I'm craving for comments so mag-comment naman sana kayo. Please? :(
--
“Angeles!”
Nagdadalawang-isip pa ako kung lilingon ba ako o hindi? Baka kasi nakita ako nitong mokong na ‘to na nakikipag-usap kanina. ‘Mokong’ kasi base sa boses niya, lalaki siya.
Hindi matinag ‘yung pagkabog ng puso ko. Talo ko pa yata ‘yung taong inlababo eh. Sana naman ‘di siya taga-school admin o teacher ko nung first year pa lang ako. Surname ba naman kasi ‘yung tawag sa’yo, ‘di ba? Sila lang naman ‘yung nakakaalam nun eh, except na lang na tinandaan ng kung sino man kanina ‘yung surname ko nung tinawag ako nung audition. Wait—baka naman si yabang ‘to?
Sana naman hindi siya. Anak pa naman siya ng may-ari nitong school na ‘to. I’m sure na nanggalaiti siya sa akin kasi sinagot-sagot ko siya kanina. Ang dali-dali pa naman para sa kaniya na ipatanggal ako.
“Hoy, Angeles!”
Halos ‘di na matigil ‘yung ngatog ng tuhod ko. Baka nga matanggal na ‘yung hinge dun eh. Don’t take it too literally please.
I just closed my eyes when I heard the guy walking towards my direction. Kapag kinakabahan ka talaga o kapag takot ka, ang lakas-lakas ng senses mo.
O baka sa akin lang applicable ‘yun.
Muntik na akong mahimatay nung hinawakan niya ‘yung balikat ko tapos iniharap ako sa kaniya. I just closed my eyes very, very tight. Natatakot ako kasi baka si yabang nga ‘to though… it doesn’t sound like his voice.
“Anong joke ‘yan, Iryz?”
I let out a huge sigh. What a relief. Gosh. “Jason! Ikaw lang pala ‘yan!” sigaw ko. Halos maubusan na siguro ako ng boses sa pagkakasigaw. Sana naman walang makarinig sa amin though pwede naman kaming mag-usap eh.
“Sino bang akala mo? Are you dating someone?” he teased.
I just gave me my seriously look. Alam niya naman na hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko na makipag-date ng hindi nila nalalaman.
Pero may nakita kaya ‘tong si Jason? Kung meron man, ‘di naman siguro siya magsusumbong siguro. Mawawalan siya ng partner kapag nagsumbong siya.
“Sino pa ba kasing tatawag sa’yong iba eh ako lang naman nakakakilala sa’yo dito. Or else.” Then he gave his intriguing look. Nako, ito talagang si Jason, ang hilig mang-intriga. Medyo daig niya na nga si Tito Boy ng The Buzz eh.
Pero may point siya, wala namang ibang nakakakilala sa akin dito eh except siya… at si Ace.
“What, Jason,” poker face kong sabi sa kaniya. “’Di ba kapag auditions, surname ‘yung ginagamit?” I asked him though I sounded that that fact is already obvious. “Tsaka bakit ba surname ‘yung tawag mo sa akin? Ang ganda-ganda ng first name ko eh.” I flipped my hair.
“Alam ko namang maganda ka eh.” I looked at him, puzzled. “I mean, maganda ‘yung pangalan mo.” I slowly nodded, pero tinawag niya akong maganda ah. First time ‘yun. Madalas kasi inaasar niya ako na pangit ako (kahit na alam ko namang maganda ako) at oily daw ako at bagay daw sa aking maging maid. Inis nga eh pero kailangan kong tiisin kasi ‘di ako pwedeng mawalan ng partner.
“Tsaka,” pagputol niya pagbibigay ko sa kaniya ng malicious look. “Masama ka na bang tawaging Angeles ngayon?”
“Hindi, pero alam mo naman kasi ‘yung ‘first’ name ko, ‘di ba?” I air-quoted the word ‘first’ para lang ma-emphasize. ‘Yun naman kasi ‘yung palagi niyang tawag sa akin eh. Ngayon lang talaga nag-iba.
BINABASA MO ANG
Treston School for the Arts [Hiatus]
Teen Fiction[Revised | Tagalog] This is a school for the arts. You can sing. You can dance. You can act. You can paint. You can film. You can perform anything related to arts. But you can never make friends with anyone, except those who belong in your clan. If...