VI

320 9 3
                                    

Ang ganda ko lang talaga.

Mukha kasing natuwa sa kagandahan ko ‘yung nasa harapan ko eh—si Adrian. Kanina pa kasi papansin ng papansin eh. Kunyari, gagalaw ako pakanan, gagalaw rin siya pakanan para matakpan ‘yung view ko.Ang epal-epal niya nga eh. Nagandahan yata masyado sa akin.

What.

Pero nagtataka lang ako kung pa’no niya napapansin kung sa’n ako gumagalaw eh nasa harapan ko nga siya, ‘di ba? Feeling ko nga may side mirror siya na invisible eh. Ang weird-weird niya lang. Parang isip-bata lang na ewan.

“So, today you are going to meet your basic subject teachers and, of course, your music teacher.”

Oo nga pala, bawat basic subjects, may isang oras sa isang araw. Sa first sem lang kami ganito ka-organized. Pagdating kasi ng second sem, ‘yung mga contests na sasalihan namin ang bubuo sa schedules namin. So kung wala kang contest na sasalihan para sa araw na ‘yun, tambay ka lang muna sa ministry niyo. Basta once na nagsimula na ‘yung pagsali mo sa contests, kailangang palagi kang panalo. Kapag natalo ka ng tatlong beses, sunod-sunod man o hindi, magpaalam ka na. Aalisin ka na ng school admin ng Treston. Ayaw kasi nila ng talunan dito.

‘Di ko alam kung anong gagawin nila sa contests this year. Iba-iba kasi ‘yung ginagawa nila eh. Minsan draw-lots, o kaya hamunan, etc. Basta lahat lalaban. Pero sa dulo… isa lang ang panalo.

‘Yung dalawang matitira, sila ‘yung maglalaban sa Final Battle. Isa lang ‘yung pwedeng manalo. ‘Yung talo, automatic na siyang aalisin sa Treston. Kahit pa na ‘yun ‘yung una niyang talo.

Nagtanong-tanong na ako sa ibang upperclassmen ng ministry namin tungkol diyan sa mga bagay-bagay na ‘yan. Kabado kasi ako eh kaya nagtanong-tanong na ako sa kanila. Mostly, mga kapwa ko scholars ‘yung mga naka-usap ko pero syempre ‘di kami nagpapahuli. Baka kasi isipin nila na magkakaibigan kami kahit ‘di naman talaga.

“That’s all for now. You may have your break time.”

Nagsitayuan na ‘yung iba pero naghintay muna kami ni Ace na makalabas ‘yung ibang tao. Baka kasi magtaka sila kasi magkasama kaming lumabas, maglakad, at kung ano pa.

“Haay,” hikab nitong loko sa harap ko. “Nakakaantok!” Aba-aba. Lakas makareklamo ah. Sabagay, anak ng may-ari eh. Pagbigyan. Irespeto.

“Ay, pucha.”

Inis talaga ‘tong mokong sa harap ko eh. Nag-unat ba naman tapos sinakto niya talaga na tatama sa maganda kong mukha ‘yung kamay niya. No—kamao pala.

“Ay, sorry. May tao pala sa likod.”

“Ha?” sabi ko, kunyaring may mali sa sinabi niya. “Wala kayang tao sa likod mo! Hologram lang ako. ‘Di ako nasasaktan. Gusto mo ulitin mo pa eh,” paghahamon ko sa kaniya.

At ang hinayupak, inulit nga. ‘Di pa nakampante. Gustong-gusto talagang nasasaktan ako.

“Grabe, tumagos nga!” asar niya na may kasama pang malakas na tawa. Pasalamat talaga siya anak siya ng may-ari nitong Treston kaya walang maglalakas loob na magsumbong. Tsaka, oo nga pala, bawal siyang isumbong. Special blah blah niya kasi ‘yun eh. Special child din naman kasi siya.

Joke.

“Gusto ka pa sanang panuorin ng hologram na tumatawa kaso kailangan na niyang umalis.” Inirapan ko siya at tumayo na lang ako at naglakad papalabas ng room.

Sure naman ako na susunod sa akin si Ace eh at alam niya naman kasi kung saan ‘yung punta ko.

--

“Sabi na eh. Nandito ka lang.”

Biglang nawala ‘yung init sa ulo ko. Iba talaga ‘yung impact ng presence ni Ace sa akin. Ewan ko ba. Basta natutuwa talaga ako sa kaniya at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Idagdag mo pa ‘tong napakagandang aura ng tambayan-slash-taguan namin.

Nakangiti siyang lumapit at tumabi sa akin. Mas gumaan tuloy ‘yung pakiramdam ko.

“Nakakagaan kasi ng pakiramdam sa lugar na ‘to eh,” dahilan ko sa kaniya. Pero sa totoo lang, wala kasi akong alam na pupuntahan tsaka alam ko na dito lang kami pwedeng mag-usap.

Ngumiti siya bago siya nag-abot ng something. “Oh.” Pagkain pala. Isang sandwich at isang coke in can. Kaya pala medyo napatagal siya.

“Salamat,” nakangiti kong sabi sa kaniya. At tahimik kaming kumain ng mga sandwich namin. Nakakatuwa kasi parehas kami ng kinakain at ng inumin na rin.

“Mukhang nabwisit ka kay Adrian ah?” putol niya sa katahimikan.

Mukhang napansin niya yata ‘yung kabwisitan ko kanina. Pero sino ba naman kasing ‘di makakapansin eh sobrang epal nung nagpapa-epal kanina. Kabwisit.

“Ang yabang niya kasi eh,” sabi ko na lang.

He let out a little laugh. “Masanay ka na dun,” sabi niya na parang siguradong-sigurado siya sa pagkatao ni Adrian.“Isang taon mong mararanasan ‘yung hagupit ni Adrian Stylex Arevallo.”

Ang cute pala ng name ni Adrian. Pero ‘di cute ‘yung ugali niya.

A question popped in my mind. “Close ba kayo ni Adrian?”

“Dati.”

I looked at him, confused. “Panong dati?” tanong ko. “I mean, bakit dati lang? Bakit wala na ngayon?”

“Basta,” seryoso niyang sagot. Tumingin siya sa malayo bago siya nagsalita ulit. “May mga bagay na nangyari noon na ‘di na dapat binabalikan ngayon.”

Bigla na lang siyang tumayo. Mukhang nainis yata siya o ayaw niyang pag-usapan pa namin ‘yung topic na ‘yun.

“Tara na. Baka ma-late pa tayo sa next class natin.”

Sumunod ako sa kaniya at sabay kaming naglakad pabalik ng room.

Pero nagtataka pa rin ako eh. Mas dumami na tuloy ‘yung tanong sa isip ko.

Bakit hanggang noon lang ‘yung pagkakaibigan nila? Anong nangyari sa kanila? Pa’no sila nagkakilala? Anong relasyon nila sa isa’t isa? May galit rin ba siya kay Adrian kaya ‘di na sila magkaibigan?

Malalaman ko rin ‘yung sagot sa tanong na ‘yan sa mga susunod pang araw. Ngayon, magfo-focus muna ako sa studies ko at... sa epal na gumugulo sa buhay ko.

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon