Synopsis

213 5 0
                                    


Si Kimberly Hernandez o mas kilala bilang number one sa buong campus. Paano ba namang hindi siya magiging number one, e siya lang naman ang nagmumukod tanging estudyante sa school nila na todo effort sa pag-aaral. Kahit saan mo siya makita ay puro libro lang ang hawak niya at kahit nga yata sa panaginip ay nag-aaral siya. Ayan ang isa sa rason kaya wala siyang kaibigan. Hindi naman siya binubully, sadyang umiiwas lang talaga ang lahat ng estudyante sa kanya. Ayaw kasi nilang maistorbo siya sa pag-aaral niya at alam din nila na kahit lapitan nila ito ay hindi sila nito papansinin. Baka mapahiya lang sila.

Kung sa tingin ng iba ay napaka-boring ng buhay niya, ibahin niyo siya. Para sa kanya, punong-puno ng challenges ang buhay niya at masaya na siya doon.

Pero magbabago ang lahat nang dahil sa isang pabor na akala niya ay madali lang gawin at iyon ay ang papasukin sa school ang isang lalaking ilang buwan nang hindi pumapasok. Siya si Erick Montereal. Ang lalaking kinatatakutan sa school nang dahil na rin sa nakakatakot nitong aura at sa pagiging misteryoso nito. Pero sa likod ng mga ito, natuklasan ni Kim ang totoong Erick na hindi pa nakikita ng lahat. Ang Erick na punong-puno ng sikreto. Hindi niya napansin na sa pagpasok nito sa school, pati buhay niya ay pinasok nito.

Samahan natin sila Kim at Erick sa isang kuwento na magpapatawa, magpapangiti, magpapabilib, magpapainis, magpapaiyak at magpapakilig sa ating lahat. Ang kuwentong nagsimula sa pagkakaibigan na humantong sa pagiging magkaribal sa trono.

Ano kayang mangyayari kapag pinagsama ang isang almost perfect girl at isang not-so-perfect guy? May mabubuo kayang 'love' sa pagitan nilang dalawa? O hanggang 'friends' lang talaga sila?

Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon