Tinuri kitang tunay na kaibigan,Ngunit wala man lang paalam ang iyong paglisan
Nawala ka sa oras na ika'y aking kailangan
Umaasa pa naman na kaibigan natin ay may patutunguhan
Sa iyong pagkawala, sarili ko ay naging matamlay
Inaakala na ika'y maging karamay
Pero mukhang malabo na dahil pagkakaibigan natin ay tuluyan nang namatay
Siguro, kukumbinsihin ko nalang ang sarili na ako rin ay masasanay.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Iba't-ibang Tula
PoesíaSa paglapat ng iyong tinta Uusbong ang iba't-ibang tula Na may makukulay na kataga At madamdaming paksa Tunghayan ang iba't-ibang tulang uugnay sa 'yong buhay gamit ang matatalinghagang salita Halika't basahin para iyong madama.