Bawat isa ay may gustong patunayanSinisikap na harapin ang bawat laban
Hihiniling na sana ipagmalaki man lang nila,
Kahit man lang sa pagbigay nila ng suporta
Nagbubulag-bulagan o hindi kaya'y nagbibingi-bingihan
Iyan ang hindi ko alam kung tunay ba silang ganyan
Araw-araw tayo'y umaasa
Inaantay ang panahon na sana halaga ay makita
May kulang pa ba tayong dapat punan
Para sarili ay hindi na ipagsiksikan
Nakakapagod ngunit wala tayong magagawa
Kundi isipin kung bakit tayo nagsimula
Sarili man ay nasasaktan
Pero dapat nating isipin na lahat ay may dahilan
Siguro, uusbong ang ating halaga
Kapag tayo na ay nawala.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Iba't-ibang Tula
PoetrySa paglapat ng iyong tinta Uusbong ang iba't-ibang tula Na may makukulay na kataga At madamdaming paksa Tunghayan ang iba't-ibang tulang uugnay sa 'yong buhay gamit ang matatalinghagang salita Halika't basahin para iyong madama.