Song: Everything Has Changed
Artist/s: Taylor Swift feat. Ed Sheeran
--
Isang yakap agad ang sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa music room. And with just that, all my worries went away. Kahit na sobrang namomroblema ako kung bakit ganun yung inasta niya kanina. I should have believed the fact that he was being observed so much kaya di siya nakangiti pabalik. Now, I feel so sorry for myself for doubting him.
I hope he didn't see the tears in my eyes after we hugged.
"Tara. I prepared something for you."
Instead of smiling, sadness crawled all over my face. Ngayon ko lang na-realize na siya tong palaging may surprise sa akin. Tapos ako, tengga lang. Dina-doubt pa nga siya madalas. Di ko naman kasi alam kung pano ba nagagawa to ni Ace e. Without being caught, he's pulling this surprises so well.
Siguro panahon na para ako naman ang mag-isip ng pwedeng ibigay sa kaniya. Just to repay every inch of kindness and love he gave to me.
Nanlaki na lang yung mga mata ko nang buksan niya na yung pinto papunta dun sa may special room. It was filled with pink and white balloons. And there's a red boquet on top of the table na inilipat niya sa gitna ng room. Nakita ko rin sa isang upuan yugn stuff toy na napanalunan niya sa amusement park.
Nagtuloy-tuloy na yung pagluha ko dahil sa nag-uumapaw na saya. Which signaled him to hug me again.
Ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko at bumulong, "Happy monthsary."
Napalunok ako at napatigil sa pag-iyak. Ang drama-drama ko dito tapos nakalimutan ko pala na monthsary namin ngayon! Pero di pa naman kami e. So di kami dapat nagce-celebrate ng ganitong occasion. Pero kahit na! Dapat alam ko kung kailan kami nag... Kailan nga ba kami nagsimula?
"It's been one month since we confessed our feelings for one another," he answered teh question bubbling in my mind. It's as if he read what's going on inside.
"Di man lang ako aware na kasama na pala tayo sa listahan ng mga nagce-celebrate ng ganito," I joked.
Bumusangol siya. "D-Di mo ba nagustuhan?"
I gave him a peck on the cheek as my answer. Then I saw his face turn red. Ngayon ko lang siya nakitang kiligin. Akala ko kaming mga babae lang yung nagkakaganito. And it's damn too sweet when a guy is expressive about his feelings.
Bakit parang may iba akong naalala sa sinabi kong yun?
I shrugged the thought. Sinundan ko siya papunta sa lamesa. Ikinalong ko yung stuff toy para may maupuan si Ace. I hugged it tightly. I can't help but feel that it's been too long since I last saw this cute stuff. Tama nga si Ace. Siya nga talaga ang maaalala ko kapag nakita ko to. Not because it's cute like him, pero dahil pinaghirapan niya talagang makuha to para sa akin. And this also reminds me of my stupidity of not keeping it home and being proud of it.
Sabay kaming bumalik sa classroom for music class. Legit naman na magkasama kami kasi kami yung pinag-partner para sa performance namin ngayong araw.
After naming tapusin yung physical training and vocalizations, hinati yung klase namin sa dalawang grupo. It was weird, though, kasi bawal nga kaming makipaghalubilo sa ibang tao lalo na kung solo artists naman kami. Pero sabi ni Ma'am, kailangan daw namin tong pagdaanan para daw masanay kaming magperform sa harap ng tao. Doing it alone would shock us kaya sasanayin niya muna kami sa grupo-grupo.
Depensa niya pa nga, which she pointed out kay Adrian since anak siya ng chairman ng school, hindi naman daw necessary na maging magkaibigan kayo. Kailangan lang daw maging kumportable kayo sa isa't isa. And, she really reiterated this fact, it's not as if gagawa kayo ng memories as a group knowing na may cost ang pakikipagkaibigan.
BINABASA MO ANG
Treston School for the Arts [Hiatus]
Teen Fiction[Revised | Tagalog] This is a school for the arts. You can sing. You can dance. You can act. You can paint. You can film. You can perform anything related to arts. But you can never make friends with anyone, except those who belong in your clan. If...