XVI

131 6 0
                                    

After lunch, magkahiwalay kaming bumalik sa classroom. Syempre, para walang maisip na kakaiba si Adrian. At yung ibang tao. Sabi ko sa sarili ko kanina e kaya naman naming magsinungaling pero sabi ni Ace, mas mabuti na raw yung magkahiwalay kami para wala silang suspetiya. Minsan daw kasi walang kwenta yung pagsisinungaling kung huling-huli na naman kayong dalawa. Mas mabuti na raw na maging cautious kami sa mga kilos namin.

Nag-iwas agad ng tingin si Adrian pagkapasok ko sa classroom. Dali-dali pa nga siyang pumunta sa likuran, sa mga kabanda niya. Mukhang di pa rin siya nakaka-move on sa sinabi ko kanina. Pero tama naman yung sinabi ko di ba?

Kapag sa ibang tao, bawal ako makipag-usap. Sabi niya kapag nahuli daw kami e malaki ang chance na isumbong kami sa admin. Pero kapag siya yung kausap ko, di niya naman sinasabi na bawal kaming mag-usap, etc. Porket kasi anak siya ng may-ari ng school na to e may karapatan na siyang gawin lahat ng gusto niya. But as far as I know (and I can remember), sinabi noon ni Mr. Arevallo na kahit anak niya, hindi niya palalampasin kapag nahuli siyang nakikipagkaibigan.

I don't know why I'm convincing myself that what I did earlier was right. Para kasing nakokonsensya ako kasi natarayan ko siya when he was being nice to me days ago. Siguro hindi lang talaga ako sanay na mabait siya and he was being too nice na parang nakakasakal na. Besides, it was the best thing to do. Mas mabuti na yung mailang kami sa isa't isa para iwas-iwasan niya na rin kami ni Ace.

But it's nice to see him unguarded. Lagi ko na lang kasi siyang nakikitang matapang, mayabang. Pero ngayon, he's so... vulnerable. Like he's going to break any minute now. But at the same time, it's not pleasing to see.

Sumubsob ako sa desk ko. Binubulabog na naman ako ng isip ko. Ayokong nakakasakit ako. It's an unlikely feeling. Ayoko rin naman ng sinasaktan ako kaya nga gumaganti ako. But I want it even in the end. Pero minsan kulang o sobra yung ganti ko. The former is fine for me. Pero kapag sobra, parang... hindi maganda.

Nag-vibrate yung phone ko kaya napabangon ako. May paa akong nakita sa tabi ko at pagkasilip ko sa mukha, si Ace nga. Di ko napansin na dumating na pala siya. Masyado akong distracted sa iniisip ko. Malakas naman si Adrian. Bukas na bukas rin, I'm sure, mang-aalaska na naman yan.

I opened the message.

From: Ace

You okay?

I typed my messaged and sent it as fast as I can kasi nagsimula nang magsipasukan sa loob yung classmates namin na nakatambay sa labas kanina. Meaning, parating na si Ma'am.

My heart was beating fast. Dahil sa sobrang kaba. Minsan ayos lang magsinungaling. Pero minsan talaga hindi.

Nag-discuss lang kami ng saglit tungkol sa breathing. Yung mechanisms sa heart, lungs at diaphragm itinuro ni Ma'am. Mahalaga daw na alam namin yun para alam namin kung saan kami humuhugot ng boses. Tinuro niya rin yung voice box and tips on how to take care of our voices.

Pagkatapos, bumaba kami sa school gym. Kailangan daw kasi naming matutong igalaw-galaw yung katawan namin kasi may mga times daw na hindi lang kami dapat nakatayo sa stage habang nagpeperform. Pero, kaya kami nandito kasi ite-test ni Ma'am kung gano ba kami kabilis mapagod.

Pinaglakad kami paikot sa buong basketball court. Pagkatapos ng isang ikot, pinag-jog na kami. Tapos pinatakbo kami ng dalawang beses paikot sa court. Halos lahat kami hingal na hingal nang matapos. Maliban kay Adrian. Mukhang sa lahat sa amin, siya tong pinaka fit.

Sinilip ko si Ace na ilang metro ang layo sa akin. Ang hirap din pala nitong magkalayo kaming dalawa. Kapag sa classroom, kaya ko pa kasi katabi ko lang siya. Pero kapag nasa open space na, parang... hindi na. Lalo na't malaki yung chance na sa ibang tao siya makisalamuha, makipagtawanan. Kasi pwede. Kasi hindi naman nila yun palaging ginagawa. Kasi natatawa lang talaga sila. Tulad ngayon. Parang ang saya niya kasama yung iba. Ang gwapo niya pa naman. Pwedeng-pwedeng maagaw.

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon