After so many asdfghjkl years, nakapag-update din ako! Akala ko talaga ititigil ko na tong story na to kasi, swear, namomroblema ako sa mga kanta na gagamitin ko. Though alam ko naman na ang dami-daming kanta sa buong mundo pero... ewan. Nahihirapan lang ako. Noon. Medyo na lang ngayon. Hahaha. Salamat sa mga nangungulit (or nangungulit lang kasi isa lang naman siya hahaha)!
If you have song suggestions, kahit ano, comment it down. Kapag feel ko fit sa story yung kanta, ilalagay ko siya. Thanks!
Song: Animals
By: Maroon 5
--
"Anong meron, Ace?" pabulong kong tanong sa kaniya pagkaupo niya. Buti na lang at busy sa pagsusulat si Ma'am kaya sure ako na di niya ako napansin.
Kinalabit ko ng kinalabit si Ace pero di talaga siya sumasagot. Di ko alam kung bakit, pero gusto kong malaman. At ayokong tumigil hangga't di ko nalalaman. Napatigil na lang ako kasi kailangan kong tumigil, kundi baka mahuli kami ni Ma'am.
Tuloy-tuloy na tinawag yung mga kaklase namin hanggang sa isa na lang yung natitira. Si Adrian.
Pagkatawag sa kaniya ni Ma'am, daig niya pa yung mga Ford models kung rumampa. Akala mo naman may ipagmamalaki. Inirapan ko na lang siya nung tumingin siya sa gawi ko at kumindat.
"Baby, I'm preying on you tonight"
Wow. Maganda pala talaga yung boses niya. Pero sana kasing ganda ng boses niya yung ugali niya.
"Hunt you down eat you alive
Just like animals, animals, like animals-mals"
Napangisi na lang ako. Fit pala sa kaniya yung kinakanta niya. He's definitely an animal.
"Maybe you think that you can hide
I can smell your scent from miles
Just like animals, animals, like animals-mals
Baby, I'm"
Biglang may nagtatambol ng lamesa sa likuran. Nung nilingon ko, si Lester pala. Tapos napansin kong nagkukunyaring nagigitara sila Kyle, Marcus at Dylan. Ano bang trip ng mga to? Solo performance dapat pero sinasaluhan nila si Adrian?
Nabigla na lang ako nang nakikipalakpak na yung mga tao para sabayan yung beat ng kanta. Si Ma'am, nakangisi lang. Kahit na malalakas yung ibang palakpakan, rinig na rinig pa rin yung boses ni Adrian. To be fair, maganda nga talaga yung boses niya.
Pagkatapos kumanta ni Adrian, nagpalakpakan yung mga tao sa classroom. Sa sobrang ingay namin akala mo e may concert. Nahirapan ngang magpatahimik si Ma'am e. Ito namang si Adrian, ever so pasikat, siya na ang nagpatahimik sa klase.
May sinabi si Ma'am ng kaunti at dinismss na kami. Nabigla na lang ako nang dali-daling umalis si Ace ng walang pasabi. Iniwan niya lang ako. Ano bang problema niya?
Hahabulin ko na sana siya kaso biglang may humigit sa braso ko. Sino pa ba? E di si animal na Adrian.
"Anong problema mo?" bulyaw ko sa kaniya. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya pero ayaw niya talaga akong bitawan.
"Chill lang, babe," nakangisi niyang sabi.
"Babe?! Sira ka ba?!"
Finally, binitiwan niya rin yung kamay ko kaya nakatakbo ako. Pero naharangan naman ako ni Kyle at Marcus. Palibhasa malalaki yung katawan nung dalawa kaya wala akong takas.
Napabuntong-hininga na lang ako. I guess I have to face this freaking animal.
"Ang sakit naman nun," sambit niya habang nakahawak sa puso niya. Ang drama lang ng mokong.
Gusto kong lamukusin yung mukha niya. Ewan ko ba. Naiinis ako kapag nakikita ko siya. Di ko alam kung bakit ganito kalaki yung galit ko sa kaniya. Pero kung hahayaan niya langa ko mabuhay ng payapa, di naman ako maiinis sa kaniya ng ganito e.
"Ano bang gusto mo?"
"Ikaw," diretso niyang sabi. "Ikaw lang naman gusto ko e."
"Neknek mo! Animal!"
Akma niya akong susugurin kaya napatakip ako ng mukha. Naghihintay ako ng kamao na magpapatumba sa akin, Pagkamulat ko ng mga mata ko, ilang pulgada na lang ang layo ng kamao niya sa akin at ng mukha niya. Nakangisi pa ang loko. Bwisit.
"Takot ka naman pala e," asar niya. "Nagtatapang-tapangan ka pero takot ka naman talaga."
"E loko ka ba!" Tinulak ko siya. Nagpanggap naman ang loko na malakas yung pagkakatulak ko. Nag-ohhh pa nga yung mga kabanda niya. Nakakairita. "Lalaki ka e. Ano ba namang laban ko sa'yo?"
Ngumisi siya. "Kung sa labanan ng puso, sure akong panalo ka." Kinindatan ako ng loko.
"Bwisit."
Di na nila ako ginulo pa at hinayaan na nila akong makalakad ng mag-isa. Dali-dali akong tumakbo papunta sa may tambayan namin ni Ace, umaasang nandun siya.
Kaso bigo ako nang walang Ace na naghihintay sa akin doon. Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa may bench.
Gusto kong malaman kung ano bang bumabagabag sa isip niya. Hindi kasi ako sanay na ganiyan siya. Alam ko na may karapatan siyang magganiyan kasi tao rin naman siya, pero gusto kong malaman. Gusto ko siyang tulungan. Kasi ayokong nakikitang malungkot si Ace. Hindi bagay sa kaniya. Hindi bagay sa pagkatao niya.
Hindi ako titigil sa panggugulo sa kaniya hagga't di ko nalalaman kung bakit. Pwera na lang kung siya na mismo yung nagsabi sa akin na personal na bagay yun kaya di niya pwedeng sabihin.
"Dito lang pala kayo nagtatago," sambit ng lalaking tumabi sa akin.
Nilingon ko yung lalaki. Lumunok muna ako bago nagsalita, "Sinundan mo ako?"
Ngumisi siya at tumango. "Curious lang kasi ako kung saan ba kayo nagpupunta pagkatapos ng klase." Napakunot ako ng noo. "Palagi kayong magkasama e. Nagtataka lang naman ako."
Kumalabog yung puso ko. Anak siya ng may-ari ng school. This conversation might not end up well. Baka bukas na bukas, ipatawag ako ng admin. "Are you going to--"
"No," putol niya sa akin. "Hindi ako ganun kasamang tao. I know how much you want to be here. Katulad ka rin ng ilan sa mga estdyante dito. Actually, halos lahat gustong mag-stay rito. Some can do it all alone, but some just can't. Kaya naiintidihan ko kung bakit ka nakikipagkaibigan kay Ace. But I have to remind you of this school's number one rule: Bawal makipagkaibigan. Pareho kayong solo performers, so better end that friendship or you'll say goodbye to Treston."
"Pinagbigyan kita ngayon," pagtutuloy niya. "I hope you won't waste this opportunity. Be careful with your actions next time." Ngumiti siya bago naglakad papalayo.
Parang ibang Adrian yung nakita ko. He's not the animal that I saw earlier. To be fair, parang bumait siya kahit papano. Kaya lang ba siya nagpapaka-badass e dahil sa impluwensya ng mga kabanda niya?
To be honest--bahala na kung magsuka ako mamayang gabi sa sasabihin kong to--matino naman ang itsura ni Adrian. Wala siyang tattoos sa katawan o piercings sa mukha. Kumpara mo kanila Kyle, Marcus, Dylan at Lester na parang grafitti na yung katawan nila kaya mukha talaga silang bad boys. Pero dahil nga kasama nila palagi si Adrian at si Adrian pa tong leader nila, nahahawa siya sa pagka-badass ng mga kabanda niya.
I wonder kung yung pinakitang side sa akin ni Adrian e ang totoo niyang side.
Hindi naman kasi mababangis ang lahat ng leon. Ang iba, nagiging nakakatakot lang kapag prinovoke mo sila.
BINABASA MO ANG
Treston School for the Arts [Hiatus]
Teen Fiction[Revised | Tagalog] This is a school for the arts. You can sing. You can dance. You can act. You can paint. You can film. You can perform anything related to arts. But you can never make friends with anyone, except those who belong in your clan. If...