila.
Nakapag-special test na rin si Lexy at dahil kami ang tutor niya ay nakapasa siya. Nagpasalamat na rin siya sa'min ni Erick pero sinabi ko sa kanya na may bayad ang pagtutor ko sa kanya.
"Magkano po?"
"Hindi ko kailangan ng pera. Ang kailangan ko tulong mo."
"Anong klaseng tulong ate Kim?"
Sinabi ko sa kanya ang plano ko. Akala ko, e hindi siya papayag pero nagulat ako nang malaman ko na mas excited pa siya kaysa sa nagplano.
Kaya naman nandito kami ngayon sa Ace hardware at nangangalap ng materials para sa gagawin naming proyekto.
"Mas better kung kulay blue 'yung paint na gagamitin para sa walls at black naman para sa ceilings. Wait, para maganda, gawin kaya nating itsurang galaxy 'yung ceiling? Ang cool no'n!" suggestion ni Kenneth habang tumitingin ng paint.
At oo, sinama ko si Mr. Rivera o Kenneth para sa proyektong gagawin namin. Ayon sa mga naririnig ko tungkol sa kanya, hindi lang siya magaling sa sports kung hindi pati rin sa arts. Ilang beses na rin nakuha ang mga drawings or artworks niya para sa contest at lahat 'yun nananalo. Kaya sa tingin ko, malaki ang ma-aambag niya dito. Thank God dahil pumayag agad siya!
"Maiwan ko muna kayo. Titingin muna ako ng mga iba pang materials," paalam ko sa kanila kaya umalis muna ako at pumunta sa area kung saan makikita 'yung iba't ibang klase ng bulbs.
"Saan po makikita 'yung mga gripo?"
"Gripo?"
"Nasira gripo ng banyo ko, bro."
"Bakit?"
"Napalakas 'yung pag-ikot ko."
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mga pamilyar na boses. Tinignan ko sila at napatakip na lang ako sa mukha nang mapagtanto ko na tama ako.
Tumalikod ako sa kanila at naglakad ng mabilis pero napatigil nanaman ako sa paglalakad nang tawagin ako nang isa sa kambal.
"Miss, 'yung panyo mo nalaglag!"
Lumingon ako sa kanya pero wrong move dahil sa tingin ko namukhaan niya ako. Binalik ko ang tingin ko sa harap ko at ihahakbang ko na sana ang mga paa ko nang tawagin nanaman niya ako.
"Teka, 'di ba ikaw 'yung kaibigan ni Erick?" nalintikan na.
Huminga ako ng malalim saka ako tumakbo ng mabilis palabas ng store pero nararamdaman ko rin na hinahabol nila ako. Katapusan ko na!
"Ate Kim!" rinig ko na tawag nila Kenneth at Lexy sa'kin pero dire-diretso pa rin ako sa pagtakbo. Napailing na lang ako nang maalala ko na may kasama pala ako.
Tumakbo lang ako ng mabilis at wala akong paki-alam kung may makabungguan man ako basta ang alam ko, nililigtas ko lang ang buhay ko sa nalalapit kong kamatayan.
"Aray!" sigaw ko nang mabunggo ang ulo ko sa pader. Pader nga ba?
Inangat ko ang ulo ko at napangiwi na lamang ako nang makita ko si kamatayan. Sa kinadami-dami ng pwede kong makabungguan, bakit siya pa? Ngayon, katapusan ko na talaga.
"Grabe Ms. Speechless! Pinagod mo kami," reklamo ng isang kambal habang hinahabol niya ang kanyang paghinga. Ms. Speechless?
Seryosong nakatingin sa'kin si kamatayan na lalong nagpakaba sa'kin. Nagpa-plano na ba siya kung paano ako ipapatapon sa ilog pasig?
"Ate Kim!" sabay na sigaw ng mga kasama ko kaya napatingin ako sa kanila at halatang pagod na pagod sila. Hinabol din ba nila ako? Huwag tanga, Kim. Kaya nga sila pagod na pagod, e.
Bago pa ako magsalita ay humarang na sa harap ko si Kenneth na animo'y pinoprotektahan ako kay kamatayan, "Anong balak mong gawin kay ate Kim?"
Sa halip na sagutin ito ni kamatayan ay nag-smirk lang siya. Ngayon ko lang napagtanto na mas nakakatakot siya kay Erick.
"Kimberly!"
And speaking of the devil.
"Long time no see, pare!" bati sa kanya ni kamatayan na lalong nagpairita sa'kin. Maka-pare siya kay Erick, akala naman niya wala siyang kasalanang ginawa dito.
"Anong ginagawa niyo sa kanya?" tanong niya na may halong pananakot pero parang wala namang talab sa kamatayang ito.
"Chillax, bro. Wala kaming gagawin sa kanya--"
"Huwag kang maniwala, kuya Erick! Hinaharass nila si ate Kim!" matinis na sigaw ni Lexy kaya naman napapikit 'yung dalawang kambal na katabi niya.
Tumawa siya saka niya nilapitan si Erick. Nagulat ako nang bigla niya itong niyakap sabay sabing, "Ang tagal mong hindi nagpakita, bro."
Napailing na lang ako dahil hindi ko kaya ang mga nasasaksihan ko. Ngayon lang ako nakakita ng bromance at hindi ko matanggap na nadungisan ang mga inosente kong mata.
"Ganyan talaga ang mga magkakaibigan, ate Kim. Babae nga na magkakaibigan, e nagyayakapan, lalaki pa kaya," bulong sa'kin ni Kenneth kaya napatango-tango na lang ako. Pero napataas agad ang kilay ko nang magsink-in sa utak ko ang word na 'kaibigan' dahil hindi naman sila magkaibigan at kahit kailan hindi nangyari 'yun.
Ilang sandali lang, e nakiyakap na rin 'yung dalawang kambal sa kanya habang umiiyak at hindi ko alam kung matatawa ako o mandidiri. Napaisip tuloy ako kung may balak ba silang patayin si Erick dahil hindi na ito makahinga sa higpit ng yakap nila. Medyo nagiging OA na sila sa pinaggagagawa nila.
"Erick! Patawarin mo kami! Patawad sa mga ginawa naming kasalan sa'yo! Huwag kang mag-alala, hindi na kami hihingi ng pera sa'yo. Waaaah!"
Napatingin ako sa mga taong nadadaanan kami at halata sa mukha nila ang pandidiri sa nakikita nila. Napaface-palm na lang ako dahil pati ako, nandidiri na rin.
"Pwede bang sumuka?" tanong ni Lexy at nag-aact pa siya na parang nasusuka. Kahit sinabi ni Kenneth na normal lang 'yan, e parang abnormal pa rin sa paningin ko.
"Teka lang,hindi ako makahinga!" reklamo ni Erick kaya naman humiwalay na sila sa pagkakayakap sa kanya. Huminga siya ng malalim saka niya ako tinuro na ipinagtaka ko.
"Sa kanya kayo humingi ng tawad," sabi niya kaya naman sa'kin sila lumapit at lumuhod maliban kay kamatayan. Noong magsink-in sa utak ko 'yung sinabi niya ay tinignan ko siya ng masama. Bakit ako?
'Bakit sila hihingi ng tawad sa'kin, e sa'yo sila may kasalanan?'
Ngumiti siya saka siya may kinuhang notebook sa bag niya at nagsulat doon. Pagkatapos ng ilang segundo ay ipinakita niya sa'kin 'yun kaya binasa ko.
'I can't decide for myself 'coz I'm scared that I will regret it after. It's better if you're the one who will decide for me.'
Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ko 'yung sinulat niya. Huminga ako ng malalim saka ko sila tinignan ng seryoso.
"Gusto niyong patawarin ko kayo?" tumango-tango naman sila kaya napangiti ako, "Sige papatawarin ko kayo pero sa isang kondisyon... tutulungan niyo kami sa pagsasaayos ng bahay ni Erick. Kung talagang sincere kayo sa sorry niyo, papayag kayo."
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."