Kalikasan

49 19 0
                                    


Inang kalikasan,

Pasenaya na kung ika'y aming napabayaan

Mga abusadong tao ang naging dahilan kung bakit ka nahihirapan

Basurang nagkalat kahit saan,

Idagdag pa ang polusyon sa kapaligiran

Mga punongkahoy ay nauubos na sa kagubatan

Mga hayop ay nawalan na ng tirahan

Paano kung hindi ito mapipigilan?

Ano kaya ang patutunguhan?

Susunod na henerasyon ay walang madadatnan

Ang pinong buhangin ng dalampisan,

Bughaw na kalangitan,

At luntiang kapaligiran

Mauubos na nang tuluyan

Kapag ito'y mawala, ano na lang ang ating pagkukunan ng pangangailangan

Walang dapat sisihin kundi ang ating kapabayaan at kakulungan

Kaya dapat kalikasan ay alagaan at protektahan

Kahit sa mumunting hakbang, siguradong ito'y masulusyunan

Kaya ano pa ang 'yong hinihintay, halika at tayo'y magtulungan

Kalikasan ay ibangon sa katapusan,

Pati sangkatauhan ay mailayo sa kapahamakan.

Koleksyon Ng Iba't-ibang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon