Kimberly's POV
"Pagpasensyahan mo na si papa. Ganoon lang talaga 'yun," sabi ko habang inaayos ko 'yung kamang hihigaan niya. Minsan na lang kasing may bumisita dito sa bahay kaya hindi na rin masyadong nagagamit itong guest room. Akala ko nga, ginawa na ni mama itong tambakan ng lumang gamit namin.
"Okay lang! Ang cool nga niya, e," natatawang sabi niya habang iniikot 'yung buong guest room, "Ang ganda namang guest room 'to."
Ewan ko kung compliment ba 'yun o lait dahil lahat yata ng pinapatulog naming bisita dito, e laging sinasabing "Makakatulog kaya kami rito?" o kaya naman "Mapag-tiyatiyagaan na rin." Bukod kasi sa sira 'yung aircon at mainit na temperatura nitong room, e sira-sira rin 'yung ceiling tapos kulay black pa 'yung dingding. Hindi na nga ako magtataka kung isang araw ay makakita ako rito ng multo.
"Totoo 'yung sinabi ko na maganda talaga siya. Parang hunted room at ngayon lang ako makakatulog na napapaligiran ng mga multo. Cool right?" tanong niya na nagpataas sa mga balahibo ko. Ibig sabihin totoong may multo rito? "Joke lang!" dugtong niya na nagpaluwag sa hininga ko. Gusto ko sana siyang sapakin kaya lang inaatok na ako. Ang galing kasing makapantakot, e.
"Sige, matutulog na ako. Sabihin mo na lang sa'kin kapag may kailangan ka. Andyan lang ako sa may tabing kwarto," sabi ko pagkatapos kong ayusin 'yung higaan niya.
"Sige. Salamat na rin," sabi niya at lalabas na sana ako nang tawagin niya ako. Tinanong ko kung bakit pero may tinuro lang siya sa tabi ko na nagpakunot sa noo ko. "May katabi kang bata. Babae at maikli ang buhok. Nakahawak siya ngayon sa braso m---"
"Gusto mo bang mapalayas sa pamamahay ko?!" pagbabanta ko sa kanya na tinawanan lang niya, "Seryoso ako, Mr. Montereal kaya kung ayaw mong tumigil sa pananakot sa'kin, sa kalsada ka matutulog."
"OonahindinapoMrsMontereal." sabi niya pero hindi ko naintindihan kasi ang hina.
"Pakiulit nga 'yung sinabi mo?" pangungulit ko dahil may something kasi sa sinabi niya at hindi ko alam kung ano 'yun.
"Alin 'yung 'oo na, hindi na po'?" 'yun lang ba sinabi niya? "Yun lang sinabi ko."
"Sigurado ka?"
"Oo nga."
"Okay. Matutulog na ako. Patayin mo 'yung ilaw bago ka matulog. Sayang sa kuryente."
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa room ko pero bago ako makapasok ay narinig ko 'yung sinabi niya.
"Wala na akong magagawa kung bingi ka."
***
Ano 'yun?
Tinignan ko 'yung orasan at nagulat ako ng makita kong alas-otso na kaya naman dali-dali akong pumunta sa banyo. Noong nasa kalagitnaan ako ng pagsesepilyo ay bigla ko na lang nahampas ang sarili kong ulo nang maalala ko na bakasyon nga pala. Nakalimutan ko!
Pagkatapos kong magtoothbrush ay nagpalit na rin ako ng damit dahil nakapantulog ako saka ako bumaba sa hagdan para pumunta sa kusina at kumain.
"Anata wa watashi no imōto ni tsuite nani ga sukideshita ka? Kanojo wa mada utsukushiku, kibishi-sade wa nakatta. Mata kare wa sekushīdesu. Anata wa sono don'yoku o gozonjideshita ka? Sokode kanojo wa buta o okonatte iru."
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig nanaman ako ng mga alien na usapan. Naglakad ako papunta sa sala at nagulat ako nang makita kong masayang nag-uusap sila Erick at Zeke habang gumagamit ng iba't ibang lengguwahe na hindi ko naman maintindihan. Sila pala ang dahilan kaya ako nagising nang wala sa oras! Pero teka, close na agad sila?
"Te inai subete no obujekuto ga sono riyū o motte iru hitsuyō ga arimasu. Karera ga yoi ka warui kada inainode, anata dake no, dareka o aishite pointo ga fuzoku shite imasu. Anata dake no karera ga aru hōhō o aisuru."
BINABASA MO ANG
Mr. Perfectly Fine *COMPLETED*
Random"Love is an imperfect affection that you will feel to someone with perfectly imperfect personality."