"Sino yun?" usisa ni kuya pagkapasok ko sa bahay. Inako niya pa nga yung pagbubuhat sa bag ko para lang ma-interrogate niya ako. Kahit sila mama at papa, ang sama-sama ng tingin sa akin. Nakakaloka lang. Pero sabagay, first time naman kasing may naghatid sa akin pauwi ng bahay.
"Kaibigan ko lang yun," sagot ko sa kaniya.
"Taga-Treston rin?" singit ni Papa. Tumango ako bilang sagot.
Di na sila nagtanong pa ng kung ano-ano at hinayaan na lang akong makaakyat sa kwarto ko. Kapag bunso ka talaga. ang bilis-bilis maawa ng pamilya mo sa'yo. Naginarte kasi ako kanina na masakit yung katawan ko.
Hindi nila alam na bawal makipagkaibigan sa Treston so they bought my reason. Di ko sinasabi sa kanila yung patakaran na yun kasi kapag nalaman nila ang tungkol dun, for sure, papalipatin nila ako ng school. Magdadahilan sila na kaya ko naman daw abutin yung mga pangarap ko kahit na sa ibang school ako mag-aral. Pero ayokong lumipat. Kahit naman ganun yung Treston, masaya pa rin naman ako. Lalo na't alam ko na yung Treston yung magdadala sa akin sa pangarap ko ng madalian. Ito yung gusto ko kaya ito yung pinili ko.
Isang taon kong nagawang itago sa kanila yung tungkol sa patakaran sa Treston kaya sigurado ako na di nila ako mabubuko.
Nakahinga ako ng maluwang pagkatalon ko sa kama. Buti na lang at di kami nakita ni kuya kanina. Kinalkal ko yung bag ko para kunin yung cellphone. Di ko alam kung bakit dito ko nilalagay yung cellphone ko.
Nag-iisa lang yung text pagkabukas ko sa phone ko. And it read: I love you.
Napatalukbong na lang ako ng unan at sumigaw ng pagkalakas-lakas. God. Ngayon lang nabaliw ng ganito yung puso ko.
Sa classroom na lang kami nagkita ni Ace. Gusto niya nga sana akong sunduin kaso baka magtaka na sila mama at papa kapag nagiging madalas yung paghahatid sundo niya sa akin. Sabi ko sa kaniya, hinay-hinay lang muna kami. Naintindihan niya naman yun lalo na't wala pa namang kami talaga. Di niya pa nga sinasabi kung nanliligaw na ba siya or what. Basta ang mahalaga, alam ko na mahal namina ng isa't isa.
Nginitian niya lang ako pagkaupo ko sa tabi niya. Ngumiti lang rin ako pabalik at agad dinukot yung cellphone ko sa bulsa. Nakita ko na may text nga siya.
From: Ace
Good morning, beautiful!
Pinikit ko na lang yung mga mata ko para mapigilan yung kilig na lumabas sa mukha ko. Hindi pwede e. May nagmamanman sa may likuran naming dalawa.
To: Ace
Good morning rin, Mr. Gwapo! (Yuck. Ang corny ata nung tawag ko.)
Narinig ko siyang humagikgik ng mahina. Gusto ko nga siyang sikuhin e kaso bawal.
From: Ace
Ayos lang. Gwapo naman talaga ako eh. ;)
To: Ace
Ang harot! Haha. Oo na lang. :p
We've decided not to talk to each other kapag nasa harap kami ng mga tao. If we want to save our friendship, kailangan naming limitahin ang lahat ng kilos namin para walang mapansing kakaiba yung mga tao sa paligid namin. This is the most plausible way to continue what's between us lalo na't sobra kung magmatyag si Adrian.
Ewan ko ba kung bakit nakikielam siya. Alam kong ayaw niya sa akin kaya niya nga ako laging inaalaska e. Pero siya pa tong gusto akong isalba sa piligro kapag nahuli kaming dalawa ni Ace na magkasama. Pero parang sobra naman ata yung pagoobserba niya...
Dalawa lang yung rules namin ni Ace: 1) No talking; 2) No human touch. Dalawa lang yan pero kaya na kaming isalba ng dalawang bagay na yan. Kahit na nakaka-miss kausapin si Ace, for sure naman e makakausap ko siya mamayang lunch at uwian. We just have to act like we don't know each other in front of everyone for a while, then drop it kapag wala nang ibang tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
Treston School for the Arts [Hiatus]
Teen Fiction[Revised | Tagalog] This is a school for the arts. You can sing. You can dance. You can act. You can paint. You can film. You can perform anything related to arts. But you can never make friends with anyone, except those who belong in your clan. If...