Daan Tungo sa Tagumpay

43 19 0
                                    

Hindi ito kasali sa koleksyon ng mga tula. Gusto ko lang idagdag ito bilang pangwakas sa aking katha.

Sa pagsikat ng araw ay panibago na namang pahina ang ating susuuingin, kung saan ang pahinang ito ay puno ng mga karanasang kapupulutan ng aral. Ito rin ay may maraming pagsubok na dapat harapin ng may lakas ng loob na kailangan nating matagumpayan.

Sa mundong ito, mararanasan natin ang tunay na laro ng buhay. Kailangan natin itong paghandaan dahil anumang oras ay puwedeng lulusob ang kahit ano mang hamon. Kapag sumuko ka sa karerang ito ay talo ka at kapag nagpatuloy ka naman ay siguradong magwawagi ka. Sa ating pakikipagsapalaran, dito natin matutunghayan ang totoong halimaw na mas nakakatakot pa sa mga nababasa natin sa libro o hindi kaya ay napapanood natin sa mga pelikula. Ang halimaw na ito ang siyang susubok sa ating katatagan at determinasyon kung karapat-dapat ba tayo sa susi ng tagumpay. Sinusukat nito ang ating kapasidad kung hanggang saan ang kaya nating gawin para sa hinahangad natin sa buhay. Kung may oras ang pagsikat ng araw, meron din itong paglubog. Kung saan nagpapahiwatig na kakagat na ang dilim sa ating paligid. Ito rin ang tamang oras nang paggising ng buwan na kapares naman nang unti-unting pagsibol ng mga nagniningning na bituin sa malawak na kalawakan. Ito ang siyang nagsisilbing gabay at pag-asa sa ating madilim na kabanata.

Ganito talaga ang buhay, hindi lang puro tagumpay at panalo ang laging nangunguna. May mga panahon na hihilahin tayo sa madilim na parte ng ating buhay upang tayo ay sumuko. Mangyayari lamang ang salitang "sumuko" kung magpapalamon tayo sa ating takot at kahinaan. Dapat nating tandaan na ang daan patungo sa ating tagumpay ay hindi isang tuwid na daan na madaling bagtasin. Kung sa realidad ay isa itong pasikut-sikot na tinatawag na kamalian. Ang mga pagkakamaling ito ay hindi dapat maging dahilan upang huminto tayo bawat hamon ng buhay bagkus gawin natin itong motibasyon. Ito magsisilbing sulo na siyang gagabay at magtuturo sa atin ng tamang daan upang makamit ang matagal na nating hinahangad na pangarap tungo sa tagumpay. Magtiwala ka na kaya mo dahil siguradong walang kahit anong hadlang ang kayang patayin ang naglalagablab mong determinasyong lumaban.

Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon