III

351 11 3
                                    

Si Ace na ‘yung last performer. ‘Di ko nga naintindihan ‘yugn surname niya eh o ‘di yata sinabi.

Bago siya kumanta, tumingin muna siya sa audience. And like what he did to me, I smiled when his gazed reached me. ‘Di ko maalala ‘yung kinanta niya kasi ‘di ko talaga alam ‘yung kanta eh pero maganda ‘yung boses niya. Para ngang may hawig ‘yung boses nila ni anak ng blah blah eh. Pero mas  sweet ‘yung boses ni Ace kaya nga parang napa-wave-wave pa ‘yung kamay ng audience nung kumakanta siya kanina eh.

Nung bumaba na si Ace sa stage, umakyat naman ‘yung isa sa mga teacher-judge at sinabi na bukas daw nila ire-release ‘yung sections namin tapos dinismiss na kami. ‘Yun lang naman ‘yung gagawin namin ngayon eh at ‘yun na rin ‘yung way para makita namin kung sino ‘yung mga potential na makakalaban namin.

Anyways, magiging ganito ‘yun, sa isang ministry, magkakaroon ng mga clusters pero depende ‘yung dami ng cluster sa dami ng categories. Tapos sa isang cluster, may mga sections. Depende ‘yung dami nang sections sa member ng cluster na ‘yun. Tapos sa isang section, may 30 na estudyante.

Pero as much as possible, ayaw nila na may cluster. Masyado daw kasing maraming classification eh. Dagdag trabaho lang daw. Pero sabi nga nila ‘di na naman daw maiiwasan ‘yun kaya wala na daw silang magagawa.

Nagsimula nang magsilabasan ‘yung mga tao sa Auditorium. ’Di muna ako tumayo sa upuan ko. Ayokong makipag-siksikan eh baka kasi maipit ‘yung maganda kong mukha.

Nung konti na ‘yung mga tao, tumayo na ako. Tapos napansin ko rin na may tumayo sa kabilang side. Nung tiningnan ko ‘yung tumayo, napangiti ako. Si Ace lang pala.

Nung magkalapit na kami, napasabay kami sa pagbati kaya natawa tuloy kaming dalawa.

“Galing mo kanina ah!” pag-iiba niya ng topic.

“Wait, baka may makakita sa atin.”

Hinatak ko siya papalabas ng Auditorium. ‘Di ko alam, siguro dahil sa takot ko ‘yun nagawa. Ayoko namang ma-major offense sa first day ng school. Tsaka na lang kapag medyo tumagal na ako sa school na ‘to.

Joke.

‘Di ko talaga alam kung sa’n ko siya dadalhin pero sa likod kami ng building ng Ministry of Music napadpad. Wala namang nagagawi dun eh as far as I know.

To be sure, nagtingin-tingin muna ako sa paligid to check kung may iba bang tao.

“I think we’re safe here.” Pagkaharap ko sa kaniya, tumatawa siya. “B-Bakit ka tumatawa?”

“Natatawa kasi ako sa school natin,” sabi niya nung tumigil na siya sa pagtawa. “Kailangan pa tuloy nating magtago para lang makapag-usap.”

“Bawal kasi makipagkaibigan eh,” sabi ko na lang sa kaniya.

“’Yun nga ‘yung weird eh. Ano bang masama sa pakikipagkaibigan?” Napakunot tuloy ‘yung noo ko sa sinabi niya. “I mean, baka nga makatulong pa ‘yun sa atin eh. Baka kasi kapag may kasama tayo o may nakakausap tayo eh mas magiging mataas pa ‘yung productivity rate natin.”

“Naisip ko na ‘yan, actually,” sang-ayon ko sa kaniya. “Kaso ano bang magagawa natin? ‘Yun na ‘yung rules dito sa school eh. ‘Yun ‘yung gusto ng school administration. Rules are rules at sumusunod lang naman ako sa mga patakaran dito. Ayoko naman kasing maalis dito kasi matagal ko ng pangarap ‘yung makapag-aral dito.”

Nag-smirk lang siya. Parang nabali-wala tuloy ‘yung speech ko.

“Alam mo nakakatuwa ka,” pag-iiba niya ng topic namin. Medyo napakunot ulit ‘yung kilay ko sa sinabi niya pero parang nag-blush nga rin kasi ako. Para kasing may electricity na tumakbo sa katawan ko. ‘Yun na ba ‘yung kilig?

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon