Paglimbag

42 20 0
                                    


Naglalakad sa isang malawak na pasilyo

Halos hindi ko mabilang ang mga tao

Bawat isa ay may sariling kuwento

Ako'y napatigil nang makita ang mukha mong maamo


Tila tumigil ang aking mundo

Ikaw na ba ang siyang kukumpleto

Sa katha kong binuo

Hinihiling na sana ay ikaw ang inilaan sa aking puso


Dahil gusto kong ilimbag ang ating sariling kuwento

Kuwentong wala ibang tauhan kundi tayo

Tayo lang sa ating sariling mundo

Hanggang sa wakas ng ating binuong libro.


Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon