Isang buwan na ang lumipas na ganun-ganun lang ang nangyayari. Nagtatago pa rin kami ni Ace sa may music room. Buti nga at wala pang nakakahuli sa amin e.
Hindi pa rin alam ng mga magulang ko yung tungkol sa kaniya. Tinanong niya nga ako noon kung kailan daw ba siya pwedeng manligaw, sabi ko, tsetsempohan ko lang muna yung mga magulang ko. Kaso kapag nagtatanong ako kung ayos lang ba na mag-boyfriend ako, lagi nilang sinasabi na bawal. Nagtataka na nga sila e kasi baka daw tinatago ko yung boyfriend ko. At dahil nga wala na silang tiwala sa akin (Ang sakit lang, di ba?), di na ako nahahatid ni Ace pauwi ng bahay. Hirap na nga kaming mag-usap sa school, nabasan pa kami ng oras para sa isa't isa. Pero sabi naman ni Ace, willing daw siyang maghintay kahit gano katagal.
Though, ang hirap lang ng walang label. Kunyari may magtatanong sa akin kung ano bang meron sa amin ni Ace, wala akong ibang masabi kundi 'may special thing sa pagitan namin'. Yung ibang tao maniniwala, pero yung iba, sasabihing 'Hopeless yan.' Which is totoo naman. Iba kasi yung may panghahawakan ka talaga maliban pa sa nararamdaman niyong dalawa.
Pero hindi ko na lang iniisip yung mga bagay na yun. Alam ko namang loyal sa akin si Ace e. He's so honest about everything. Kapag may tatanungin ako sa kaniyang isang bagay tungkol sa kaniya, ready agad siyang sumagot. Kumpara sa akin na may reservations kapag sinasagot ko yung tanong niya. Minsan nga nagho-hold back pa ako e. Tapos ang nangyayari, iniintindi niya na lang ako. He's sacrificing so much kaya dapat lang na pagkatiwalaan ko siya.
Lumalabas kami every weekend ni Ace. Or most of the weekends. Ang paalam ko e may group work kami o may practice para sa music class. Syempre, pumapayag naman yung mga magulang ko. Pero para makasigurado, hinahatid ako ni kuya papunta sa Treston. Tapos, dun na lang kami nagkikita ni Ace at pumupunta kung saan-saan.
He took me to places I've never been. Half of it were places that I want to be in, the other half were his favorite spots in the city or the coutnryside. Dahil dun sa pag-travel namin, I learn so many things about him: the things that he like, what he dreams about, etc. It's as if the places spoke for itself and Ace was only there to confirm everything the places are telling me.
Last weekend, pumunta kami sa isang amusement park na malayong-malayo sa city. Ilang towns din siguro yung dinaanan namin bago kami nakarating. Sinigurado naming malayo para sure na wala kaming kakilalang makita sa park na yun. Gladly, wala nga kaming nakita.
Pareho kami ni Ace na hindi masyadong nagpupunta sa mga ganitong parks kasi di naman kami mahilig sumakay sa mga rides. But for the sake of doing something different for the first time, ginawa na lang namin. Kapag sumasakay kami sa mga rides na mataas, like roller coaster, pinagpapawisan yung paa ko at yung mga kamay ko. Nakakahiya nga kasi hawak-hawak niya yung kamay ko sa buong ride e. I'm afraid of heights, but I didn't tell him. Baka kasi kapag sinabi ko sa kaniya, itigil niya na yung pagsakay sa mga rides. E halos pa naman ng lahat ng rides matataas. And he's enjoying everything. Ayoko namang maging kj. Kaya nilunok at sinarili ko na lang yung takot ko. Buti na nga lang at di ako nasuka sa dami naming rides na sinakyan.
Inabot kami ng gabi sa kakaikot ng buong park. Naglaro rin kami dun sa mga games at umasang makakuha ng prizes. Kaso kulang yung nakukuha naming score para manalo. Pero may isang stall dun na di namin inalisan hangga't di namin nakukuha yung price. Yun talaga yung nagpatagal sa amin sa park.
Gamit ang water gun, kailangang matamaan mo yung sampung sea monsters every stage na tumatagal ng 5 minutes each. Easy lang yung first round kaya madami siyang natatamaan. Pero sa mga sumunod ng rounds, dahil nga pabilis na ng pabilis yung pagkilos nung mga monsters, hirap na siyang makasampu. Nakailang subok din siya. Naiirita na nga sa kaniya yung may-ari nung stall e kasi maraming ibang gustong maglaro. Pero di talaga nagpatalo si Ace. Hanggang sa nakuha niya yung isang malaking blue na stuff toy. Ang cute daw kasi, parang siya daw.
Ibinigay niya sa akin yun pero binalik ko rin sa kaniya. Not because I dumped him or I didn't like it, pero di ko kasi maiipasok yun sa bahay. As much as I want to keep it, hindi ko naman magagawa kasi haharangin ako ng mga magulang ko at baka mapaamin pa nila ako tungkol sa aming dalawa ni Ace. Inintindi na lang yun ni Ace, di siya namilit o kung ano, at itinago na lang sa may kotse niya. Para daw nakikita ko pa rin yung stuff toy kapag sumasakay ako sa kotse niya.
Kaso hanggang ngayon, di na ulit ako nakasakay pa sa kotse niya. Tapos di pa kami makakalabas this weekend kasi may pupuntahan naman kaming pamilya.
Sumubsob ako sa desk ko. Sana pwedeng sabihin mo na lang ang lahat-lahat ng gusto mong sabihin ng walang nasasaktan o walang mangyayaring pagbabago. Pero sa bawat salita, laging merong nagyayaring kakaiba.
"Troubled?" usisa ng lalaking kakaupo pa lang sa tabi ko.
Bumangon ako't nilingon siya. "Bothered by it?"
He smirked. "Nakakatamad kasing mang-alaska kung wala naman akong reaksyong makukuha."
Bumalik na rin sa dati si Adrian kaya di ko na siya masyadong pinoproblema. Nagsimula na naman siyang mang-gulo pero ayos lang. Mas mabuti na tong ganito siya, yung siya bwisit sa buhay ko, kaysa naman sa lupaypay siya't walang buhay. Mas kaya kong indahin yung pisikal niyang pang-gugulo kaysa sa emotional. At least yung former nakikita ng iba kaya pwede ka nilang ipagtanggol. Kumapara mo sa former na ikaw lang yung nakakaramdam.
"Good," I said curtly. "Then, maghanap ka na ng iba."
He made a face then walked back to his chair. Dumating na kasi si Ace. I smiled at him pero nag-iwas lang siya ng tingin. My heart flinched. Usually he'll smile back... but he didn't. Pero... baka may nakatingin kasi sa kaniya kaya kailangan niyang umiwas agad ng tingin. Baka inoobserbahan kami ni Adrian kaya kailangan niyang mag-iwas agad ng tingin. But... even in his eyes, happiness was... missing.
BINABASA MO ANG
Treston School for the Arts [Hiatus]
Teen Fiction[Revised | Tagalog] This is a school for the arts. You can sing. You can dance. You can act. You can paint. You can film. You can perform anything related to arts. But you can never make friends with anyone, except those who belong in your clan. If...