VII

289 10 2
                                    

“Oh, kain na.”

“Salamat.”

Kinuha ko ‘yung inabot niyang pagkain. Lunch break na namin. Syempre, dito kami sa likod ng building ng ministry tumakbo at nagtago. Siya na rin ‘yung bumili ng pagkain namin sa cafeteria kasi natatakot akong humarap sa maraming tao. ‘Di ko sila ka-vibes.

Buti na lang may lamesa-lamesa dun sa likod ng ministry kaya dun na lang kami kumain. Dun kami sa may bandang ilalim ng mga puno pumwesto para ‘di kami masilip ng kung sino sa may bintana mula sa taas o sa kung saan mang parte ng building namin. Wala rin naman kumakaing iba dito so no worries.

“Magkwento ka nga ng tungkol kay Adrian?”

Tiningnan niya ako ng malisyoso. What? As if namang gusto ko ‘yung pangit na unggoy na ‘yun. Nacu-curious lang kasi ako sa kung anong meron sa kanila ni Ace dati.

“Mukhang interesado ka yata sa kaniya ah?” He smirked. Tingnan mo ‘to, malisyoso talaga.

“Gusto ko lang malaman kung ga’no ba kayo ka-close noon,” sabi ko, emphasizing the word ‘close.’

He sighed then started talking. “Bata pa lang kami, magkakilala na kaming dalawa. Simula preschool, hanggang ngayon naman, magkasama kami. ‘Yun yata ‘yung gusto ng mga magulang namin eh. Pereho kasi silang magka-sosyo sa business nila. Pero ‘di nagtagal, ‘di kami nagkasundo ni Adrian.”

Napakunot tuloy ‘yung noo ko. “’Di kayo magkasundo? ‘Di ba magkasama kayo mula noon pa?”

“Magkasama lang naman kami, pero ‘di namin gusto ang isa’t isa, Syempre, ‘di naman kami pwedeng maghiwalay kasi magagalit sa amin ‘yung mga magulang namin.”

Ang saklap naman nun kasi kailangan mong pakisamahan ‘yung taong ayaw mo namang makasama. Hmm… gusto ko sanang itanong kung pa’no sila ‘di nagkamabutihan pero ‘wag na. Baka sabihin niya naman ‘yung mamaya eh.

“Simula nung ‘di na kami naging ‘close,’” sabi niya, air-quoting the word ‘close.’ “Nagkaro’n na siya ng bagong barkada. Biglaan nga eh kasi dati naman, ‘di niya ka-close ‘yung mga lalaking ‘yun pero nung nagtagal, naging maayos naman ‘yung barkada nila at dun na rin nabuo ‘yung banda nila.” So may banda pala ‘yung Adrian na ‘yun? Sabagay, mukha naman siyang rakistang urat.

“Una, Kyle Adrian Mariano, bassist sa banda nila. Siya ‘yung katabi ni Adrian sa classroom kanina.” Oh. So Kyle pala ‘yung pangalan nung lalaking ‘yun? Hmm… okay naman ‘yung itsura niya. Mas okay pa nga ‘yung pagmumukha niya kaysa kay Adrian eh.

“Pangalawa, Marcus Adrian Pabilona, rhythm guitarist. Nasa ibang section siya kasi sinadya niyang magloko nung auditions para masundan ‘yung crush niya na pianist naman.” Wow. Ang sweet niya naman kasi sinundan niya talaga ‘yung crush niya. Hmm… siya siguro ‘yung parang sumisigaw na kung kumanta kahapon.

“Si Dylan Adrian Pabilona ‘yung lead guitarist nila. Siya naman ‘yung nasa harap ni Adrian. At, oo, kakambal niya si Marcus pero magkaiba sila ng ugali. Malandi kasi ‘yung isa, tapos matino naman ‘yung isa pa.” Malandi na ba agad kapag sinundan mo ‘yung crush mo? Para sa akin, sweet ‘yun. Pero nirerespeto ko ang sinabi ni Ace. Baka naman kasi may ibang ginawa noon si Marcus.

“Si Lester Adrian Go naman ‘yung drummer nila. Madalas wala kapag may practice kasi nakikipag-landian sa kung sino-sino. Pero magaling siyang drummer. Basta sabihin mo lang sa kaniya ‘yung piyesa, kapag performance na, aakalain mong nag-practice siya ng sobrang tagal.”

“Lahat sila may Adrian sa pangalan ano?”

“Yup,” sang-ayon niya. “Para nga daw tinadhana sila para maging banda.”

“Ano pang alam mo kay Adrian?” Takte. Interesadong-interesado ako sa unggoy eh. Baka I love animals!

“Bukod sa maganda ‘yung boses niya, halos lahat na yata ng instrumento eh kaya niya ng tugtugin. Dinaig niya pa ‘yung tatay niya kaya nga mahal na mahal siya ng tatay niya eh.”

Magaling rin naman pala ‘tong unggoy na ‘to.

“Nakakainggit nga siya eh.” Natigilan tuloy ako sa pangungutya kay Adrian sa isip ko.

“Bakit naman?”

“Kasi mahal siya ng tatay niya.” Kumunot ulit ‘yung noo ko. “Ako kasi, hindi. Gusto kasi ni Papa na lamangan o maging tulad ako ni Adrian. Gusto niya kasing lumaki ako katulad ni Adrian, magaling na kumanta, magaling pa sa lahat ng uri ng instrumento. Ipinasok niya pa nga ako sa isang music class—‘yun’yung pinuntahan  ko kahapon—para lang mag-aral ng mga bagong instrument.

“Sa totoo lang, rindi na ako. ‘Di kasi ako matanggap-tanggap ng tatay ko hangga’t ‘di ko magawa ‘yung nagagawa ni Adrian. Parang gusto niya akong maging si Adrian mismo! Kulang na nga lang papalitan niya na ‘yung pangalan ko ng ‘Adrian’ para maging Adrian na talaga ako.

Pero tiniis ko na lang ‘yung pagpapalaki niya sa akin at sumunod na lang ako sa gusto niya. Kaya nga hanggang ngayon, magkasama pa rin kami ni Adrian kahit na ‘di na naman kami nag-uusap pa kahit kailan.”

Kawawa naman si Ace. Ano bang meron kay unggoy Adrian at gustong-gusto ng tatay ni Ace na maging tulad siya ni Adrian? Ang hirap talaga kapag masyadong manipulative ‘yung mga tatay. Buti nga ‘di nagre-rebelde tong si Ace eh.

“Wala na bang chance na maging okay kayo?”

“’Di ko alam eh,” walang gana niyang sagot. “’Di na ako umaasa kasi mukhang wala na namang pag-asa.”

“Bakit naman?” kunot-noo kong tanong.

“Kasi nag-aagawan na naman kami sa iisang bagay.”

‘Di ko naintindihan ‘yung sinabi sa akin ni Ace kanina. I mean, naintindihan ko siya pero… ano naman ‘yung bagay na pinag-aagawan nila?

“Lalim yata ng iniisip mo ah?”

Umiling-iling na lang ako para matanggal sa isip ko ‘yung sinabi ni Ace. “Wala lang ‘to, Jace.”

“Jace?” natatawa niyang tanong sa akin.

Takte. Jace? Sa’n ko naman napulot ‘yun? Masyado ko kasing iniisip si Ace eh kaya ‘yun ‘yung natawag k okay Jason. Inis!

“A-Ano, nickname mo ‘yun—tama!—nickname mo ‘yun! Bago kong tawag sa’yo.”

“Para kang timang, Iryz.” Inirapan ko na lang ang mokong. Tawagin ba naman kasi akong timang. May pinagdadaanan lang ako.

Teka. Anong pinagdadaanan ko?

“Jason, uwi na tayo,” makaawa ko sa kaniya. Inaantok na kasi ako eh. Tsaka tapos na naman kaming maglinis eh.

“Jason?”

Pucha. Ang arte naman nitong si Jason. Natuwa lang siya kasi ‘Jace’ na ‘yung tawag niya sa akin eh.

“Jace pala. Sorry po.”

“’Yan. Very good.”

Sarap jombagan eh. Kung ‘di ko lang ‘to kaibigan—Ayy! Kainigan ko nga pala siya. So pwede ko siyang jombagan?

Joke. Dapat pa-girl ako. ‘Di dapata ko kilos tomboy.

“Uwi na tayo please,” makaawa ko ulit sa kaniya.

“Isang oras pa, Ish.” Gumanti siya kaya ‘Ish’ na ‘yung tawag niya sa akin. “Isang oras pa talaga. ‘Di naman tayo pwedeng umalis ng maaga eh.”

Bumuntong-hininga na lang ako. Itutulog ko na lang ‘yung isang oras na natitira. Naguguluhan na talaga ‘yung utak ko. Bakit ko ba kasi masyadong iniisip ‘yun?

Bumangon ako sa higaan ko at chineck kung sino ‘yung nag-text. Baka kasi si Ace ‘to. Though, ‘di ko naman alam ‘yung number niya at ‘di niya pa rin alam ‘yung number ko.

Musta ‘yung first day?

Tsk. Ito na naman si unknown. Kainis. Kailangan ba siya magpapakilala?

Tumalon ako pabalik sa kama ko hawak-hawak ‘yung phone at nagdalawang-isip kung re-replyan ko ba ‘tong unknown texter na ‘to.

Sino ba kasi siya?

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon