Chapter 6

62 2 0
                                    

Kimberly's POV

3rd Year: Top 10 students who got the highest score in their previous exam (4th Grading Period)

1. Unknown-100

2. Kimberly Hernandez-99

Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ko ang resulta ng test sa Bulletin Board. Ito ang unang beses na pumunta ako rito sa board na ito. Alam ko kasi na ako na naman ang nangunguna kaya hindi ko na kailangan pang tignan.

Pero hindi na ngayon.

Dapat pala siya talaga ang highest sa buong batch kung nilagyan lang niya ng pangalan 'yung test niya. Pero imposibleng nakalimutan niyang lagyan ng pangalan 'yong test niya dahil masyado siyang matalino para hindi niya 'yon lagyan ng pangalan. O kaya naman, masyado lang siyang nasiyahan sa pagsasagot kaya pati pangalan niya ay hindi niya naisulat.

Kaya ba ayaw na niyang pumasok kasi matalino na siya? Teka, baka naman nangopya lang siya! Pero imposible rin dahil siya ang unang nakatapos sa klase. Baka naman ginamit niya ang ability niya para makapagsagot Hindi imposibleng mangyari 'yon dahil kung hindi niya gagamitin ang ability niyang 'yon ay hindi siya makakapagsagot sa test lalo na at hindi niya na-aral ang mga lesson na diniscuss ng mga teacher namin habang wala siya. Napansin ko rin na lagi siyang natutulog sa klase kaya nakakapagtaka talaga na ma-perfect niya ang test. Ako nga mismo na nag-aaral ng mabuti, e never pang naka-perfect ng test. Hindi tataas sa 99 ang nakukuha kong marka, tapos siya?

Tumingin ako sa orasan ko at napagtanto ko na maaga pa para umuwi sa bahay. Kaya naman napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa library para makapag-review sa quiz bee next week. Para kahit papaano rin, e mawala ang badvibes ko ngayong araw.

"Ms. Hernandez!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Ms. Puri na isa sa teacher na nag-coordinate sa math quiz bee. Nakangiti siya sa akin pero bakit kinakabahan ako sa sasabihin niya?

Lalo akong kinabahan nang mag-iba ang ngiti niya at napalitan ito ng lungkot o awa para sa akin.

"I'm sorry Ms. Hernandez pero hindi na tuloy ang quiz bee next week. Maraming inaasikaso ang Math Department ngayon kaya hindi na namin maasikaso ang mga ibang contest katulad nito. Sana maintindi--"

"Okay lang po ma'am. Naiintindihan ko po," I lied.

"Salamat Kim. Don't worry, may next time pa naman. At congrats din pala sa result ng test mo."

Tumango lang ako sa kanya atsaka ako tumalikod habang nararamdaman ko ang pagbigat ng nasa loob ko. Gusto ko siyang sigawan at sabihan na gumawa sila ng paraan para matuloy 'yon pero tanging 'Okay lang' ang nasagot ko. Bakit ang malas-malas ko kasi ngayong araw, e? May imamalas pa kaya ako?

♪ I'm gonna take my time

Make sure that the feeling's right

Instead of staying up all night

Wondering where you are♪

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng pag-strum ng gitara na hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa huminto ito sa music room. Hindi ko na sana papansinin nang makarinig ako ng pamilyar na boses na kumakanta sa loob kasabay ng pagpapatugtog nito ng gitara.

♪Miles and miles away

In a town in another state

I wanna know if you just can't take

The thought of us apart♪

Pinakinggan ko ulit ang boses niya at hindi ako pwedeng magkamali kaya dali-dali akong pumunta sa pintuan ng music room nang mapansin kong naka-lock ito.

♪ If I'm gonna fall in love

There's gotta be more than just enough

I gotta get that old feeling

I gotta get that old ---

Bigla siyang tumigil sa pagkanta at pagtugtog kaya naman kumatok na ako pero nakailang katok na ako ay wala pa ring bumubukas nito. Dahil sa naaasar na ako sa kanya, ako na lang ang gumawa ng paraan para buksan ito. Kumuha ako ng hair pin sa bag ko atsaka ko ito binuksan nang walang kahirap-hirap pero pagkapasok ko, tanging bukas na bintana lamang ang naabutan ko at isang gitarang nakakalat sa sahig.

For the second time, hindi ko na naman siya naabutan.

Anong klaseng kamalasan pa ba ang mangyayari sa'kin ngayon araw?

Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon