Lahat tayo ay may kanya-kanyang gustong takasan
Problema sa buhay o hindi kaya'y mga bagay na nagbibigay sa atin ng kaguluhan
Kaya kung ano-ano ang ating gustong puntahan
Para kapayapaan ng isipan ay makamtan
Umupo sa porselanang buhangin sa dalampasigan
O hindi kaya'y sa malawak na damuhan
Nakatingala sa nagniningning na kalawakan
Tanglaw ng buwan at mga butil na bituin ay nakakaakit tingnan
Kung sana ay nandito ka lang, magkasama sana natin 'tong pagmasdan,
Ngunit ika'y lumisan
Sa panahong hindi ko man lang inaasahan.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Iba't-ibang Tula
PoetrySa paglapat ng iyong tinta Uusbong ang iba't-ibang tula Na may makukulay na kataga At madamdaming paksa Tunghayan ang iba't-ibang tulang uugnay sa 'yong buhay gamit ang matatalinghagang salita Halika't basahin para iyong madama.