Kimberly's POV
"Grabe! May na pero ngayon lang tayo nagbalak na pinturahan itong bahay. Ang kulit mo kasi, bro, e." reklamo ni Tommy kay Tyler habang nagpipintura sa dingding.
"Ako pa talaga?"
"Oo! Bakit? Hindi ba?"
"Oo! Ano suntukan na---"
"Pwede bang manahimik muna kayo kahit ngayon lang?! Nakaka-asar na kayo! Sa halip na gumawa na lang kayo diyan, e puro pa kayo sigawan. Hindi ba kayo nagsasawa?" saway sa kanila ni Lexy habang nakapameywang. Hindi sila naka-imik pero patuloy pa rin sila sa pagtitinginan ng masama. Sa sobrang inis ni Lexy ay nag-walk out siya na sinundan ni Kenneth. Bumalik 'yung dalawang kambal sa mga ginagawa nila na hindi nagpapansinan.
Napailing na lamang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Naturingan pa naman silang kambal pero ganyan ang turingan nila sa isa't isa. Minsan naglalambingan pero madalas, nag-aaway. Kung hindi lang sila magkapatid, baka napagkamalan ko na silang mag-syota.
Pagkatapos ng eksena nila ay pinagpatuloy na lang ulit namin kung anuman ang task na naka-assign sa'min. Kaming lima nila Kenneth, Tommy, Tyler at Lexy ang naka-assign sa pagpipintura ng walls habang sila Steve at Erick naman ay sa pagpipintura ng mga pinto at bintana. Malapit na ang pasukan pero hindi pa namin natatapos itong buong bahay kaya mainit ang mga ulo namin ngayon at dinagdagan pa ng mainit na temperatura dahil tag-init nga kasi ngayon.
Hindi rin nagtagal ay bumalik na rin sila Kenneth sa loob. Napatingin ako kay Lexy at halatang mainit ang ulo niya. Hindi ko siya masisisi dahil pati ako ay mainit na rin ang ulo. Sadyang hinahabaan ko na lang ang pasensya ko kahit na wala na itong ihahaba pa.
"Ang seryoso natin, ah," sabi ni Erick na ngayon ay nasa tabi ko na. Hindi ako nagsalita at nagconcentrate na lang ako sa ginagawa ko, "Ngumiti ka naman. Hindi bagay sa'yo ang busangot. Panget ka na nga, lalo ka pang pumapanget."
For the second time, hindi ko pa rin siya pinansin kahit na inaasar niya ako na kulang na lang ay kumuha siya ng makapal na diksunaryo at sabihin niya sa'kin lahat ng words na magpapaasar sa'kin kahit na hindi ako naaasar.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin siya sa pangangasar sa'kin kaya napangiti ako sa kaloob-looban ko dahil sa wakas, sumuko na rin siya.
Hininto ko ang pagpipintura ko at tumingin sa kanya na pinagsisisihan ko kung bakit ko pa ginawa. Tinignan ko siya ng masama saka ko kinuha 'yung paint brush ko at nilagyan ko rin ang mukha niya. Ngumiti siya sa'kin sabay lagay niya ng pintura sa noo ko kaya naman ginantihan ko nanaman siya. Tumawa ako ng malakas nang makita ko ang mukha niya. Buti nga sa kanya!
"Ang daya mo! Kamay lang ang gamit ko pero sa'yo makapal na paint brush. Humanda ka sa'kin!" sigaw niya kaya napatakbo tuloy ako nang 'di oras habang hinahabol niya ako. Napatigil ako sa pagtakbo at nilingon ko siya pero malas dahil pagkalingon ko ay sabay namang pagdapo ng dalawang niyang kamay na may pintura sa pisngi ko.
Tawa lang kami ng tawa pero agad din kaming napatigil nang mapansin namin na nakatingin silang lahat sa'min. Napayuko ako dahil sa kahihiyan habang sinisisi siya sa pagiging makulit niya at dinamay pa ako.
"Guys, alis muna tayo dahil nakakahiya sa kanilang dalawa," sabi ni Lexy at kahit nakayuko ako ay alam kong nakangiti siya ngayon sa'min. Siya raw kasi ang number 1 fan ng loveteam daw namin kahit hindi naman kami. "Hala! Bakit mo ako nilagyan ng pintura?!"
"Ang daldal mo!" rinig ko na sabi ni Kenneth kaya napaangat ang ulo ko at nakita silang naghahabulan habang naglalagayan ng pintura sa mukha na sinabayan nila Tyler, Tommy at Steve.
Nagulat ako nang biglang hilahin ni Erick 'yung kamay ko palapit sa kanila kaya sa huli ay naglaro na lamang kami ng habulan at kung sino ang mahuli ay lalagyan ng pintura sa mukha.
Lahat ng init ng ulo at stress na naramdaman namin kanina ay bigla na lamang nawala na parang bula at napalitan ng tawanan at harutan. Aaminin ko na ngayon lang ako nag-enjoy ng ganito at ngayon ko lang ulit naranasan na maging bata kahit panandalian lang.
***
"Mahilig ka palang tumugtog ng mga instruments?" tanong ko at masaya siyang tumango.
Kami na lang ang naiwan dito sa bahay niya dahil 'yung mga kasama namin ay nagsi-uwian na. Wala naman akong gagawin sa bahay kaya nagstay muna ako rito. Nandito kami sa kwarto niya at nagkalat ang iba't ibang instruments niya habang 'yung mga books niya ay nakalagay lang sa isang tabi at nagmistula siyang tower dahil sa dami.
"Gusto mo tugtugan kita?" tanong niya pero umiling ako. Baka kasi nagsisinungaling lang siya at mabasag pa ang eardrums ko, "Sige na, please?"
Napangiwi ako nang makita ko ang nagmamakaawa niyang mukha. Wala na akong nagawa kung hindi pumayag at baka masuka ako sa kaka-puppy eyes niya.
Masaya siyang pumunta sa keyboard niya at nagsimulang magpatugtog. Kung hindi ako nagkakamili ay Ode to Joy 'yun pero nagtaka ako nang bigla siyang tumigil. Hindi ko alam kung imagination ko lang 'yun pero nakita ko ang paglihis ng lungkot sa mga mata niya. Napansin niya yata na nakatitig ako sa kanya kaya binalik niya ang ngiti niya.
"Iba na lang ang papatugtugin ko," sabi niya saka niya kinuha 'yung gitara sa tabi niya, "Gusto mo kantahan kita?"
"Huwag na. Magstrum ka na lang. Mas gusto ko kasi na tanging sound lang ang maririnig ko," sabi ko sa kanya kaya ngumiti siya at nagpatugtog.
Pumikit ako at pinakinggan siya. Nakaramdam ako ng lungkot sa bawat strum ng string ng gitara niya kahit hindi ko alam kung ano 'yung pinapatugtog niya. Biglang bumigat ang dibdib ko habang tumatagal na parang may mensahe ito pero hindi ko alam kung ano 'yun. Noong matapos na siya ay minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatingin siya sa'kin ng seryoso. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga tingin niya at sumabay pa itong puso ko na kulang na lang ay lumabas sa dibdib ko. Kailangan ko na yatang magpacheck-up.
"Anong title ng pinatugtog mo?" tanong ko sa kanya para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin. Awkward is the right term for that.
"Vulnerable."
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."