Chapter 2

103 5 0
                                    

Kimberly's POV

"Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Ang ganda pa naman niya."

"Ganyan yata lahat ng matatalino. Puro kasi pag-aaral ang inaatupag kaya laging seryoso."

"Lagi ko siyang nakikita sa library na nagbabasa ng makakapal na libro. Kapag nasa cafeteria naman siya, puro libro rin ang hawak niya. Wala tuloy nagtatangkang lumapit sa kanya kasi baka raw maistorbo nila."

"Talaga? Makakapal na libro? Kapag ako nga makakita lang ng makapal na libro, hinihimatay na ako."

"Hindi ka kasi matalino."

Diretso lang ang paglalakad ko papunta sa office ni Mrs. Bugarso na parang wala akong naririnig. Sanay na ako sa kanila atsaka hindi naman importante ang mga pinagsasasabi nila. Nagtataka nga ako kung bakit mas inuuna pa nilang pag-usapan ang ibang tao na hindi naman makakatulong sa pag-aaral nila kaysa gumawa ng importanteng bagay.

Pagkapasok ko ng office, biglang nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Rhina na kinakausap ni Mrs. Bugarso. Tumango lang ito sa kanya saka ito pumunta sa direksyon ko na nakayuko.

"Excuse me," sabi niya kaya naman tumabi ako sa daanan at dire-diretso siyang lumabas na sinundan naman ng mga mata ko. Hawak-hawak niya ang kaliwa niyang braso at napansin ko na may malaki siyang pasa roon.

"Ms. Hernandez," napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Mrs. Bugarso na nakangiti sa'kin.

"Kamusta? Anong sabi ni Mr. Mon--"

"Hindi na raw po siya papasok," sabi ko na dahilan ng pagkawala ng mga ngiti niya.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Walang kumikibo sa amin kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at napagdesisyunan ko nang umalis pero bago ako makalabas sa pintuan ay bigla siyang nagsalita na nagpahinto sa'kin, "Pwede bang kausapin mo siya ulit?"

***

"Bakit ba kasi ako pumayag?" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang maliit na bahay sa harap ko.

Huminga ako ng malalim saka ako kumatok pero katulad kahapon, wala pa ring taong nagbubukas ng pinto. Saan nanaman kaya pumunta 'yun?

"Wala pa pong tao diyan."

Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaking moreno at nakasalamin na sa tingin ko ay mga nasa 18 years old pataas.

"Nasaan po siya?"

"Nagtatrabaho siya ng mga ganitong oras sa fastfood malapit dito," sabi niya na dahilan para kumunot nanaman ang noo ko. Nagtatrabaho siya?

"Tara samahan na kita," alok niya pero tinignan ko lang siya na may halong pagdududa. Hindi kasi ako sumasama sa mga taong hindi ko kilala. Mahirap na at baka sa iba niya ako dalhin.

Napansin naman niya na wala akong balak sumama sa kanya kaya napakamot na lamang siya sa batok niya saka tumingin ulit sa'kin. Ngumiti siya saka niya nilahad ang kamay niya na ipinagtaka ko, "Ako nga pala si Gerald Galen, pero pwede mo naman akong tawaging Gerry. Kilala ko si Erick. Mabait ako at wala akong balak na dalhin ka sa kahit saan kaya huwag kang matakot sa'kin. Masyado akong gwapo para maging kidnapper."

Tinitigan ko ang mukha niya at sinigurado kung totoo nga ang sinasabi niya. May itsura naman siya pero masyadong mataas ang confidence niya na sabihan ang sarili niyang gwapo pero mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kahit mahangin siya. Kinuha ko ang kamay niya saka ako nakipagshake-hands.

"Kimberly," sabi ko saka ako bumitaw.

Ngumiti nanaman siya sa'kin at nagsimula na siyang maglakad na sinundan ko naman.

***

"Nasaan siya?" tanong ko habang nililibot ko ang mga mata ko sa loob ng isang fastfood na pinuntahan na rin namin kahapon.

"Nandoon siya sa isang table. 'Yung sumasayaw sa harap ng bata na may kasamang matandang babae," sabi nitong katabi ko habang may nginunguso na sinundan ko naman ng tingin.

Napakunot ang noo ko nung makita ko ang isang penguin na costume na sumasayaw habang pinagtatawanan ng ibang customers. Tinignan ko si Gerry pero doon din siya nakatingin. Don't tell me--

"Si Erick nga 'yang penguin na 'yan. Naaawa nga ako sa kanya kasi ang hirap ng trabaho niya kaya minsan hindi na siya nakakapasok sa school niya. Tapos niloloko pa siya ng mga kaibigan niya-- o Kim saan ka pupunta? Kim! Akala ko ba kakausapin mo siya?"

Hindi na ako lumingon kay Gerry kahit tinatawag niya ako. Dire-diretso lang akong tumatakbo papunta sa school kung saan nag-aaral 'yung mga walang kwenta niyang kaibigan. Paano nila nagawa sa kanya 'to? At bakit ang tanga niya? Pinaghihirapan niya 'yung pera niya pero binibigay naman niya sa iba? Tsk.

Noong makapunta ako sa school nang mga 'yun ay napansin kong hindi pa sila naglalabasan. Iba kasi ang dismissal ng klase nila compare sa amin na mas maaga. Sigurado rin ako na dito sila nag-aaral dahil nakita ko 'yung uniform nila na kaparehas sa uniform ng mga nag-aaral dito.

Lumipas ang ilang minuto at nakita kong binuksan na nung guard 'yung main gate ng school. Hindi nagtagal ay nakita ko silang lumalabas ng gate. Ang kakapal din ng mga mukha nilang magtawanan at kumain ng masarap na pagkain habang may isang nagpapakapagod na magtrabaho para sa luho nila.

Tumakbo ako palapit sa kanila saka ko sila hinarangan. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang tignan nila ako ng masama. Tinignan ko rin sila ng masama na ipinagtaka nila.

"Miss, huwag ka ngang haharang-harang sa daanan namin---teka, 'di ba ikaw 'yung kaklase ni Erick? Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong nung isang kambal na nagtanong ng pangalan ko kahapon. Sa halip na sagutin ko siya ay sigaw ang natanggap nila sa'kin na kinagulat nila.

"Mga wala kayong kwentang kaibigan! Paano niyo nagagawa sa kanya 'to? Alam kong niloloko niyo lang siya at hindi kayo totoong kaibigan na tanging pera lang ang habol niyo sa kanya pero hindi ba kayo naaawa sa kanya? Pinaghihirapan niya 'yung perang binibigay niya sa inyo na pinambibili niyo naman ng mga luho niyo. School projects? Tss. Kailan pa nagkaroon ng school project na worth 5,000? Sinong niloko niyo? Atsaka kung tunay nga kayong kaibigan, bakit hindi niyo siya pagsabihan na pumasok sa school? Ang unfair naman no'n kung kayo nakakapasok sa school habang siya ay nagtatrabaho. Pwede ba kahit minsan lang, makaramdam din kayo hindi puro sarili niyo lang ang iniisip niyo? Na kahit minsan lang, ituring niyo siyang kaibigan kasi siya, hindi lang kaibigan ang turing niya sa inyo kung hindi isang pamilya. Sana naman maging ganoon din kayo sa kanya."

Huminga ako ng malalim dahil hindi ako nakahinga noong sabihin ko iyon sa kanila. Tinignan ko sila at nakita ko sa ekspresyon ng mukha nila ang pagkagulat. Hindi ba nila ine-expect na kaya ko 'yun sabihin sa kanila na walang pag-aalinlangan?

Naramdaman ko na may tumulong butil ng tubig sa pisngi ko kaya naman pinunasan ko 'yun pero nagulat ako nang mapagtanto ko na sa mata ko 'yun nanggaling. B-Bakit ako umiiyak?

Tumingin ako sa paligid at doon ko lang rin napansin na ang dami pa lang nanonood sa amin. Napatakip na lamang ako sa mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. Bakit ko nga ba dinala ang sarili ko sa sitwasyong ito? Hindi ko ine-expect na magagawa ko ito nang dahil lang sa taong nagtatanga-tangahan?

Dahil ayoko na ng masyadong maraming atensyon na pinupukaw sa akin ng mga taong ito, tumalikod na ako sa kanila saka ako tumakbo ng mabilis pero agad rin akong napatigil nang maramdaman ko na may humawak sa wrist ko. Nilingon ko siya at nagulat ako nang ilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at sa biglaan niyang pagyakap sa akin.

"Thank you."

Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon