II

446 20 20
                                    

Hiwalay ‘yung upuan ng boys at girls sa Audition. ‘Di ko alam kung bakit eh. Siguro awareness lang baka daw kasi may masamang mangyari. You know… the thing. Kidding. First day pa lang so dapat behave ka pang kumilos. Tsaka bawal makipagkaibigan dito sa Treston so set that thing aside.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo kanina, kaya bawal makipag-usap dito para maiwasan o mabawasan ‘yung mga away. Ayaw kasi ng gulo ng school admin para bawas daw sa gastos, sa casualties, and sa responsibilities. Ayaw na ayaw nila sa responsibilities. Sana nga ‘di na lang sila nagtayo ng school eh kung aayawan lang naman nila ‘yun.

Pero tinatanggap na lang namin kasi they offer a high-quality education about arts. Ginusto naman namin ‘to dapat sumunod na lang kami sa gusto nila. Para naman ‘yun sa ikabubuti namin eh. Yata.

But honestly speaking, pwede namang makipagkaibigan dito, basta ‘wag na ‘wag lang kayo magpapahuli. Kapag nahuli kayo ng kahit sino, guard, staff, teacher, o kahit ‘yung mga kaklase mo, then say good bye to Treston.

Yes, ang strict, pero kailangan talaga naming sumunod para magtagal kami dito. Tsaka, school for the arts naman kami eh, not school for friendship.

“Una na ako ah.”

Tumango na lang ako at ngumiti. Then we parted ways. But stopped. May gusto lang akong tanungin.

“Teka…” Hindi ko alam kung malakas ba o mahina ‘yung pagkakasabi ko pero sana naman marinig niya.

“Oh?” Lumingon siya agad-agad. Agad-agad talaga. Mukha naman kasing narinig niya ‘yung sinabi ko.

“Iryz,” pakilala ko sa kaniya sabay abot ng kamay ko. I know, bawal makipagkaibigan, pero bakit ba? Gusto ko lang naman siyang makilala o gusto ko lang naman na makilala niya ako.

“Bawal makipag-kaibigan dito,” he said blandly.

Gahd, what is wrong with you? Kanina okay siya tapos ngayon hindi na. Wait—baka ako lang kasi nag-iisip na okay siya kanina. He’s not even smiling earlier.

“Wala namang sinabing bawal makipag-kilala, ‘di ba?” dahilan ko na lang sa kaniya.

Ewan ko ba. ‘Di ko alam kung bakit ko ‘to pinupush but I have this urge to know him or to be friends with him or blah.

“Hmmm… sounds reasonable.” He smiled. Gahd. No smiling please. “Ace. Nice to meet you,” he shook my hand.

“Nice to meet you rin,” I said, returning his smile. I’m just being nice, okay. Well, a little flirt na rin. Eew.

We let a little laugh kasi parang nagtitigan na lang kami dun then we parted ways. Okay na siguro ‘yun. Alam na namin ‘yung pangalan ng isa’t isa, though ‘di pa kami friends ah! Sana nga lang walang nakakita. Baka kasi ma-misinterpret nila eh at baka magsumbong pa sila. Mahirap na.

Nung nakaupo na ako ng kumportable, naaninag ko ng maayos ‘yung stage. Ang dami pa lang instruments dun. Feeling ko nga kumpleto ‘yung mga nakalagay dun tapos may microphone sa gitna. Wow. That set-up could probably kill someone with a low self esteem. Baka nga sa mga titig pa lang nila sa’yo, matunaw ka na o baka nga ikamatay mo na. Pero dapat naman prepared kami dito eh. Ginusto namin ‘to kaya dapat handa kami para dito.

Pero sana kayanin ko mamaya.

--

Ang gagaling nilang lahat.

Kahit ‘yung mayabang na anak ng may-ari ng Treston, maganda ‘yung boses niya. Nagtayuan pa nga ‘yung judges pati ‘yung iba pang tao sa auditorium. Mukha silang binayaran kaya nga ‘di ako tumayo eh kasi ‘di naman ako nakatanggap ng suhol. Well, as if namang tatanggap ako ng suhol galing sa kaniya.

Pero bitterness aside, magaling siya kumanta.

“Next. Miss Angeles?”

Tumayo ako sa kinauupuan ko and I felt all heads turned towards me. Alam ko maganda ako pero ‘di niyo naman ako kailangang lingunin ng ganyan! Bigla tuloy nangatog ‘yung tuhod ko. But I maintained my composure at naka-chin up akong naglakad papuntang stage.

Pag-akyat ko dun sa stage, nilibot ko muna ‘yung mata ko sa buong auditorium. Halos lahat sila expressionless at titig lang na titig sa akin tapos ‘yung mayabang na anak ng blah blah may binulong pa sa katabi niya. Pero may isang tao na ngumiti ‘yung umabot na sa kaniya ‘yung tingin ko tapos nag-thumbs up pa siya.

I was kind of relieved when he did that.

First day na first day, landi agad. Great way to start the year, Iryz. Really, really great way.

I let out a sigh and greeted the judges/teachers a great afternoon.

“What are you going to do?”

“Sing, Ma’am.”

“Can you play any instrument?”

“I-I can play a guitar, and a little bit of a piano and violin.” Medyo nag-stutter pa ‘yung boses ko dun pero go lang. Assessment pa lang naman namin ‘to para sa sections namin eh. Nothing to worry about.

“Okay. Show us your talent.”

I nodded, grabbed an acoustic guitar, and then started to play and sing, of course.

You shout it out,

But I can't hear a word you say

I'm talking loud not saying much

I'm criticized but all your bullets ricochet

You shoot me down, but I get up

I'm bulletproof, nothing to lose

Fire away, fire away

Ricochet, you take your aim

Fire away, fire away

You shoot me down but I won't fall

I am titanium

You shoot me down but I won't fall

I am titanium

Halos lahat pa rin ng mga mata, seryoso, pero meron na ilan-ilan na parang nags-sway na sa tugtog ng gitara. Nakakatuwa nga eh. They’re feeling the melody.

Stone-hard, machine gun

Fired at the ones who run

Stone-hard as bulletproof glass

You shoot me down but I won't fall

I am titanium

You shoot me down but I won't fall

I am titanium

You shoot me down but I won't fall

I am titanium

You shoot me down but I won't fall

I am titanium

I am titanium.

After hitting the highest note, the audience applauded with matching whoops and whistles. Some gave me a standing ovation, pero pinaupo din sila ng someone sa may gilid ng stage. ‘Di ko talaga nakita ‘yung nagpaupo pero parang napilitan kasi silang umupo.

I bowed down then bumaba na ako sa stage.

I survived day one.

Treston School for the Arts [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon