Author's Note

47 2 0
                                    

Take note: Read my author's note or else, you'll die choss! Basta basahin niyo kung trip niyo. Pero tandaan, magsisi kayo kapag hindi niyo 'to binasa!

Puro facts ang laman nito about dito sa story.

So let's start with the plot!

1. Paano ko 'to naisip?
- Wala lang! Natripan lang! Pero seryoso, naisip ko lang kasi kung anong mangyayari kapag 'yong dalawang taong sobrang talino, e nag-meet. Magiging normal ba ang conversation nila or pang matalinong usapan? May isa kasi akong kaibigan na iniisip kung anong mangyayari sa kanila. At naisip ko, pareho lang naman tayong lahat na tao kahit medyo mataas pa ang capacity ng brain ng iba sa'tin, so anong pagkakaiba nila sa atin?  Atsaka kahit matalino ang iba sa'tin, pareho-pareho pa rin naman ang way ng pagsasalita o pag-uusap nila. Kaya nasulat ko 'tong story!

'Yong una talaga, wala akong balak gawin 'tong RomCom or whatsoever! Dapat nga, e about friendship ang story na 'to pero habang sinusulat ko 'to, napaisip ako doon sa dalawang main characters. At unang pumasok sa isip ko, Ngek! May chemistry sila!

2. Sino inspiration ko rito?
-Friends ko at siyempre, family!

Characters

1. Bakit ganoon ang ginawa kong personality sa mga characters ko?
- Simple lang, kasi ganoong personality ng tao ang gusto ko!

2. Saan ko kinuha si Erick?
- Sa Bermuda Triangle choss! Inisip ko lang siya at nagdaydream katulad na lang ng, paano kaya kung may isang taong matalino, gwapo, medyo nakakatakot ang aura, magaling kumanta, gentleman, mahilig sa surprise, iyakin, mahilig sa chicklits, at higit sa lahat, mabait ang makikilala ko? Isa lang ang sagot diyan, papakasalan ko choss!

Or in other words, ginawa ko siya kasi siya ang dream guy ko! Sana lang talaga, may ganyang tao ang nabubuhay sa mundong 'to!

2. E si Kimberly?
- Well, siya lang naman 'yong babae na inaasam-asam ko na sana ay maging ako.

3. Steve
- Naisip ko siya nang maalala ko no'ng nagkaroon kami ng mga kaibigan ko ng away o mas magandang sabihin na misunderstandings. Paano kung 'yong kaibigan mo ay may ginawa sa'yong hindi maganda? Papatawarin mo ba siya? Deserving ba siyang bigyan ng second chance? At para sa'kin, si Steve ang isang example ng kaibigan na deserving na bigyan ng second chance o patawarin.

4. Tyler and Tommy
- Dati ko na hinihiling na sana magkaroon ako ng friends na kambal. 'Yong tipong may isang baliw at may isang seryoso.

5. Lexy
- 'Yong ugali niya, e pinaghalu-halong ugali ng mga kaibigan ko. Akala ko panget ang outcome pero hindi naman pala.

6. Kenneth
- Gusto kong magkaroon ng boy friend at lahat ng ugali na gusto ko sa isang lalaking kaibigan ay nasa kanya na.

7. Greyson
- Medyo inspired siya sa pinakamatanda kong kuya.

8. Zeke
- Gusto ko kasing magkaroon ng kapatid na nakababata sa'kin-- kasi bunso ako, tapos ganyan ang ugali. Suplado pero matalino.

9. Derrick
- Singit lang siya sa story na 'to haha XD

To sum it all, 'yong mga personalities nilang lahat ay ang personalities na gusto kong kaibiganin or makilala. At dahil nangangarap ako na sana makakilala ako ng ganyang tao, dinaan ko na lang sa pagsusulat ng story. Para kahit papaano, parang buhay na rin sila sa isip ko.

Place

School: Kahit anong private school
Kim's House: Quezon City
Erick's House:  Quezon City

Kung may mga tanong pa po kayo, i-comment niyo na lang po rito sa chapter na 'to at willing po akong sagutin lahat 'yon.

Bitin ba 'tong story? Hindi ko na kailangan ng sagot dahil alam kong oo ang sagot. At sinadya ko 'yan!

May book 2 kasi 'to entitled as "Mr. Always Right."

I hope na susuportahan niyo pa rin 'yong pangalawang book katulad ng pagsuporta niyo rito.

Salamat!

-Janel <3

P. S Hindi pa tapos 'yong book 2 at HIATUS siya.

P. S. S Please read my other on going stories like The Laws of Love. Nandoon si Zeke na kapatid ni Kim at doon niyo rin malalaman kung sino ang ka-love team niya. Pero medyo extra lang siya doon dahil separated ang story niya. The Absolute Value ang title. Intro pa lang napo-post ko.

P. S. S Sa book 2, 'di na extra si Derrick, promise!

Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon