Chapter 3
Kimberly's POV
Lumipas na ang ilang minuto pero nasa ganoon pa rin kaming posisyon. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko na parang nakakita ako ng multo pero mas malala pa 'to sa multo. Isa itong halimaw na basta-basta na lang mangyayakap na wala man lang permiso. Sa sobrang higpit ng yakap niya, e nahihirapan na akong makahinga pati ang mga kamay ko ay hindi ko na magawang maigalaw. Ano ba kasing problema ng lalaking ito?
Huminga ako ng malalim at hinanda ko na rin ang mga kamay ko para itulak siya pero napatigil ako nang marinig ko siyang humihikbi. Teka, umiiyak siya? At ako pa talaga ang ginawa niyang panyo!
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na rin ang pagluwag ng mga kamay niya sa pagkakayakap sa'kin. Lumayo siya ng ilang sentimetro habang nakayuko at nagpupunas ng luha. Kunot noo ko siyang tinignan saka ako nagsalita, "Bakla ka ba?"
Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya kaya naman pinigilan kong hindi matawa dahil baka ma-offend siya. Pero kung gaano naman ako nagpipigil sa pagtawa ay 'yun naman ang hindi niya napigilan.
"Hahaha!"
Nagkasalubong ang mga kilay ko nang dahil sa pagtawa niya. Don't tell me na totoo ang sinabi ko? Nakakatakot pa naman ang aura niya tapos malalaman ko na lang na bading pala siya. Sa kasalukuyan talaga ngayon, nakakalinlang na ang itsura ng tao sa totoong kasarian nito.
"Hindi ako bading, okay? Paano mo naman nasabi na bading ako?" tanong niya na medyo natatawa-tawa pa rin.
Magsasalita pa sana ako nang bigla nanaman siyang magsalita, "Hindi porket umiiyak ang isang lalaki, e bakla na. Lahat ng tao ay may karapatang umiyak kahit lalaki ka pa. Sa luha lang kasi nila nailalabas ang matindi nilang emosyon katulad niyong mga babae. Atsaka hindi ka tao kung hindi ka pa umiiyak."
Napa-ahh na lang ako sa paliwanag niya dahil may punto naman siya. At ibig sabihin no'n na hindi siya bakla. Buti naman.
Buti naman? Saan naman galing 'yun?
Pero paano nanaman niya nalaman na 'yun ang itatanong ko sa kanya? Kahapon pa 'to, e. Nakakapagbasa ba siya ng---
"Yes, I can read your thoughts," sabi niya sa akin habang nakangiti.
Nagkasalubong nanaman ang mga kilay ko sa sinabi niya kaya naman tinignan ko ng maigi ang mukha niya kung may bakas ba doon ng kasinungalingan o kung niloloko niya ba ako pero bakit parang totoo?
Napaatras ako ng ilang hakbang palayo sa kanya. Don't tell me na alien siya?
"Alien ka ba?"
"Pick up line ba 'yan?"
"Hindi ako nagbibiro, Mr. Montereal kaya sumagot ka ng maayos," saway ko sa kanya na dahilan para tumawa na naman siya. Baka naman baliw siya?
Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako. "Subukan mong lumapit sa'kin at baka mamaya, e maglabas ka diyan ng wand at patayin mo ako!"
"Wand? Ano ako, magician?" tanong niya habang pinipigilan niya ang tawa niya.
"Pwede rin pero pwedeng wizard ka? O sorcerer? An empath? Basta! Huwag na huwag kang lalapit sa'kin!" my goodness gracious! Natatakot na talaga ako sa kanya!
Napansin ko naman na natatawa na talaga siya sa akin na lalong nagpakaba sa nararamdaman ko. So totoo nga?
"Hindi ko alam na ganyan pala kalawak ang imahinasyon mo." Huminga siya ng malalim bago niya dinuktungan 'yung sinasabi niya. "First of all, hindi ako alien, wizard, empath o anumang iniisip mo. I'm just a normal human being katulad mo."
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."