VIII

242 10 5
                                    

Song title: Make You Feel My Love

Artist: Adele

Play the song while reading. -->

--

“I’m sorry because I was out yesterday,” simula ng professor namin sa Music class.

Yes, wala siya kahapon for no apparent reason. Nakatunganga nga lang kami dun sa loob ng room eh kakahintay sa kaniya but she never came. Kaya si Adrian tuloy eh nagkaroon ng panahon na bwisitin ako.

“I was in a meeting with the administrator of Treston for their plans for the Final Battle.” Gasped filled the room. “Yes, I know it’s too early, but the admin wants to plan things ahead of time. Marami kasi silang gustong mangyari sa Final Battle and hopefully, sana matupad naman lahat para ‘di masayang ‘yung mga plano namin.”

Nagtititnginan ‘yung mga kaklase ko. Kahit kaming dalawa ni Ace. Halos isang taon pa bago ‘yung Final Battle pero ang aga-aga nila kung magplano. Siguro marami silang gagawin sa Final Battle. Bigla tuloy akong kinabahan. Aabot kaya ako don?

“Anyway, ito ‘yung first day niyo sa music class, ‘di ba?”

Tumango kaming lahat.

“So dapat kayong mabingyagan.”

Nanlaki ‘yung mata ko. I guess, pati sa mga kaklase ko rin. May mga nagbulungan sa bandang likuran. May isang naglakas loob na magreklamo at magsabing: “Ma’am, hindi pa kami handa!” Tinawanan lang kami ni Ma’am at sinabihan na dapat daw palagi kaming handa. Music students daw kami kaya dapat may kanta kaming nakahanda sa isip namin.

Siniko ako ni Ace at binulungan na “Kaya nating ‘to.” Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumakit ‘yung tiyan ko. Dahil siguro sa kaba… O baka dahil sa sinabi niya.

“Let’s start with…”

Tumingin si Ma’am sa class lists. Ang laaks na ng kabog ng puso ko, hinihiling na sana ‘wag muna ako.

“Ms. Angeles.”

Shoot. Ma’am naman! Ang dami-daming tao dito sa room! Ang dami-daming nakalagay na pangalan d’yan sa listahan! Bakit ako kaagad? Pwedeng pass muna?

Nakatitig lang sa akin si Ace kaya mas lalo akong kinabahan. ‘Yung mga kaklase ko naglilingunan, hinahanap kung sino ba si Angeles.

“Ms. Angeles?” ulit ni Ma’am.

Tumayo na ako. Kahit na hinang-hina ‘yung tuhod ko at anytime, baka bumagsak na lang ako dahil sa kaba at nginig ng kasu-kasuan, naglakas loob akong naglakad papunta sa harap.

“Just sing what’s the first thing that came to your mind.” Ngumiti siya at naglakad papunta sa likod.

Pagkarating niya sa likod, nakatingin lang siya sa akin. Nakakatuwa kasi hindi siya strikto. Hindi siya ‘yung nangtataas ng kilay. Nakangiti lang siya habang hinihintay akong magsimula.

“When the rain is blowing in your face,
And the whole world is on your case,
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love.”

Hindi ko alam kung bakit, pero ito agad ‘yung una kong naisip na kanta. Kahit ano naman ‘di ba? Buti na lang at may hangover pa ako don sa series na tinapos ko kagabi kaya naisip ko pa ‘tong kanta na ‘to.

“When the evening shadows and the stars appear,
And there is no one there to dry your tears,
I could hold you for a million years
To make you feel my love.”

Pinipikit-pikit ko na lang ‘yung mata ko para hindi makita ‘yung mga kaklase kong titig na titig sa akin at si Adrian na ngising-ngisi. Ang sarap batuhin ng sapatos at ma-head shot. Buti na lang, sa harapan niya, nandun si Ace, nakangiti.

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon