Third Person's POV
"Sigurado kayong may pag-asa pa 'tong maayos?" tanong ni Steve habang nililibot ang buong bahay.
"Oo naman 'no! Hindi naman ganoon kalala itong bahay kaya may pag-asa pa itong mapaganda," masayang sagot ni Lexy habang nakaupo sa sofa at nanonood ng kpop songs sa Channel V. Kahit batang isip siya ay hindi pa rin maaalis sa kanya ang pagiging teenager at bilang teenager, normal lang sa isang tulad niya ang pagkakaroon ng mga fandoms lalo na sa mga korean groups o bands.
"Tama siya, Steve. Maaayos pa itong bahay ni Erick. Hindi nga lang siya magiging kasing ganda ni Lexy," pagsasang-ayon ni Tyler o ang playboy sa kambal sabay kindat niya kay Lexy na inirapan lang siya na dahilan para pagtawanan siya ng kambal niya pero napatigil lang ito nang suntukin siya ni Tyler sa braso hanggang magpatayan na sila sa isang tabi.
"Ate Kim, simulan na natin para mabilis nating matapos. Baka kasi umabot tayo ng pasukan kapag hindi tayo nagsimula ngayon," suggestion naman ni Kenneth habang nakatingin kay Kimberly na malalim ang iniisip, "Ayos ka lang ba?"
Umiling siya saka ngumiti kay Kenneth na dahilan para mamula nanaman ang mga pisngi nito. Matagal na kasi siyang may crush kay Kimberly dahil sa angking talino at ganda nito. Matagal na siyang humahanga rito pero alam niya ang limitasyon niya na hanggang paghanga lang talaga ang pwede niyang maramdaman dahil alam niyang hindi siya magugustuhan nito. Kaya labis siyang natuwa noong kausapin siya nito at humingi pa sa kanya ng tulong. Pumayag siya hindi para makatulong kay Erick kung hindi para mapalapit sila sa isa't isa pero mukhang nahuli na siya.
Kaya pinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi lalagpas sa paghanga ang mararamdaman niya kay Kim para hindi siya masaktan.
"Patayin mo na 'yang TV, Lexy para makapagsimula na tayo," utos ni Kimberly na agad namang sinunod ni Lexy. Tumingin siya sa mga kasama niya at nagtaka siya nang hindi niya makita si Erick, "Nasaan si Erick?"
"Nasa labas, Ms. Speechless!" sagot ni Tyler sa kanya kaya naman lumabas siya ng bahay at nakita naman niya agad si Erick na nakasandal sa isang puno.
Pero teka, bakit nga ba Ms. Speechless ang tawag sa kanya ni Tyler? Simple lang naman, dahil sa pagsugod niya sa school nila Steve at nagawa niyang hindi pa-imikin ang lahat ng estudyante pati sila Steve sa school na 'yun.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Kimberly nang makalapit siya kay Erick.
"Para magpahangin. Ang daming tao sa loob, e." sagot ni Erick pero hindi kumbinsido si Kimberly sa sagot niya at alam niya 'yun. Napabuntong-hininga muna siya bago muling magsalita, "Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit mo ako tinutulungan. Sino ba ako para tulungan m---"
"Kaibigan," kalmadong sagot ni Kim sa kanya. Tinignan lang siya nito saka siya nginitian pero deep inside nasaktan siya.
'Tama siya. Kaibigan lang. Ano pa bang gusto mong isagot niya, Erick?' tanong niya sa sarili niya habang nakatingin kay Kim. Nagpapasalamat siya dahil hindi nito kayang mabasa kung anuman ang nasa isip niya hindi tulad niya.
"Sumunod ka na sa loob. Magsisimula na tayo," utos ni Kim sa kanya na tinanguan lang niya. Sinundan ng mga mata niya si Kim hanggang sa makapasok ito sa loob.
Napabuntong-hininga na lamang siya habang iniisip ang mga bagay na hiniling niya na sana makalimutan niya.
***
Kimberly's POV
"Bukas na lang ulit natin ituloy. Pwede na tayong umuwi at magpahinga. See you tomorrow, guys!" masayang sigaw ni Lexy sabay takbo niya sa labas. Hindi naman siya halatang excited umuwi?
"Bukas na lang natin palitan 'yung floor mat. Kailangan pa kasi natin ng floor wax at wala naman tayong floor wax ngayon. Ako na lang bibili bukas bago ako pumunta dito. Sige, alis na rin ako. Walang kasama kapatid ko sa bahay," sabi ni Kenneth at nagpaalam na rin sa'min.
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."