Chapter 4

69 4 0
                                    

Kimberly's POV

Ilang oras na kaming naghihintay pero hindi pa rin binibigay ang mga test paper namin. Ang sabi ng nagbabantay sa'min ngayon, e nagkaroon daw ng emergency kaya matatagalan ang pagdi-distribute ng test papers at kung minamalas ka nga naman, madadagdagan ng isang oras bago ang uwian namin. Hindi na naman ako makakapunta sa library para makapagreview para sa quiz bee sa math next week.

"Kim, napapansin ko na kanina ka pa tingin nang tingin sa pintuan. May hinihintay ka ba?" tanong sa akin ng classmate ko na nakaupo sa harapan ko.

"Oo, hinihintay ko 'yong test paper natin," sagot ko kaya tumango-tango na lang siya saka tumingin sa harap.

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa bintana sa tabi ko at natanaw ko na naman ang isang napakalungkot na parke habang iniisip ko ang mga sinabi niya kahapon.

Sabi niya, magkita raw kami bukas sa school na ito at ang ibig sabihin lang no'n, e papasok na siya pero bakit hanggang ngayon ay wala pa siya? Niloloko niya ba ako?

At oo, siya nga ang hinihintay ko sa pinto at bilang isang kaibigan niya ay concern din ako kung may nangyari ba sa kanya kaya wala pa siya. Kailangan ko ring gawin ang binigay sa akin na task ni Mrs. Bugarso na papasukin siya ngayon dahil kung hindi ko 'yun nagawa, magkakaroon ako ng consequence. Kaya sana pumasok siya.

"Let's begin!"

Napalingon ako sa teacher na nagbabantay sa'min at napansin ko na hawak na niya 'yong mga test paper. Hindi rin nagtagal, e hawak ko na 'yung test paper ko. For the last time, tumingin na naman ako sa pintuan at napaismid na lang ako nang makita ko siyang wala. Magpe-prefer na lang ako kung anumang consequence ang gagawin ko mamaya.

Pero bago ko isipin ang mga bagay na 'yan, kailangan ko munang sagutan itong papel na ito at baka bumagsak ako. Kapag nangyari 'yon, tanging sarili ko lang ang sisisihin ko.

"Mr. Montereal?"

Napatigil ako sa pagsagot nang marinig ko ang pangalan niya at napansin ko na pati ang mga kaklase ko ay napatigil rin katulad ko.

"Bakit siya pumasok?"

"Naku, gulo na naman ang dala nito."

"Nakakatakot pa rin siya."

Narinig ko na bulong-bulungan ng mga kaklase ko kaya napagtanto ko na nandito siya. Inangat ko ang ulo ko para tumingin sa harapan at nakita ko nga siya pero hindi siya nakatingin sa'kin. Dire-diretso lang siyang naglakad sa katabi kong upuan na dati niya ring upuan. Oo, seatmate nga kami pero hindi ko siya ganoong pinapansin dahil wala naman siyang maitutulong sa pagtaas ng grades ko kaya bakit ko siya papansin? Pero hindi na katulad ngayon. Kaibigan ko na siya.

Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa test paper na hawak ko. Hindi pa ako nangangalahati, e napatingin na naman ako sa katabi ko at napansin kong wala pa siyang test paper na hawak. Tinignan ko 'yong teacher na nagbabantay sa amin pero parang wala naman siyang balak na bigyan siya ng test paper at ito namang isang 'to, e wala ring balak na humingi. Ano na lang gagawin niya? Tutunganga? E, sayang naman ang effort ko sa pagpapapasok sa kanya kung hindi siya magte-take ng test. Ano ba ang nangyayari sa mga tao ngayon?

Nagtaas ako ng kamay at napansin naman agad ito ng teacher namin. Nginitian niya ako na akala niya yata, e tapos ko na 'yong test kahit hindi pa naman. Tumayo ako atsaka ako nagsalita, "Wala po ba kayong balak na bigyan ng test paper si Mr. Montereal?" tanong ko sa kanya na nagpawala sa mga ngiti niya. Tinignan niya 'yong katabi ko atsaka siya muling ngumiti sa'kin.

"Hindi siya pwedeng magtake ng test dahil baka mag-cause ito ng pagkababa ng MPS natin. Ilang buwan na siyang hindi pumapasok at ngayon lang ulit siya pumasok kaya wala siyang maisasagot sa test. Hayaan mo na lang siya Ms. Her--"

Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon