XIV

117 6 0
                                    

"I'm sorry," he mumbled after pulling away.

"I-It's okay," I said with a smile.

It was a quick kiss. Pero parang ang tagal rin nun kasi tumigil talaga yung mundo. Totoo pala talaga yun, ano? Yung feeling na bigla-bigla na lang titigil yung mundo mo at siya lang yung mananatiling tao sa paligid mo kapag nakaramdam ng something special.

After we kissed, di na namin alam kung anong sasabihin. After a sweet moment, awkward moment naman. What do people usually say after kissing besides I'm sorry and It's okay? I'm not so good with small talks but I usually come up with things to talk abotu pero ngayon napipipe lang ako. Kahit si Ace, di makatingin sa akin.

Pasalamat na lang ako at tumawag si Jason maya-maya. I excused myself at lumabas muna ng music room. Buti na lang at wala ng tao sa school.

"Yep?"

"Nasan ka na?"

He sounds so serious. Napakunot ako ng noo. Knowing Jason, di naman siya seryoso. I mean, most of the time, masaya siya. Lalo na kapag kausapt niya ako. Lagi niya pa nga akong inaalaska e. Pero yung pangaalaska niya naman e mas okay kaysa sa ginagawa sa akin ni Adrian.

I was about to tell him na pauwi na ako nang bigla kong maalala kung bakit siya tumawag sa akin. "Shit! Shit! Shit!" paulit-ulit kong sabi. May trabaho nga pala ako gab-gabi! At anong oras na? Tapos na dapat yung shift ko ngayon! "Papunta na ako, wait lang!"

Binaba ko na agad yung phone kahit na may sasabihin pa sana siya. Alam ko namang sesermonan niya lang ako e so better not waste time and start running.

Pumasok muna ako sa loob ng music room at dali-daling kinuha yung bag ko. Medyo nahirapan ako kasi pinong-puno nga pala yun ng pagkain. Nilagyan pa yun ni Adrian kanina ng Fit N' Right para daw mailabas ko yun yung mga kinain ko. Loko-loko talaga.

Palabas na sana ako nang bigla akong hinarang ni Ace. Shit. Nandito nga pala siya. I want to talk to him... but I don't have time!

"Anong meron?" kunot-noo niyang tanong.

"Late na ako sa shift ko!" I said in my most frustrated manner para kapani-paniwala. I somehow regressed. Feeling ko mukha akong tanga sa mga mata niya.

"Una na ako ha?" I tapped him on the shoulders at dali-daling nang lumbas sa music room. Tinakbo ko na galing sa building namin papunta sa Freshmen.

May sinabi pa siya e pero di ko na narinig. Kailangan na kailangan ko nang magmadali. I hope Jason covered up for me.

Hingal na hingal ako pagkarating ko sa Freshmen. Akala ko kailangan ko pang akyatin yung third floor pero nakita ko na sa may lobby si Jason. Shit. Patay talaga ako ngayon.

"I'm really, really, really, really sorry," sambit ko pagkalapit ko sa kaniya.

Nangingilid na yung mga luha sa mata ko. I don't want to cry in front of Jason, mamaya asarin pa ako niyan e. But... I'm scared. I don't want to lose this scholarship. Ayokong maging burden sa pamilya ko. Nakakahinga naman kami ng maluwang na ngayon dahil graduate na si kuya sa college. Kaso... kahit na. Gusto kong tulungan yung mga magulang ko lalo na't walang grades-grades na ipagmamalaki sa school namin. It's all about winning. And I'm not so sure if I can even notch a battle. (Pessimist ako, yes.)

Umupo ako sa tabi niya sinubsob yung mukha ko sa tuhod. I'm definitely going to break down right now...

Tinapik-tapik niya yung balikat ko. "Everything's fine, Iryz. Sinalo ko lahat ng trabaho." Shit. Gusto niya ba akong konsensyahin? Nakakairita ha. Naiiyak na nga ako dito, pinapaiyak niya pa ako lalo. Kung may lakas lang ako at kung wala akong utang na loob, baka siniko ko na siya kanina pa. "Pasalamat ka na lang at di dumaan yung supervisor."

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon