XII

142 6 0
                                    

Di ko naubos yung pagkain ko kaya pinabalot na lang ni Adrian. Sa totoo lang, wala namang take-out-shiz sa canteen namin pero nagpumilit si Adrian. Syempre, anak ng may-ari ng school kaya nasunod yung gusto niya. Ayoko pa ngang tanggapin e kasi nahihiya ako sa kaniya pero nagpumilit talaga siya at sinaksak sa bag ko yung dalawang paper bags ng tira kong pagkain.

Nakakainis rin naman kasi siya e. Di naman ako baboy tulad ng akala niya. At oo, payat ako, pero di ako kasing takaw ng iniisip niya. Parang sayang tuloy yung ginastos niya. Kaya kakainin ko na lang talaga para di sayang.

Tahimik lang kaming umakyat sa room. Di ko alam kung bakit biglang natahimik tong si Adrian e kanina lang walang sawa siya kung kulitin ako. Di ko na nga lang pinansin e kasi sa wakas, katahimikan para sa akin.

Pagkarating namin sa room, bigo pa rin ako na makita si Ace. Nasan na ba kasi siya? Nakailang text na ako sa kaniya e pero wala talaga siyang reply. Ano na bang nangyari dun?

Binrief lang kami tungkol sa mangyayaring battles which is two months from now. Bunutan yung unang tatlong laban para assured na randomized talaga yung mangyayaring battles. Tapos ira-rank yung points namin (syempre one point kapag nanalo ka) tapos hahati-hatiin kami sa anim na groups for elimination rounds. Lahat ng nasa group na yun, kailangan naming makalaban Ang may pinakamataas na score, papasok sa semi-finals.

Sa semi-finals, bunutan ulit kung sinong makakalaban. So bale three pairs yung mangyayari. Yung mananalo dun sa bawat pair na yun, sila yung maglalaban-laban sa finals na may tatlong rounds. Iba't iba yung theme na di pa sinasabi. Ang may pinakamataas na points sa final rounds, siya yung hihiranging over-all champion.

Habang pinapakinggan ko si Ma'am, kinakabahan na ako. Dati-rati, pinapanuod ko lang yung mga battles na yan. Ngayon ako na yung isasalang. Nakakatakot. Ang kwento kasi sila, lahat daw gagawin ng iba para lang sila yung makapasok sa finals. Backstaban na kung backstaban. Sakitan kung sakitan. Pilayan kung pilayan. Personalan kung personalan. Iba pa naman ang nagagawa ng mga tao lalo na kung gustong-gusto nila ang isang bagay.

Kapag nanalo ka sa battles as over-all champion, automatic na magkakaron siya ng recordings, albums, and contract sa isang sikat na company. Madalas nga yung mga nananalo sa battles, di na tinutuloy yung pag-aaral nila kasi nakuha na naman nila yung gusto nila.

Syempre, lahat gustong makatakas na dito. Yun lang naman yung habol nila e. Kapag nanalo sila, malalalayo na sila sa striktong pamamalakad ng Treston.

Pero sa ngayon, sa loob ng dalawang buwan, magtetraining muna kami. Palalakasin yung loob namin. Tuturuan ng mga techniques, iba't ibang approaches sa kanta, etc. Puspusan daw yung mga susunod na araw namin kaya kailangan daw di kami umabsent kasi kami rin daw yung mawawalan. Naalala ko tuloy si Ace. Nasan na ba kasi siya?

Pagkadismiss sa amin, dumiretso ako sa may tambayan namin, umaasang nandun siya. Kaso ano bang bago. Syempre, wala siya dun. Nagstay na lang ako dun kasi dito rin naman ako pupuntahan ni Jason. Lagi naman kasi akong nandito kaya dito niya na ako dinadaanan.

"Mukhang wala pa rin siya ah."

Bumuntong-hininga na lang ako at binigyan siya ng puwang para magkaupo siya. Mabait siya sa akin kanina e kaya sapat lang na maging mabait ako sa kaniya ngayon. Pagkaupo niya, parang nagningning yung bag ko. Naalala ko na naman yung mga pagkain na sinuksok niya sa bag ko.

"A-Alam mo ba kung nasan siya?" wala sa wisyo kong tanong. Pero ewan ko ba. Parang tama lang naman na tanungin ko siya. Magkaibigan namin sila noon tulad ng sabi ni Ace sa akin. Pero di ko lang alam kung ganon na ba katagal yung noon na sinabi niya.

He chuckled. Mukhang mali pala talaga yung natanungan ko. "Bakit mo naman naisip na alam ko kung nasan siya?"

Nagkibit-balikat ako. "M-Magkakilala naman kayo di ba?" Di ko alam kung bakit ako nauutal ngayo't kausap ko siya. Siguro dahil di ko inexpect na mangyayari tong bagay na to. Itong magkakausap kaming dalawa. Di ko naisip noon na makakausap ko siya ng ganito, yung kaming dalawa lang talaga. Madalas kasi kasama niya yung barkada niya at puro pangaalaska lang ang ginagawa niya sa akin. Seryoso rin naman pala siyang tao kahit minsan.

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon