IX

238 8 2
                                    

Song Title: Lego House

Artist: Ed Sheeran

Listen to it while reading. Enjoy! -->

--

“Talagang alam mo kung sa’n ako hahanapin a,” biro ko.

Mukhang kinagat niya naman ‘yun kasi ngumiti siya sa akin. Pero nagwawala pa rin ‘yung t’yan ko sa kaba. Hindi ko alam kung nakita niya ba kami o hindi. Kung tatanungin ko naman, baka mas lalo niya pa akong mabuko.

“Naisip ko lang kasi na dito na lang maghintay kasi dito kita nakita nung isang araw e. Tsaka ko lang na-realize na ang ganda pala sa lugar na ‘to.” Umupo siya sa tabi ko, tumingin sa magandang tanawin sa harapan namin. “Dito, parang makakalimutan mo lahat ng bawal sa Treston. Dito, pakiramdam mo na Malaya kayo kahit hindi naman talaga.”

Napalunok ako sa sinabi niya. Siguro nga may makita siya. O, best case scenario, may gusto rin siyang dahilhin dito. Sana ‘yung pangalawa na lang ‘yung totoo.

Nagpalitan muna kami ng buntong-hininga habang hinihintay ‘yung simula ng shift namin. Nakakapanibago kasi hindi siya masyadong nagsasalita ngayon. Sana pwede kong buksan ‘yung utak niya para mabasa ko ‘yung iniisip niya ngayon. Kinakabahan kasi ako sa kung ano mang nakita nita. Alam ko, kaibigan ko si Jason, pero nilabag ko ‘yung pinakabatas ng Treston. Kahit na mabait man siya sa akin, malaki pa rin ang tendency na isumbong niya ako. Kung hindi, baka pati siya madamay rin kasi may alam siya.

Maya-maya, bigla siyang tumayo.

“Tara na.”

“Oh, bakit nakabusangol ka?” puna ni Kuya Yuri pagkasakay ko sa kotse niya.

“Pagod lang, Kuya,” walang gana kong sagot.

Tumango-tango lang siya at pinaandar na ‘yung kotse niya. Pinikit ko ‘yung mata ko at sinubukang matulog habang nagbi-biyahe pero hindi ko magawa. Masyadong occupied ‘yung utak ko ng mga bagay-bagay dahil sa pinaggagagawa ko. Kung iwasan ko na lang kaya si Ace para maging payapa na ‘yung buhay ko? Kahit na ang kapalit man non ay kasiyahan ko… Siguro nga mas tama ‘yun. Unang-una pa lang, bakit ko nga ba kasi pinipilit na kaibiganin si Ace kung pagsuway naman ‘yun sa batas ng Treston? Oo, masaya siyang kasama. Kaso magiging masaya ba ako kapag nawala na sa akin ‘yung pangarap ko? Ginusto kong makapasok doon. Dapat sundin ko ang tama para magtagal ako, para makapagtapos ako, para makuha ko kung ano ‘yung pangarap ko.

Sana tumahimik na lang muna si Jason sa kung ano mang nakita niya. Ako na ang kusang susuko para matigil na ang lahat ng ‘to.

Napabalikwas ako nung biglang pumasok si Mommy sa kwarto ko. Nakakabigla kasi ‘di man lang siya nagatubiling kumatok.

“May problema ba, ‘nak?” tanong niya pagkaupo sa may gilid ng kama ko.

Bumuntong hininga ako. “Wala, M’iy. Nas-stress lang po ako sa school.”

Ngayon, siya naman ang bumuntong hininga. “Alam mo anak, kung napapagod ka na sa routine mo sa school, pwede mo namang isuko na ‘yung scholarship mo e.”

“Pero ayoko po kayong mahirapan sa tuition ko.”

Ngumiti siya’t lumapit sa akin lalo. Inakbayan niya ako’t inilagay ‘yung ulo ko sa balikat niya. Minasahe ‘yung buhok gamit ‘yung kamay niya.

“‘Wag mo nang problemahin pa ‘yung pera na ‘yan, ‘nak,” malumanay niyang sabi. “Ikaw na lang naman ‘tong pinapag-aral namin e. Ang kuya mo, graduate na at may sarili ng pera dahil sa trabaho niya. ‘Yung pag-aaral mo ngayong college ang huling bagay na pwede naming gawin sa’yo.”

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon