Kimberly's POV
"Nasaan si Erick?" tanong ko sa kaklase ko pero nag-shrug lang siya. Tapos na ang oras ko sa pagbabantay pero magmula kanina ay hindi ko pa siya nakikita.
Kinalimutan ko na ang mga nangyari kahapon maliban sa isa.
"Pumunta na kayo dito sa booth namin! May free keychain kayo kapag kumain kayo dito!" napatingin ako sa babaeng sumisigaw pero nadismaya ako nang makita ko na iba na 'yung sumisigaw. Kasalanan ko naman kasi kaya hindi na ako magtataka kung magtampo siya sa'kin.
"Hindi raw siya pumasok sabi ng kaklase niya. Ano bang nangyari, ate Kim at mukhang nagtatampo yata siya?" sabi ni Kenneth na ngayon ay nasa tabi ko na. Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang sinabi niya. Tama nga ako ng hinala.
"Hindi ko alam ang nangyari pero sa tingin ko, ikaw ang may kasalanan. Matalino ka, ate Kim kaya alam kong alam mo ang dapat mong gawin para masolve 'yang problema niyo. Huwag mong patagalin, ate Kim at baka hindi na kayo magkaayos kapag pinatagal mo."
***
"Ang tahimik ah! Anong meron?" narinig ko na tanong ni Tyler pero walang sumagot sa'min at pinagpatuloy lang namin ang mga ginagawa namin.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Erick at hanggang ngayon ay hindi pa rin naman 'to natatapos. Karamihan kasi sa'min ay nagpa-enroll at bumili ng mga school suppies at 'yung iba naman ay umuwi sa kanila. Kaya ang resulta, wala pa sa kalahati ng bahay ang napipinturahan namin. Bumili pa kami ng bagong pintura dahil naubos namin 'yung isa sa paglalaro namin ng taya-tayaan.
"A-ate Kim, pwedeng paabot nung pintura na kulay puti?"
Tumigil ako sa pagpipintura at tumingin sa kanya. Nakayuko lang siya habang nilalaro niya ang mga daliri niya na halatang iniiwasan akong tignan.
"Sorry sa mga sinabi ko," sabi ko kaya napaangat ang ulo niya at nakita ko na umiiyak siya. Ang ayoko sa lahat ay may iiyak sa harap ko at alam kong ako ang may kasalanan kaya siya umiiyak. Hindi pa naman ako magaling magpatahan kaya naman nagpapanic na ang isip ko kung paano ko siya papatahanin.
Bahala na nga!
Nilahad ko ang isa kong kamay sa harap niya na ikinakunot ng noo niya. Huminga ako ng malalim saka ako nagsalita.
"Friends?" tanong ko sa kanya habang nakangiti na dahilan para lalo siyang umiyak. Sabi ko na nga ba, hindi ako marunong magpatahan ng bata.
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit habang nagtatatalon. Grabe! Hindi ako makahinga! May balak ba siyang patayin ako?
"Yehey! Friends na tayo! Dati ko na pinapangarap na maging kaibigan kita at ngayon dream come true na! Thank you talaga!" sigaw niya habang nakayakap pa rin sa'kin. Napangiti ako sa sinabi niya dahil hindi ko ine-expect na meron pa rin pa lang mga tao na gusto akong maging kaibigan kahit ganito ang ugali ko.
"Sa wakas, maingay na ulit!" sabi ni Tyler na tinawanan lang naming lahat.
Napatingin ako kay Kenneth at ngumiti ako sa kanya nung makita ko siyang nakathumbs-up. Thanks to him.
Nasa kalagitnaan kami ng katuwaan nang biglang may narinig kaming nagsalita.
"Excuse me?"
Nabaling ang atensyon namin sa kanya at nakaramdam nanaman ako ng bombang sumabog sa dibdib ko. Tumingin ako sa katabi niya na ngayon ay nakangiti sa'min habang magkahawak ang kanilang kamay na lalong nagpasikip sa dibdib ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"Kuya Erick, bakit mo kasama si Rhina?" nagtatakang tanong ni Lexy habang nakatingin din sa kanilang dalawa.
"Nakwento ko kasi sa kanya na ginagawa natin itong bahay ko at nagprisinta siya na tumulong," paliwanag niya.
"E-e 'di welcome! Tara Ms. Sanders, sasabihin ko sa'yo mga gagawin mo," sabi ni Kenneth habang nakangiti sa kanya kaya naman sumunod si Rhina sa kanya.
"Let's continue," sabi ko sa kanila kaya pinagpatuloy na lang ulit namin ang mga ginagawa namin kanina.
"Akala ko pa naman, maingay na ulit. Mas lalo pa palang tumahimik," narinig kong bulong ni Tyler kaya binigyan ko siya ng keep-your-mouth-shut look at sa tingin ko ay naintindihan naman niya.
"Hala! Natapon ko."
Napalingon ako kay Rhina at napasapo na lamang ako sa noo ko nang makita ko 'yung kulay puting pintura na natapon sa sahig.
"Itayo mo na agad Rhina para hindi matapon lahat!" rinig ko na sigaw ni Lexy at sa tingin ko ay mainit nanaman ang ulo niya.
"S-sorry." dali-dali niyang tinayo 'yung pintura pero nalagyan naman 'yung palda niya.
"Bakit kasi pumunta ka rito ng naka-uniform? Dapat nagbihis ka muna sa inyo!" nanggagalaiting sigaw sa kanya ni Lexy kaya hinawakan siya ni Kenneth sa braso para awatin at pakalmahin. Sanay na kami sa pagiging bipolar ni Lexy pero nag-aalala ako na baka damdamin niya.
At tama nga ako. Umiiyak na siya ngayon sa harapan namin. Nakaramdam naman ako ng awa kaya lumapit ako sa kanya at tutulungan ko na sana siya nang unuhan ako ni Erick.
"Kung balak niyo lang siyang apihin, aalis na lang kami," sabi niya na ikinagulat namin. Bigla akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya.
"Bakit ka sasama sa kanya? Iiwanan mo kami rito?" tanong sa kanya ni Tyler pero sa halip na sumagot siya ay tinignan lang niya ito.
Sarkastikong tumawa si Steve at nagulat kami nang kwelyuhan niya si Erick, "Sumagot ka ng maayos kapag tinatanong ka!"
Hindi sumagot si Erick kaya sa sobrang inis ni Steve ay sinuntok niya ito kaya napahiga siya sa sahig na ikinagulat naming lahat. Pumunta ako kay Erick at tutulungan ko na sana siya nang bigla niyang tabigin ang kamay ko na nagpabigat sa dibdib ko. Nung si Rhina na ang tumulong sa kanya ay tinanggap niya na lalong dumoble sa bigat na nararamdaman ko.
Bumalik lang ako sa katinuan ko nang maramdaman ko na may humila sa'kin palayo sa kanya at nakita ko si Steve na ngayon ay nakatingin sa kanya ng masama. Tumingin ulit ako kay Erick at nakita ko siyang nakatingin sa braso ko na hawak ni Steve hanggang sa tumaas ang tingin niya at napunta sa mga mata ko.
Yumuko ako para hindi niya mabasa ang nasa isip ko hanggang sa marinig ko silang lumalakad palayo sa'min.
"Uwi na tayo. Para kanino pa itong ginagawa natin kung iniwan naman na tayo?" rinig ko na sabi ni Tommy na sinang-ayunan ni Tyler.
"Mauna na ako," paalam ko sa kanila at dire-diretso akong lumabas na hindi man lang hiningi ang permiso nila.
Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko nang maramdaman ko na nangingilid na ang luha ko sa mata ko. Kakasabi ko pa lang kanina na ayoko sa mga umiiyak pero tignan mo, ako naman ang umiiyak ngayon.
Sa pagkakaalala ko ay kahapon lang sila nagkakilala pero bakit siya ang pinili niya kaysa sa'min na matagal na niyang kilala?
Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ang gulo niya. Tinalo niya pa ang labyrinth sa Greece na sobrang kumplikado.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."