Kung iyo, iyo talaga.
Pero minsan, kahit ‘di para sa’yo, basta’t pinaglalaban mo, pwedeng magiging iyo rin ‘yun. Pwede lang. Walang assurance. No—Let me scratch that. Ang iyo, iyo talaga. Wala ng kontra pa. It’s a matter of winning—and winning only. There’s no room for mistakes and losers. Well, maybe just for one. Para lang sa mga winners ang crown, ang title, at ang popularity.
Dito sa Treston School for the Arts, popularity ang pinaglalabanan. Wala ngang basehan masyado dito sa grades eh. More on sa awards na na-receive mo. May basic subjects kami, pero parang additional lang ‘yung mga ‘yun sa amin eh. Kung sa ibang school additional lang nila ang arts, well, sa amin, kabaligtaran. Kaya nga kami school of the arts, ‘di ba? Parang mas okay nga siguro kung walang basic subjects eh pero kailangan ‘yun ng isang school para ma-credit ng Education Department at payagan silang mag-enrol ng mga estudyante. Pero kahit ganun man, focus talaga ang Treston sa Arts. Kaya nga school for the arts kami, ‘di ba?
Ulit-ulit?
Anyways, masaya sa Treston kapag baguhan ka pa lang. Bakit? Kasi tanggap ka pa ng school na ‘to. Wala ka pa kasing sasalihang kung ano-ano kapag first year ka pa lang. Self-discovery ang freshmen days. At taga-panuod ka lang sa mga contests na ginaganap sa school. Pero once na sumali ka na sa mga contests, better make sure na mananalo ka or kayo. Gulo na kasi ‘yang pinasok mo or niyo eh. Kapag natalo ka, magiging outcast ka. Kailangan mong manalo ulit for your reputation is already scarred. May bahid na ‘yan nang pagkatalo. Kaya nga as much as possible, kailangan panalo ka. Palagi.
Kapag tatlong beses ka ng natalo, then say good bye to Treston. They will immediately kick you out of the school premises. Pero kung ayaw mo mawalan ng dignidad, kapag natalo ka na, umalis ka na agad-agad.
Most of the cases are like that. Umaalis sila dahil sa hiya, dahil natalo sila. Well, I think that’s better than letting the school administration kick you out. Mas nakakahiya ‘yun.
Weird na kung weird but for 15 years, ‘yan na ang patakaran ng Treston. And, happily, they produce the best, greatest, and biggest superstars in the whole wide world. No—Universe pa nga yata. Kahit anong type pa ng art ‘yan, Treston is the best school. I think bestest describe Treston better.
Well, kung wala ‘yung word na bestest sa dictionary niyo, pwes, ilagay niyo na. Because Treston is the perfect epitome for that word.
Kaya nga dito ako nag-aral eh. ‘Di naman ‘yung kasikatan ‘yung habol ko eh kundi ‘yung learning at para ma-enhance ‘yung talent ko.
Matagal ko ng pinangarap ang pag-aaral sa school na ‘to. Kaya nga naging student staff ako eh para lang makapag-aral dito. That’s the deal in the scholarship. I usually clean bathrooms and other lounges. Kahit 'yung swimming pool nga, nililinis ko just to maintain my scholarship here in Treston. Ganon ko kagustong mag-aral dito. Kahit na ayaw nang parents ko na gawin ko 'yun, ginagawa ko pa rin. Gusto ko kasi silang tulungan sa gastusin eh. Masyado kasing mahal ‘yung tuition fee dito eh. Mga kulang-kulang P300, 000 lang naman per sem.
See?
I really love music and I want to be one of the best artists someday. Sana. Pero ayos lang kung hindi. Basta mahasa ko ‘yung talent ko at ma-share ko ‘yun sa ibang tao, masaya na ako. ‘Yan lang ang gusto ko. Simple lang naman akong tao. Though, Treston really did change me.
Tingnan niyo nga, pa-English-English na ako. No—Pa-Taglish-Taglish. Nahawa na kasi ako sa mga conyo kong classmates eh. Though bawal silang kausapin.
Divided sa apat na ministries ang Treston. ‘Di ko alam kung bakit ‘ministries’ ‘yung tawag nila. Pwede namang iba, ‘di ba? Pero ano bang magagawa ko eh ‘yun ‘yung gusto nila.
BINABASA MO ANG
Treston School for the Arts [Hiatus]
Teen Fiction[Revised | Tagalog] This is a school for the arts. You can sing. You can dance. You can act. You can paint. You can film. You can perform anything related to arts. But you can never make friends with anyone, except those who belong in your clan. If...