Paalam Aking Kaibigan

38 19 0
                                    


Ika'y dumating sa oras na hindi ko inaasahan

Nagkakilala at naging magkaibigan

Kumportable sa isa't-isa kahit hindi pa nagkita ng personalan

Ilang oras na usapang puno ng kulitan at asaran


Higit sa lahat ika'y nagbigay ng kasiyahan

Sa katagalan, ika'y nagpasya na lumisan

Ako'y nabigla dahil iyon ay biglaan

Gusto man kitang pigilan,

Ngunit wala na akong magagawa kung 'yan ang magbibigay sayo ng kapanatagan


Tatanggapin kahit ako'y lubos na nasaktan,

Sa biglaan mong paglisan

Salamat sa lahat aking kaibigan

Kailanman, hindi kita malilimutan.

Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon