Na-flood ko na ata yung inbox ni Ace pero di pa rin siya nagrereply sa akin. Mas lalo tuloy akong di mapakali. Baka kasi may masama nang nangyari sa kaniya or something else. Nakakapanibago lang kasi parang nag-iiwas si Ace e parang kaming dalawa lang naman tong magkasangga sa buhay.
Even with the warning of Adrian, di ko pa rin bubuwagin yung pagkakaibigan namin ni Ace. We can act liek were not inside the campus. Tapos kapag nasa labas na kami, we'll then drop the act. It's hard to lose a friend lalo na kapag buo na yung friendship niyo.
Nakakatuwa nga e kasi kahit ilang araw pa lang yung klase, buo na agad yung pagkakaibigan namin. It was fast but strong, and no one would dare to sacrifice something so strong.
I swore to myself before that I will follow the rules of Treston. Nagawa ko naman siya sa loob ng isang taon. Kaso nang nakilala ko si Ace, naramdaman ko na handa akong i-defy lahat ng rules makasama lang siya. He made me realize that life all alone is damn lonely and having company is much, much better than having none. Mas makulay ang buhay kapag may kasama ka kasi may pwede kang pag-share-an ng kasiyahan, kalungkutan--ng lahat-lahat mo.
Tumalon agad ako sa kama pagkarating ko sa bahay. Nagpatawag na lang ako sa kuya ko kapag kakain na kami. Nagbukas ako ng radyo at saktong-sakto yung timing ko.
Kumakanta na si DJ 1195. Di ko mapigilang maalala si Ace sa kinakanta niya. Lego House. Mas nabagabag tuloy ako lalo. Alam kong makikita ko naman siya bukas pero di pa rin ako mapalagay e. Feeling ko mapupuyat ako sa kakaisip sa kaniya. Makakatulog rin kaya siya maayos kahit na iniisip-isip ko siya?
Pagkarating ko sa school sa sumunod na araw, hinanap ko kaagad siya. Pero di ko siya nakita. Pumunta ako sa tambayan naming dalawa pero wala talaga siya. Nahuli pa nga ako ni Adrian na nandun e kaya umalis na lang agad ako.
Pagdating ko sa classroom, wala rin siya. Bumuntong-hininga na lang ako at sumuko. Baka absent lang talaga siya ngayon. Pero bakit? May sakit kaya siya? Masama kaya pakiramdam niya? May nangyari kayang masama sa kaniya? Naaksidente ba siya?
Ugh. Napaparanoid na ako. Bwisit tong Ace na to e.
"Aww." Inirapan ko na lang siya. Ang aga-aga, nambubwisit na tong mokong na to. "Miss mo na ba si Ace your labs?"
Sinalpak ko yung earphones sa tenga ko at kinuha yung librong binabasa ko. Sinadya kong lakasan yung tugtog para di ko marinig yung alingawngaw ng boses ni Adrian. Naririndi talaga ako sa kaniya. Pasalamat siya at naging mabait siya sa akin kahapon kaya hinahabaan ko rin yung pasensya ko para sa kaniya.
Pero talagang di nagpapapigil ang loko. Hinigit niya yung earphones ko.
"Ano ba?!" Nag-iinit na yung mukha ko dahil sa galit. Isama mo pa yung tumatawang mukha ni Adrian. Ang sarap niyang bugbugin. Kung kaya ko lang talaga. Porket anak siya ng may-ari ng school, may invisible cloak na nakabalot sa kaniya. Nakakairita.
"Kinakausap kasi kita e pero di mo ako pinapansin."
"Ano bang gusto mo, ha? Ba't ba ayaw mo akong tantanan?"
"Ikaw nga yung gusto ko!" sigaw niya. Nagsitinginan tuloy yung mga kaklase namin sa gawi namin. Bwisit. Eksena naman tong bwisit na katabi ko. Bakit ba kasi wala si Ace dito? "Sinabi ko na yun sa'yo kahapon e. Hanggang ngayon di mo pa rin get's."
I calmed myself down. Baka maimbyerna lang ako ng sobra kung papantayan ko yung kabwisitan niya e. "Pwede bang tigilan mo na ako?" mahinahon ko sa kaniyang tanong.
Umiling-iling siya. Hinila niya ng maigi yung earphones kaya natanggal na rin yung sa kabila kong tenga.
"Di ka naman dito nakaupo ah?" tanong ko sa kaniya habang pasikretong hinihila yung earphones papalayo sa kaniya. Pero di talaga siya pumapalag kaya hinayaan ko na lang.
BINABASA MO ANG
Treston School for the Arts [Hiatus]
Teen Fiction[Revised | Tagalog] This is a school for the arts. You can sing. You can dance. You can act. You can paint. You can film. You can perform anything related to arts. But you can never make friends with anyone, except those who belong in your clan. If...