Koneksyon sa isa't-isa ay ating binuoPara tayong umusbong na ligaw na damo
Nabuhay na parang may mga sariling mundo
Ikaw ang laging nagbibigay payo
Magkatabi kahit saang litrato
Kasama ka sa 'king binuong kuwento
Ngunit bakit hindi ko mahanap ang salitang tayo
Kahit buklatin ko pa ang diksyunaryo
Ako'y nalilito
Kung puso ba'y nakakandado,
O sadyang hindi ako para sa 'yo?
Baka naman wala talagang tayo
Siguro, para sa kaibigan lang ang salitang tayo
Dahil iba pala ang 'yong gusto at hindi ako
Ngayon ko lang napagtanto,
Na ang sakit dahil wala palang tayo.
BINABASA MO ANG
Koleksyon Ng Iba't-ibang Tula
ŞiirSa paglapat ng iyong tinta Uusbong ang iba't-ibang tula Na may makukulay na kataga At madamdaming paksa Tunghayan ang iba't-ibang tulang uugnay sa 'yong buhay gamit ang matatalinghagang salita Halika't basahin para iyong madama.