I

580 21 26
                                    

Bata pa lang ako, kanta na daw ako nang kanta. Naririnig daw ako palagi ni Mommy at Daddy na kumakanta eh—sa banyo, sa kusina, sa kwarto, sa garahe, at sa kung saan-saan pa. Tuwang-tuwa nga sila kapag naririnig nila akong kumakanta, except sa Kuya ko na inaasar ako na pangit daw ‘yung boses ko. Kaya lagi tuloy siyang pinapagalitan nila Mommy at Daddy. Ang bully ba naman kasi eh. Pero mahal ko ‘yun kahit na ginaganun niya ako.

Basta, sabi ni Mommy, marami daw ang nahuhumaling sa boses ko. Kahit nga daw ‘yung mga kamag-anak namin eh. Lagi na daw sila nagre-request na kumanta ako kapag may videoke sa bahay namin or sa bahay nila. Basta may videoke, pinapakanta daw agad ako.

Mana daw ako sa tatay ko. Singer daw ‘yun eh. Lagi daw kinakantahan si Mommy. Maganda rin boses ni Mommy. Sadyang mas maganda lang ‘yung kay Daddy. Magaling rin kumanta ‘yung Kuya ko. Kaso sa akin, nagsama-sama lahat ng kagandahan ng boses nila. Kahit nga daw ‘yung kagandahan ng boses ng mga ninuno namin, sa akin na napunta. Ako na talaga! Kaya nga proud na proud sila kasi nakapasok ako sa Treston.

“Iryz! Bumaba ka na diyan! Male-late ka na!”

Napabalikwas na lang ako nung narinig ko ‘yung sigaw ng Kuya ko. Hihiga na naman sana kasi ulit ako eh pero tapos na naman akong maligo at magbihis.

“Pababa na, Kuya!” sigaw ko sa kaniya at patakbo akong bumaba sa hagdan. Jusko, sana ‘di ako madapa. Sayang ‘yung beauty ko.

Ako nga pala si Iryz Nicolette Capilli Angeles. 18 years old. Second year college na sa Treston. At dahil second year na ako, simula na nang kalbaryo ko. Pero baka next sem pa. Basics pa lang yata kami ngayon eh. Wala pa masyadong contests. Pero kung matapang ka, edi sumali ka! Walang pumipigil sa’yo. Pero kung natalo ka, ewan ko na lang.

“Good morning, Dad,” sabay kiss sa cheeks niya. Naamoy ko tuloy ‘yung… matapang niyang pabango. Ewan ko ba. Ayoko dun sa pabangong ‘yun pero gustong-gusto naman ‘yun ni Daddy… at syempre ni Mommy.

“Good morning, Baby,” sabay kiss sa noo ko.

“Good morning, Mommy,” sabay yakap sa kaniya at kiss sa cheeks niya.

“Good morning, Issy,” sabay kiss sa noo ko.

Pasensya na kung puro halik-halik ah? Ganyan lang talaga kami dito sa bahay, puro halik-halik, close family ties and blah. Sinanay lang kasi kami na humalik palagi sa kanila kasi ‘yun daw ‘yung sign na okay ang lahat.

“Oh, wala ba akong kiss?”

Inirapan ko siya. “Pft. ‘Wag ka na.” I laughed. But he glared at me. Gahd. Nakakatakot pa naman si Kuya kapag nagagalit, lalo na kapag titingnan ka niya ng magkadikit ‘yung dalawang kilay niya. Ang kapal ba naman kasi. “Oo na, ito na po.” I kissed him on his cheeks.

“Sweet talaga nang baby namin.” Hinalikan niya ako sa noo, pinisil ‘yung ilong ko, at ginulo ‘yung buhok ko though wala naman siyang magugulo kasi naka-braid ng maayos ‘yung buhok ko.

He’s name is Josiah Uriel Capilli Angeles, 21 years old, Materials Engineering graduate. Matalino eh kaya engineering ‘yung course. He’s your ever-so cliché perfect guy—mabait, gwapo, at hot. Idagdag pa natin sa description niya na isa siyang casanova. Pero noon ‘yun, hindi na ngayon. He changed because of Ate Rowie. Mahal na mahal niya kasi.

Love could really change a person. No—Love could help a person change and blah blah.

“Papahatid ka ba, Beh?”

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon